Chapter Two

1.4K 70 14
                                    

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kaba. Ngayong araw na uuwi si sir leion, hindi ko alam ang dapat kong ikilos. Hindi kasi ako sanay na nandirito ang mga anak ni sir liam kaya kinakabahan talaga ako. Maaga kami nagising at ngayon ay hinihintay nalang ang oras ng pag pasok namin.

Napatingin ako sa orasan ko. Alas sais palang naman at alas otso pa kami aalis rito sa hacienda para dumiretso sa eskwela.

"Halika muna. Diretso tayo sa rancho," napalingon ako kay marvy.

Nakabukas ang tatlong butones ng uniform nyang long sleeves at gulo gulo ang buhok. Nag aaral ka talaga marvy?

"Ano? Wag mo naman ako pagnasaan aidy," may pilyong ngiti sa labi nito. Nakakairita.

"Ang lamig. May bagyo atang parating! Ang lakas ng hangin," pabiro kong niyakap ang sarili ko.

Napasimagot si marvy kaya napatawa ako. Ang dali nya talaga asarin.

"Di naman to' mabiro," mahinang usal ko sakanya.

Ginulo nya ang buhok ko kaya napatigil ako at masamang napatingin sakanya na ngayom ay pilyo akong ningisian.

"Halimaw ka," saad ko rito saka muling inayos ang buhok. Sigurado akong kukulot na naman ang dulo nito dahil sa ginawa nya.

"Ikaw unang nang asar tas pikon ka rin pala kapag aasarin ka," natatawa nyang ipinatong ang braso nya sa balikat ko saka iniipit ang ulo ko sa pagitan ng kili-kili nya.

"Marvy!" Rinig ko ang baritono nyang tawa saka ako pinakawalan at mabilis na umatras sakin.

"Sorry," sabi nito ng may ngisi sa labi.

Sarap pakuluan ng buhay.

"Ilan taon kana nga ulit. Marvy?" Pagtatanong ko rito. Napatigil naman ito saka ngumiti sakin.

"Interested si aidy sakin ah?" Nagtaas baba ang kilay nya saka ako kinindatan. Nako onti nalang talaga. Pls habaan mo pa pasensya mo aidan.

"Biro lang. Pero sa tanong mo 22 na ko pero heto mukang baby parin," napabuntong hininga sya.

"Asal baby kamo," saad ko rito.

"Baby mo?" Dugtong nya.

"Gusto mo to?" Sabay taas ng kanang kamay ko na nakakuyom.

22 na pala si marvy pero totoo nga ang sinabi nyang hindi iyon halata sa muka nya. Baka pag sinabi ko iyon ay hindi na naman sya titigil sa pangungulit.

"Joke lang uli," napatawa syang mahina saka itinaas ang dalawa nyang kamay.

"Dalian na natin baka dumating na sina tito liam," sabi ko rito saka naglakad na pa una.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon