Prologue

276 8 0
                                    

Pag dating ko sa bahay kung saan nakasulat sa papel  na nakalagay sa bed side table ko, ay tumambad sakin ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa buong lugar. Pero di yun ang nakakuha sa pansin ko dahil natuon ang atensyon ko sa isang babae na parang matanda lang ako ng dalawang taon. Naka upo ito sa upuan sa pinakataas ng hagdan at nakatali ang mga kamay at paa. Meron ding tape sa bibig nito para siguro hindi maka gawa ng ingay.

Pinalibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng buong bahay at kung bibilangin, lahat ng armadong nakakalat sa lugar ay mahigit sampo lahat.

Shit! Bakit merong ganito sa address na pinuntahan ko? Nag kakamali lang ba ako ng bahay na pinasok? Sabi ko pa sa isip ko.

Ang naka lagay kase sa papel ay puntahan daw yung address na nakasulat dun. Kaya naman ginawa ko ng walang tanong tanong kung anong pwedeng mangyari sakin.

Pero dina yun importante. Dahil ang importante ngayon ay mailigtas ko ang batang babaeng nakagapos sa upuan.

Diko alam kung bakit merong ganito sa lugar nato. Pero nung nakita ko yung batang babae ay parang gusto ko siyang maialis dito.

Ako ang unang sumugod sa mga lalaking nakaabang lang sa paligid at mukhang nag aabang lang ng pag atake ko. Pag lapit ko sa isang lalaki na malapit sakin ay sinuntok ko agad ang mukha niya ng paglalakas lakas kaya naman natumba Ito at nawalan ng malay. Bulls eye! Sabi ko pa sa isip ko. Sinunod ko naman yung isang lalaki na susugod na sana saken pero diko siya binigyan ng pagkakataong dahil bago paman niya ko mahawakan ay sinipa ko na agad siya sa tiyan dahilan para mapaatras siya. Hanggang sa nag tuloy tuloy ang pakikipag laban ko at hindi ko namalayan na natalo ko na pala silang lahat.

Umakyat naman agad ako sa pinaka taas ng hagdan para kalasan sa pagkakagapos ang batang nakatali. Pagkatanggal ko sakanya ng mga gapos niya ay siya namang tayo niya at niyakap ako ng sobrang higpit at ramdam mo dun ang pangungulila niya. Kumalas naman ako sa pagkaka yakap niya at hinawakan siya sa pulsuhan para makaalis na dito.

Diko alam kung bakit niya ko niyakap. Dahil siguro niligtas ko siya? Diko Alam! Pero diko nayun pinansin.

Nang sa hindi inaasahan ay bigla akong may maramdaman na parang bumaon sa tagiliran ko. Isina walang bahala ko muna yung sakit na sumigid dun at hinarap ko naman kung sino mang walang hiya ang sumaksak sakin at pag harap ko ay yung isang nakalaban ko pala kanina na nakatayo na ngayon. kaya naman sinipa ko siya ng buong lakas ko dahilan para mahulog siya sa hagdan at mabagok ang ulo.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now