"Paalam"

146 2 0
                                    

Kaibigan lang kita
Tatlong salita
Tatlong kataga
Na puso ko'y tumaga
Dalawang salita
Na dahilan ng pag agos ng luha
Kaibigan lang kita
Ilang beses mo ng sinabi yan
Pero ako'y hangal na nagbibingibingihan
Di magawang tanggapin ang kabiguan 
Di kita kayang kalimutan
Di kita papalitan
Ikaw lang pangako yan
Kahit tingin mo lang sakin ay kaibigan
Kaibigan lang kita
Tatlong salita
Na pilit na tatanggapin nitong isip ko
At ipaparating dito sa puso ko
Na kalimutan na kita
Kakalimutan na kita
Pasensya kana
Kung kinukulit kita
Siguro nagsasawa kana 
Sa pag tunog ng cellphone mo tuwing umaga
Na malamang galing sakin
Na nagsasabing magandang umaga
Pangako ko sayo
Na kung dati tuwing papasok ka
Sinasalubong kita
Wag kang mag alala
Ako'y kakalimot na
Sa alaala ng kahapon ay mag papa alam na

Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon