" Broken Smile "

75 3 0
                                    







Andito ako ngayon sa garden ng school pinagmamasdan kayong dalawang nag uusap..
Hindi nyoko makikita kase kaluluwa nako...
Funny right?

I started to Reminiscing our memories..

Na dati ako yung kasama mo..
Ako yung kaharutan mo
Yung kalandian mo..
Na makikitaan ng malaking ngiti sa iyong labi

Pero nag bago Ang lahat ng makilala mo sya
Lagi nalang sya Ang topic mo
Sya Ang bukambibig mo
Hindi ko mawari kung bakit ka nagkaganyan
Na dating masaya naging malungkot na

Imbis na ako yung kasama mo dahil ako yung nobya mo..
Lagi ko kayong nakikita sa garden na naguusap, nagtatawanan at naghaharutan..
Nakipaghiwalay ka dahil nahulog kana sa kanya
Na Mahal mona sya, na sya yung pipiliin mo kaysa sakin
Lumuhod ako at Nagmakaawa sayo na pwede paba natin tong pagusapan?

Pero Hindi ehhh.. umalis kana lang kusa..

Nawala na yung dating masasayang ngiti
Dahil sayo ako'y nagkadurogdurog
Dahil sayo nagkandaletse letse ako
Hindi ko mahanap Ang sariling ako..
Dahil ikaw Ang dumurog nito..
Nitong Puso ko..

Ako'y nagkaroon ng karamdaman
Na Hindi mona kaylangan malaman
Nung kaylangan ko ng masasandalan
Wala ka
Pero nung kaylangan moko
Andyan ako..

Pero ikaw.. anong ginawa mo?
Sinabihan mopa ako ng masasakit na salita..
Na mas priority mopa sya kaysa sakin..
Oo... hiwalay na tayo..
Pero Mahal pa rin kita..

Pinilit kong lumakad papunta sa itaas ng building nato
Kung saan ako nakaratay

Eto na Ang pinakahihintay mo..
Ang mawala ako
Ang mawala sa buhay mo

Pinilit kong ngumiti sa harap ng iba..
Na kaya kopa..
Pero sa ilalim ng masayang ngiti
Ay isang dalagang pagod na pagod na..

Kay sarap ng simoy ng hangin na tumatama sa aking balat..
Gusto ko ng magpahinga
Gustong gusto ko ng magpahinga

Unti unti kong inihakbang Ang aking mga paa..
Kasabay ng pagtulo ng aking luha..
Malaya kana aking Mahal..
Malaya kana..


Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon