VI

4 1 0
                                        


NARINIG namin ang hikbi ng bata habang nakatutok ang mga armas namin sa nanay niya.

"Don't hurt my mama, please," mangiyak-ngiyak na sabi nito at pilit na kumakawala sa lalaki, na baka tatay niya.

"How dare you use a child to escape your crimes?" Galit ngunit kalmadong sabi ni Prudence. She's right, pati batang walang alam idadamay niya pa.

Susugad na sana sa amin ang bruha nang makawala ang bata at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nito ng mahigpit at umiyak naman 'tong si Serenity. How I hate dramas.

"Don't hurt my mama, please. I'm begging you. It's my birthday today and all she wanted is to celebrate it with me in our house but I've got kidnapped and she just saved me! She has nothing to do with any of you!" sigaw ng bata kaya nakaramdam ako ng slight guilt.

Napaatras kami ni Prudence sa narinig. Okay, I admit I felt a lil bit guilty for the child. Pero kasalanan pa rin 'yon ng nanay niya at dinadamay pa siya.

Malamig siyang tumingin sa amin. "See? You made him cry," sabi niya at pinunasan ang mukha gamit ang jacket.

Hindi nagsalita si Prudence ngunit ako ay sarkastikong pumalakpak. Best actress din ang bruhang 'to eh. Gusto ko na ring maniwala na nagdadrama lang din 'yong bata.

"Hindi mo ako madadaan sa drama mo, Serenity Rose!" Galit kong sabi at sinugod siya. Hindi ko hahayaang lumipas ang gabing 'to na hindi ko siya napapatay.

"What did you do to her?" Rinig kong sabi ni Prudence at lumayo sa amin.

Sinubukan ko siyang saksakin gamit ang crane knife ko, pero masyado siyang mabilis. Mukhang sanay na sanay ang babaeng ito. Siguro kriminal talaga siya. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at binend dahilan para mahulog ang kutsilyo, pagkatapos ay sinipa niya ako dahilan ng pagtumba ko.

"I dunno!"

"If you want to kill me, dear. Don't use a cheap knife," walang emosyon niyang sabi sa akin. Mas lalo akong nainis kaya tumayo ako at pinunasan ang labi kong dumudugo. Sinugod ko siyang muli.

"Papatayin kita! Kingina mo! Ano'ng wala kang alam! Sinungaling kang babae ka!" Galit na galit kong sigaw at inambahan siyang muli ng mga sipa at suntok.

Iniilagan niya ang lahat ng suntok at sipa ko gamit ang kanan niyang kamay. Ano? Naduduwag na ba ang babaeng 'to? Napangisi nalang ako nang matamaan ko siya sa mukha. Magaling Sunny, magaling.

"Kasalanan mo 'to! Papatayin kita!" Muling kong sabi at sinugod na naman siya ng another set ng suntok at sipa, ngayon tumama ang isa kong suntok sa mukha niya na ikinatuwa ko.

Napangisi na naman ako sa nangyari. Puro ilag nalang ba ang kayang gawin ng babaeng 'to? Kingina.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong kukunin niya ang espada niya sa likod niya ngunit bigla nalang umiyak 'yong bata.

"Mama don't do it! Don't kill her!" Sigaw noong bata kaya't napabuntong-hininga siya. Buti naman naisipan niyang pigilan ang bruha niyang nanay.

Muli siyang tumingin sa akin at sinigawan ako.

"Stop! Wala kang mapapala kung papatayin mo 'ko!" Sigaw niya kaya't mas lalo akong natriggered. Anong karapatan niyang sigawan ako? At bakit siya pa ang galit?!

"Anong wala? Kasalanan mo 'to eh. Kasalanan ng pamilya mo kung bakit namatay yung mga magulang ko! Kaya kung may mamatay dito, ikaw 'yon!" Malakas ko ring sigaw sakaniya.

Kinuha ko ang hawak na baril ni Prudence at saka ito itinapat sa kaniya.

"Sandali nga blondie, or whatever your name is, magpapaliwanag ako," mahinahon niyang sabi sa akin. Explain her ass.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adrestia Trefoil: ParagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon