"SARANGOLA"

111 2 0
                                    

Ang pagmamahalan natin ay parang sarangola o aking sinta.

simulan natin sa simula 

una humanap ng kawayan gaya ng relasyon natin na sira na pala ng hindi ko namamalayan.

pangalawa kumuha ng plastic at gupitin tulad ng pagmamahalan natin, dahil sinira mo na lahat ng pagsasamahan natin.

pangatlo lagyan ng sinulid at itali ng mabuti dahil akoy sakal na sa paghihigpit mo sa relasyon nating dalawa.

okay na? humanap na ng lata at irolyo ang tali ng ipaikot katulad sa pagpapaikot mo sa tuwing niloloko mo ko.

tara na sa pwesto at paliparin na natin . . . paliparin na ang feelings!.

dahan dahan lang sa pagpapalayo ng sarangola katulad sa ginawa mo na lumayo ka rin na parang isang sirang plaka.

tumataas na! habang lumalayo pero pinipilit kong hawakan ang tali at pinapabalik kang muli pero pinutol mo ang tali at lumalayo! dahil sa iyong pag bitaw hindi mo namamalayan na ang nag ingat sayo para buuin ka ay ang taong nilayuan mo pa.

Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon