" PINAGTAGPO PERO HINDI TINADHANA "

624 5 0
                                    

Tayo ay pinagtagpo ni tadhana

Kung saan hindi natin alam kung ano ang kanyang sadya

Pinagtagpo sa isang mahiwagang panahon

Isang panahon sa nakaraan na kinalimutan mo ngayon

Tayo ay pinagtagpo para saktan ako

At durugin itong umaasa kong puso

Mahal kasi kita kaya ibinigay ko lahat sayo

At dahil dito pakiramdam ko nawasak mo ako

Noong panahon may binitawan kang pangako

Naniwala ako sa mga sinabi mo

Di naman pala totoo

Ngayon, paano naman ako?.

Paano naman ako na iniwan mo?

Paano naman ako na pinagpalit mo sa iyong bago?

Paano naman ako na umaasang balikan mo?

Pero kahit ganon hindi pa rin kita kayang bitawan

At kahit anong pilit pagmamahal sayo ay hindi nababawasan

Alam ko namang sobra ko nang tanga

Pero mali bang umasa na ika'y muling makasama?

Hindi na ba tayo maibabalik pa?

Kailangan ko na bang humanap ng iba?

Pero hindi eh, ikaw talaga mahal ko

At kahit kailan di napipilit ang puso

Akala ko tayo ay tinadhana

Yun pala dumating ka para turuan ako ng leksyon

Isang leksyon na wag unahin ang emosyon

Isang leksyon na dapat mahalin ko muna sarili ko

At wag itong ibigay ng buo

Isang leksyon na nagtuturo ng pagtanggap

Isang leksyon na ang true love hindi hinahanap

Kasi kung para sayo ang isang tao

Si tadhana na mismo gagawa ng paraan upang maging kayo.

Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon