Chapter twenty

110 10 4
                                    

Hindi nga ako nag kamali at sinundo talaga ako nitong si Leion sa harap pa mismo ng aming eskwelahan. Mabuti na lamang at wala gaanong estudyante ang naroon kaya hindi gaano nika napansin nag prominente niyang sasakyan. Dumiretso nga ata sya sa munisipyo at may aasikasuhin roon.

Nang maka uwi ay inumpisahan ko na din gawin sa kwarto ang mga takdang aralin na ibimigay sa amin ng prof. medyo hindi pa nga ako sanay na gawin iyon mag isa dahil ang lagi ko talagang kasama ay si marvy pero mukang busy pa siya at maraming inaasikaso para sa scholarship niya.

Tunog ng katok sa pinto ang umagaw sa atensyon ko. Tumayo ako at marahan na binuksan ang pinto at mula sa uwang nito ay nakita ko ang nakasilip na muka ni marvy.

"Hi?" Tila ba may araw sa likod nito dahil nang niningning ang kanyang ngiti.

"Hi." Tinitigan ko sya saka marahan na binuksan ang kaninang nakauwang lang na pintuan.

Napahawak ako sa balakang ko at napatingin sa likuran niya kung may kasama ba siya.

"May hinahanap ka pa ba?" Sumilay ang bahagya nyang pag ngiti. Umiling ako saka nilakihan ang pag kakabukas ng pinto.

"Pasok ka para naman bago ka rito," Rinig ko ang pagtawa nya saka ginulo ang buhok ko.

"Baka naman kasi may kinikita ka ng iba mawawalan kana ng oras sakin kung gayon."

Naka upo na ito sa kama ko saka hinawakan ng bahagya ang mga kamay ko at hinila ako papalapit sakanya. Parang nanikip ang dibdib ko ng maamoy ang panlalaki nyang pabango.

"Saan mo naman nabalitaan yan?" Napairap ako sakanya ng pabiro saka marahan binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito ngunit mas lalo nyang hinigpitan.

"Wala naman.." Napatingin siya sakin para siyang nawawalang tuta sa itsura nya ngayon. Singkit na mabilog ang mata, paano ko ba mapapaliawanag ang hugis ng mata niya baka matawa lang ako.

Tumama ang sinag ng araw mula sa bukas kong bintana papunta sa gilid ng kanyang muka. Lalo kong natitigan kung gaano kamatipuno tignan ni Marvy. Panigurado ako lahat ng babaeng matitipuhan nya ay gugustuhin rin siya.

Napapitlag ako ng bigla niyang ilagayn ang dalawa kong kamay sa gilid ng dalawang pisngi niya. Ramdam ko ang init na dumadaloy roon pati na rin ang pag huli niya ng tingin sa mata ko.

"Gusto mamitas ulit tayo ng mga prutas doon sa hardin nila manang lucile?"

Dinala ko ang dala kong kamay sa buhok niya saka marahan hinaplos pataas ang medyo makulot niyang mga buhok. Ngayon ko lang napansin na pag nasisinagan iyon ng araw ay parang nag kukulay brown. Kung titignan si Marvy muka talagang siyang anak ng isang maimpluwensyang tao.

"Sige pero dapat saglit lang tayo at bawal ako magpagabi."

Tumingin ako sa orasan na nasa taas ng kama ko. Alas tres palang naman ng hapon sigurado naman ako makakauwi kami agad.

Lumabas kami ng kwarto saka tumungo sa paradahan ng bisikleta ni marvy sa labas lamg ng gate. Napansin ko na walang nakaparadang kotse sa labas kaya ang hinala ko ay baka umalis ngayon si Leion.

"Halika na?" Napatingin ako sa direksyon ni Marvy na ngayon ay nakasakay na sa bisikleta nya. Ngumiti ako saka tumungo na sa likod saka sumakay.

Mabuti na lamang at hindi gaano malayo ang bahay nila manang lucille pero magubat pa kasi ang daanan patungo sa kanila kaya medyo delikado.

"Napadalaw ata kayong dalawa?" Sumalubong samin si tatay ben ang asawa ni manang lucille.

"Ah, oho mamimintas lamang po ng ubas saka mansanas," Kamot ulong saad ni Marvy. Natawa naman si tatay ben saka tinapik ang likod ni Marvy.

"Asus gusto mo laang kamo makasama iyang si aidan,"

Kita ko ang bahagyang pag angat nung gilid ng labi ni Marvy saka marahang umiling.

Natawa ako sa reaksyon niya saka dumiretso na sa likuran ng hardin. Namintas kami ng mga prutas na madalas namin ginagawa simula pa ng bata kami. Hindi ko namalayang takip-silim na pala, nilabas ko ang cellphone ko para sana mag paalam kay Leion na nakalimutan ko kanina ngunit ng mapansin kong walang bar ang cignal ay dali-dali akong pumunta kay Marvy para mag ayang umuwi na.

Nakita kong nilalagay nya sa basket ang mga prutas saka napatingin sakin.

"Gusto mo na ba umuwi?"

Napatango ako sa tanong nya saka nakita syang tumayo mula sa pag kakaupo ng hindi nya napansin na may malaking pitak ng bato sa likod ng paa nya. Napaupo si Marvy ng matalisod sa bato.

"Marvy! 'Bat naman kasi di ka natingin sa likuran mo?" Napa upo ako sa harapan nya para silipin kung ayos lang ba pero napansin kong namumula ang gilid ng paa nya ng marahan ko itong hawakan ay napagitla sya.

"Baka may sprain ka," saad ko saka sya tinignan.

"Wala lang yan,"

"Meron," Matigas kong pahayag dahil alam kong di sya magpapatalo.

Tumitig siya sakin saka dahan dahan na tumayon ngunit napaupo rin agad.

"Ano?" Aniya nito na parang inosenteng naliligaw.

Umiling nalang ako sa marahan siyang tinulungan patayo. Dinala ko na rin ang basket na may mga prutas. Napaalam na ko kay tatay ben saka nagpaalam na kung pwedeng iwan na muna ang bisikleta ni Marvy dahil hindi rin naman iyon magagamit.

"Bakit kasi di ako marunong mag bisikleta," Rinig ko ang tawa ni marvy.

"Baka sobra na kita spoiled kaya ganyan,"

"Spoiled ka dyan," Umirap ako.

Bigla na lamang umambon kasabay ng biglag pagbagsak ng ulan nung malapit na kami sa bahay.

"Shit, aidy baka magkasakit ka."

"Hindi yan," Parehas lang ata kami matigas ang ulo.

Napatingin ako sa sasakyan na nasa harapan pagtulak ko sa gate. Pumasok na kami saka binuksan ko ang pintuan sa harapan ng bumungad sakin si Leion na nakatingin sa kanyang telepono na para bang may inaantay na tawag.

Umungat ang tingin niya sakin pababa sa katawan ko papunta kay Marvy na akay-akay ko. Napaangat ang kilay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon