Chapter 5: Lily's Payment

12.1K 398 2
                                    

[alternative chapter title: the girl with the silver dagger]

==

Beatrice

Halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Hay. Kung wala lang kaming quiz sa limang na subjects ngayon, aabsent na ako eh. Sana matapos na ang araw para uwian na. Gusto ko nang bumagsak sa kamaaaaaa!

Wala akong tulog. Sino ba namang makakatulog pagkatapos ma-kidnap, mabugbog, at malamang gangster pala ang bestfriend niya, 'di ba?

Speaking of my bes, nagtama ang mga mata namin ni Elise nang lumiko ako sa hallway. Nakatayo siya sa labas ng classroom ko at halata namang inaabangan niya ako. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala at... takot.

Kumirot ang puso ko nang makita ko kung gaano siya katakot sakin. Hindi ba't parang baliktad? Ako dapat ang natatakot sakanya.

"Bhea..." Umpisa niya nang makalapit ako. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kaysa kagabi, nakatali ang mahabang buhok at nakasalamin ng makapal. Mahigpit ang kapit niya sa strap ng bag niya at iniwas niya ang tingin niya sakin. "Kamusta ka?"

Ramdam na ramdam ko kung gaano siya ka-tensed kaya naman natawa ako. Napatingin siya sa akin at nakita kong nabawasan ang takot at kaba sa mata niya. Natawa ako lalo. Baliktad talaga eh. "Sa lahat talaga ng pwede mong itanong, yan pa talaga?"

"Sorry, I--"

"Ayos lang ako, Elise-- teka, hindi ba dapat Rilliane na ang itawag ko sayo? Ayos lang ako, Rilliane. Wag ka nang magpanic." Ngiti ko sakanya. Sasanayin ko ang sarili ko sa tunay na pangalan niya, dahil gusto kong maging kaibigan siya, ang tunay na siya, ng buong-buo.

Ngumiti siya pabalik, may kasamang kaunting buntong-hininga at medyo napapikit pa; ang usual na expression niya kapag nalaman niyang nabully ako at sinabing kong 'ayos lang ako'.

Bestfriend ko nga talaga 'to.

"Bakit ba tensed na tensed ka?" Natatawang sabi ko. "Hindi naman kita jina-judge ah?"

"Yeah but... hindi ka ba nagulat? Hindi ka ba galit?" Nalungkot ang mga mata niya at umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi ka ba... takot?"

"Rilliane! Bakit naman ako magagalit?!" Ngiti ko at niyakap siya ng mahigpit. Binalik niya rin ang yakap ko. "Naiintindihan ko naman kung bakit mo kinailangan itago sakin yun eh. Tsaka tapos na ako magulat, kagabi pa. Nagsink in na sa akin."

Humiwalay ako pero hindi ko binitiwan ang mga braso niya. Tinitigan ko siya ng maigi.

Nakasama ko si Elise/Rilliane ng ilang taon, ilang beses na niya sakin pinatunayan na isa siyang tunay na kaibigan. Tuwing tutulungan niya akong gamutin ang sarili ko pagkatapos kong mabully, tuwing tutulungan niya ako sa assignments at projects ko tuwing nahihirapan ako, at sa bawat "okay ka lang?" at "mag-iingat ka" na nagmula sakanya. Alam kong hindi niya sakin sinabi ang pagiging gangster niya, pero ano ba naman yun kumpara sa pagkakaibigan namin?

"At tsaka bakit naman ako matatakot sayo, eh alam ko namang hindi mo ako sasaktan." Sabi ko at ngumiti. Nakita ko ang relief sa mga mata niya at niyakap niya ulit ako ng mabilis.

"Thank you. I really thought you were going to hate me. Thank you talaga." Sabi niya at kitang-kita sa mukha niya ang relief. "Anyway, sure kang okay ka lang?"

"Oo naman. Pfft! Ano ka ba." Sabi ko at umirap. Winave ko din ang kamay ko sa harap niya para i-dismiss ang pag-aalala niya. "Nakidnap lang naman ako at na-meet ang buong gang mo. No big deal."

"Bhea talaga!" Tawa niya at hinampas ako sa braso. Tumingin siya sa paligid.

"Wag kang mag-alala. Sinisigurado ko namang walang makakarinig sa atin bago ako mang-asar sayo." Sabi ko at tumawa.

Gangster. (Discontinued)Where stories live. Discover now