Chapter Eighteen

169 14 1
                                    

Hindi ko makuha kung ano ba ang gustong mangyari ni Leion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko makuha kung ano ba ang gustong mangyari ni Leion. Tulala lang ako habang nakatingin sa bintana ng umaandar na sasakyan niya. Sinabay na ako nito pauwi para raw makatipid ako sa pamasahe na magagastos ko.

"What do you want for dinner?" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang kalmado niyang boses. Swabe itong nagmamaneho at tila kay gaan ng awra.

"Nariyan naman si Nanay. Sigurado akong nagluto na iyon para sa hapunan," Walang gana kong sagot saka sumulyap muli sa labas ng bintana. Papalubog na ang araw at nagkikislapan na ang mga munting ilaw na galing sa mga kabahayan na nadaraanan namin.

Hindi parin maalis sa isipan ko ang pagliban ni Marvy. Hindi lang siguro ako sanay na wala siya sa paligid. Sa katagalan marahil ay matututunan ko rin na hindi gaano dumipende sa isang tao. Ganito pala iyong bigat ng pakiramdam pag maiisip mo na maaring magsawa o lumiban sila balang araw.

"I doubt nanay will cook dinner for us. I sent all the workers in vacation for a month,"

Tila nabingi ako ng ilang segundo. Hindi makapaniwala akong napatingin rito. Paano? Ano?

Hindi binanggit sa akin ni Nanay ang tungkol sa pagbabakasyon nila! Parang napigil ang paghinga ko at tinawag niya pa talagang 'nanay'ang nanay ko!

"Susunod na ba ako sakanila pag-uwi natin?" Bakit parang biglaan naman ata ang lahat.

"No. You'll stay with me,"

Just. What a day aidy.

Hindi na ako muli pang nakipagtalo pa sakanya dahil alam ko naman na kahit ano pang sabihin ko ay siya parin ang masusunod. Pagod akong lumabas sa kotse ng makarating kami sa bahay. Wala naman ako dapat ipag-alala dahil sa laki nitong bahay ay tiyak na hindi naman kami magkakasalubonh diba?

"I'll cook dinner for us. Alam kong hindi ka marunong mag luto,"

Parang nag-init ang tenga ng marinig iyon mula sakanya. Insulto ba iyon o prebilehiyo?

Palihim akong umirap rito saka nilibang ang sarili sa bintana.

Nakapunta kami sa bahay nang walang umiimik sa aming dalawa. Bukas ang ilaw ng bahay kaya nabuhayan ako ng kaunting pag-asa na may naiwan pang mga kasambahay.

Walang lingon akong tumungo patakbo sa pintuan pag kababa palang ng kotse.

Please. Sana nandito pa sina nanay.

Para akong naupos ng makitang walang sino man ang naroon sa bahay. Napatigil ako sa gilid at isinandal ang sarili sa malamig na pader.

Napatungo ang tingin sa lalaking kakapasok pa lang ng pintuan. Nakapasok ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang slacks habang ang isang kamay ay nakahawak sa bag kong naiwan sa kotse niya. May mapaglarong ngiti ang dumako sa mga labi nito na parang nauuyam.

"Don't stare at me like that kid. I might ravish you here,"

Agad kong iniwas ang tingin ko ng makita ang pagpitik ng ugat niya sa braso at naramdaman ang pagbigat ng hangin sa paligid. Agad akong tumalikod at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Walang ingay kong sinara ang pintuan at mariin na napapikit sa gigil.

Wag ka mag papa-apekto ulit Aidan. Wala tayong kasiguraduahan. Mas straight pa sa ruler yan.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili saka ako nagtungo sa cabinet para kumuha ng damit pampalit. Hinubad ko ang pang itaas ko at hindi ko maiwasan na hindi tignan ang repleksyon ko sa salamin. Ang balat ko na parang hindi nasisinagan ng araw at ang patpatin kong pangangatawan. Napangiti ako ng mapait. Sino naman tanga ang gugustuhin ako?

Matapos magbihis ay dumiretso ako sa kama para makapaglibang at makatulog. Wala akong lakas pa ng loob para lumabas at komprontahin si Leion. Napangisi ako nalang ako. Sumagi sa isip ko na parehas ang pangalan niya sa ugali niya. Para siyang Leon kung umasta, napaka-dominante ng pag-uugali. Nag-ggym kaya siya? Sabi ng kaklase ko kung gusto ko magpalaki ng katawan at mag ka muscle pumunta raw ako ng gym. Marahil ay laging tambay si Leion sa gym kaya ganon siya kalaking tao. Napabungisngis nalang ako bigla sa naisip.

Napabalikwas ako ng makarinig ako ng pagkatok sa may pintuan. Dumating na kaya sila nanay?

"Food? you need to eat, cub your too skinny," bungad na pahayag ni leon ng buksan ko ang pintuan.

Tinignan ko ang bitbit niyang tray na may laman na caldereta, tubig at prutas sa gilid. Muka tuloy akong may sakit na kelangan pang alagaan.

"Dapat tinawag mo nalang ako at sabay tayong kumain sa kusina," aniya ko rito pero tumaas lang ang kilay niya saka dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.

Pinanood ko kung paano humulma ang kanyang likod ng ilipag nito ang tray sa side table. Mukang tambay mga talaga siya sa gym.

"But i wanna watch you eat."

"Bakit?"

"Baka mabulunan ka?"

Gusto ko tumawa sa pahayag niya pero napigilan ko dahil baka isipin niya nilalaro ko siya. Tumango lang ako ngunit may mga nakasibol na ngiti sa labi.

Mukang seryoso nga siya nung sinabi niyang papanoorin niya ko kumain. Ang loko naka sitting pretty pa sa kama at nililibot ang paningin sa mga gamit na nasa gilid niya.

"I cooked it,"

"the food."

Pahayag niya, napanguso ako ng maisip na parang ang perpekto niya sa lahat ng bagay. Ganito ba talaga pag may favoritism si lord?

"Ganoon ba? pero parang maalat kasi yung caldereta?"

Tumaas ng kaunti ang gilid ng labi niya at mapaglaro akong tinignan.

"Talaga?" Ani nito ng lumandas ang mata sa simot na platong nasa gilid ng side table.

Namula ang muka ko ang kumunot ang noo saka ko siya tinitigan na parang naghahamon na tupa sa isang tigre.

"Talaga!"

Tumaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko ngunit di parin nawawala ang landas ng mapaglarong ngiti sa labi niya.

"Sure, anything my cub says."

Hindi ko alam kung pang aasar or agree b talaga siya sa sinabi ko. Napanguso ako ng bahagya ng makaramdam na parang inaasar niya talaga ko ngunit naramdaman ko ang paglandas ng kamay nito sa ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok. Inayos niya ang bangs na nakalandas sa mata ko saka seryosong tumingin sakin ng bahagya. Naaamoy ko mula sa kamay niya ang pabangk nito na sigurado akong mamahalin dahil amoy talaga pang mayaman. Parang siguro kahit pati pawis niya wala rin amoy?

"You sleep now, I'll go clean this up." pahayag niya saka ako iniwan mag isang nakaupo sa kamay. Kinuha nito ang mga pinag kainan ko, nilinis ang side table at lumabas na ng kwarto.

Ginagawa niya talaga kong bata parang siyang hinire ni nanay para i-baby sit ako.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon