"Crush"

201 6 0
                                    

Crush limang letra isang salita subalit bakit tila isang talang nag nining ning sa kalangitan Na kahit kailan diko magawang hawakan
Isang tala na alam kung kayang kaya kung abutin Ngunit kailanman ay hindi magiging akin 

Oo ngat nandyan ka pinag tagpo pero hindi itinadhana 
(Ng makita kita sa tagpuan ni bathala may kinang sa mata na di maintindihan tumingin kung saan sinubukan kung lumisan at)
at dito na muna mag tatapos ang aking kanta dahil nung pinag tagpo kame ni bathala hindi naman pala kame yung itinadhana at don na tumigil ang mundo ko.

Wait tama na nga seryoso na nga. 
Crush bakit nga ba crush kita?
Crush kita hindi dahil sa gwapo ka 
Crush kita hindi dahil sa matalino ka 
Crush kita hindi dahil sa eto ka eto ako bukod sa hindi na nga tayo mag kapantay may namagitan pa.
 
Crush kita hindi dahil maraming nag kakacrush sayo na iba 
Crush kita dahil simple ka 
Crush kita dahil mabait ka 
Crush kita dahil crush kita,Ayun na yun crush kita.

Kahit na alam ko na yang crush nayan paulit ulit na akong nasasaktan 
Hindi physical kundi emotional 
Nasasaktan ako kase ginusto ko'to 
Nasasaktan ako kase ikaw yung mundong pinili ko Ikaw yung mundong pinasok ko 
Yung mundo na alam ko na kahit kailan hindi ako yung magiging mundo.

Bakit ako ganito?bakit ako sabik sa pag mamahal mo? 
Di dahil sa kulang ako sa atensyon kundi dahil ewan koba Kung bakit ganito ang aking nadarama 
Kung bakit ikaw lang at wala ng iba.
Nasasaktan na ako! 
Sinasabi ko'to sayo para ikaw na mismo yung mag kusang lumapit at mag sabing Tama na Tumigil kana Dahil kung ipag papatuloy mopa masasaktan ka lang talaga 

Pero kung meron naman talaga pwede moring sabihing 
Sige lang ipag patuloy mo lang Dahil eto na ako unti unti narin akong nahuhulog sayo Unti unti ng dumadating yung taong gusto mo
Sana nga ganun na lang,sana nga na sa susunod na pag tagpuin tayong muli ni bathala ikaw at ako na yung itinadhana. 
Hindi ako nag mamadali take your time.
Wag mung isiping inaapura kita na magustuhan ako kaya kong mag hintay hanggang sa pag tanda. 

Pero pasensya kana advance ako mag isip.
Pasenya kana kung sa pag dating ng panahon na handa ka ng magustuhan ako ay sya namang Pag dating ng panahon na ok na ako na masaya na ako na wala na akong iniisip na ikaw at ako na kung pwede paba yung tayo. 

Pasensya kana kung sumuko na ako 
Pasensya kana kung napagod na ako
Pasensya kana kung tumigil na ako
Hindi ako pain proof na lahat ay kaya ko 
Pero sana nga nasa susunod na pag tagpuin tayong muli ni bathala. Matuloy kona yung kanta na Tumigil ang mundo ko dahil ako na yung tinuro mo at Tumigil ang mundo ko dahil ako na yung pinili mo 

Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon