Chapter Fifteen

922 36 0
                                    

Kumaway ako kay Marvy ng matanaw siya na papunta sa direksyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumaway ako kay Marvy ng matanaw siya na papunta sa direksyon ko. Kakatapos lang ng practice nila sa swimming kaya naman inantay ko na siya para makasabay ko ng uwi.

"Sorry, naghintay ka." Nahihiyang mga mata niya akong tinigan. Ngumiti nalang ako saka ginulo ang buhok niyang medyo basa pa.

Ganito nga Marvin. Ngumiti ka lang lagi okay?

"Halika kana?" Namumulan ang gilid ng tenga niya ng niyaya ko ito. Mabilis naman niyang hinuli ang kamay ko na nasa taas parin ng buhok niya.

"Okay.." Bulong nito saka umiwas ng tingin sakin. He's shy? Marvin is blushing gosh!

Gusto kong matawa ngunit pigil ang ngiti ko lang siyang sinundan na nauna na maglakad sakin.

Ilang araw na rin ang lumipas simula ng mawala ang lahat ng bigat ng dibdib ko. Parang lahat nalang nalusaw ng makausap ko si Leion noong nakaraan araw. Siguro nga ang solusiyon lang sa lahat ay pag-uunawa.

"Gutom na ko. Aidy," Napatigil ako ng huminto siya malapit sa gate. May mga nagti-tinda ng kung ano-ano sa park malapit sa school namin.

Mapupungay ang mga mata niya akong tinignan. Gusto ko makabawi sa pagkagulat dahil parang matutunaw ako sa tingin niya. Ilang beses akong napakurap habang hindi parin pinuputol ang tingin sakanya.

"O-Okay.. Ano gusto mo? Kikiam? Xiomai? Libre ko," Tumango ako sakanya saka iwas na tinignan siya. Lumingon ako sa likod at napataligaga ng makita kung sino ang naroon sa hindi kalayuan.

What the héll is he doing in here? At naka formal attire pa! Halatang galing sa opisina. Nakasandal siya ngayon sa nakaparada niyang Audi habang may suot ang sun-glasses. Nakatupi ang puting polo nito hanggang siko. Traces of his well built biceps and triceps are showing beneath his white polo. Dàmn.

Agaw pansin siya kahit na nasa gilid ng gate. Bawat estudyante na papalabas ay napapalingon sakanya! Well.. Who's not? Probinsya ito at hindi maynila!

Parang ayoko na humakbang pa sa kinatatayuan namin. I'm nervous. Sino naman kaya ang ipinunta nito rito? Ngayon ko lang siya nakita na naghihintay. At sa labas pa mismo.

Napalingon ako kay Marvy na ngayon ay seryoso at diretso ng nakatingin sa harap. Nakatingin siya sa direksyon ni Leion! I can feel a lump in my throat. Why does the air seems so tense?

"Halika kana," Napapitlang ako ng si Marvy mismo ang bumasag ng katahimikan.

Napatango ako saka tuluyan napasabay sakanya na maglakad. Halos magkanda buhol ang nararamdaman ko sa bawat hakbang papalapit. Kung bakit ba naman kasi narito si Leion! I'm panicking!

"Aidan.."

Baritono nitong banggit sa pangalan ko. Why do I feel weird inside? Parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

Napatingin ako sa harapan ng makita ito nakati-tig sa akin. Marvy is infront of me so  I can't see his reaction ngunit tahimik lang itong nakatigil.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon