Chapter 4

60 7 0
                                    

Conlee POV

"Tuloooooooongggg!!!!" sigaw ko habang umiiyak at kandong ko sa hita si zai na nakapikit na. Kaya naman kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sakanya dahil sinuntok siya ng tatlong beses sa tiyan!.

Walang hiyang Rizzo yan pati babae pinatulan. Wala man lang mga puso! Sigaw ko sa isip ko habang umiiyak padin.

"Tullloooonnnggggg!!!!" Sigaw ko pa ulit at sakto namang may pumasok na dalawang guard dito sa locker room at bakas sa mukha nila ang pagka bigla at gulat pagka kita nila kay zai na kandong ko.

"Kuya bilis! tulungan niyo ko dalin siya sa malapit na hospital dito biliss!" Sabi ko pa na kinakalma narin yung sarili.

Walang mangyayari kung iiyak lang ako ng iiyak.

Naaawa ako kay Zai dahil sinampal na nga siya sa magkabilang pisngi tapos sinuntok pa siya sa tiyan ng tatlong beses.

Binuhat naman nung isang guard si Zai habang yung isa ay nakaalalay lang at mabilis na tumakbo palabas ng school. Ako naman ay kinuha muna yung mga gamit namin tsaka sumunod sa kanila. Pagkalabas namin ay madilim na.

"Ma'am ano pong nangyari sa kasama niyo?" Tanong naman nung isang guard na nakaalalay sa kanila zai.

"Mamaya ko na po kuya sasabihin ang nangyari ang importante po ngayon ay madala yang kaibigan ko sa malapit na hospital kasi bugbog po masyado yan." Sagot ko dito na kalma nadin.

Pagkalabas namin ng gate bigla namang nag salita yung isang guard na buhat si zai.

"Ma'am wala po tayong sasakyan." Sabi nito.

Napa mura naman ako. Kung minamalas nga naman oh!.

"Shit!" Sabi ko at pumunta agad sa gitna ng kalsada para mangharang ng sasakyan.

Wala nakong pakealam kung nakakaistorbo ako. Marami kaagad akong naririnig na mga bumu-busina pero diko nayun pinansin.

Meron naman kaagad akong nakitang kulay puting van na papalapit samin kaya hinarang ko ito agad para tumigil.

Narinig ko pa yung sigaw nung dalawang guard pero diko na sila pinansin dahil ang importante ngayon ay madala kaagad si zailla sa hospital.

Bigla namang tumigil yung puting van ilang metro ang layo sakin kaya lumapit agad ako sa may driver. Binaba naman agad niito yung bintana niya at bakas sa mukha niya yung pagka inis.

"What are you doing miss!" Singhal nito saken pagkalapit na pagkalapit ko.

"Kuya bilis!" Sigaw ko naman agad dun sa guard na buhat si zai. Sumunod naman ito sa pwesto namin at bigla kong binuksan yung pintuan ng van at tumambad sakin ang ilang mukha ng lalaki.

Narinig ko pa yung bulong nung driver na 'what the' Pero diko na yun pinansin.

Pumasok kaagad ako sa van at pina higa ko kay manong guard si Zai sa upuan at kinandong ito sabay baling sa driver na bakas sa mukha ang pagka bigla.

"Ano pang hinihintay mo dyan? Paandarin muna bilis! Dun sa pinaka malapit na hospital!" Sigaw ko dito. sinamaan naman ako nito ng tingin pero sumunod naman.

At habang umaandar yung sasakyan namin bumaling naman ako kay zai na nakapikit. bakas sa mukha niya yung sakit dahil yung kamay niya ay nakalalagay sa tiyan niya at parang namimilipit pa.

Naaawa ako sa nangyari sakanya. Wala man lang akong nagawa para tulungan siya tsk. Wala akong kwentang kaibigan!

Bigla namang tumulo yung luha ko sa pisngi ko kaya pinahid ko ito agad ng mabilis.

Bigla namang tumigil yung sasakyan kaya dali dali kong binuksan yung pintuan ng walang baling-baling sa mga tao sa loob. At kung sinong mga naka sakay dito tsaka mabilis na bumaba at tumawag ng nurse.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now