Chapter 16

43 3 2
                                    

Conlee POV

Hanggang sa makauwi kami ay naka sunod nga samin sila Dwight. Pag tapat sa gate ng bahay ay inihinto ko muna ang sasakyan tsaka bumaba para pasalamatan sila.

"Thank you" Sabi ko ng isa isa na silang makababa sa mga kotse nila. Iniwan ko sa loob si Zai na tahimik parin.

Sinulyapan nila ang loob ng kotse at tsaka tumingin sakin.

"Ayos naba siya?" Tanong ni jallen pagkatapos tumingin sa loob ng kotse.

"Magiging ayos din siya" pilit ang ngiting sagot ko.

"Mag iingat kayo ha?" Si Vedder yan kaya tiningnan ko siya at tsaka tinanguan.

"Siyemre naman"sagot ko.

"Paki sabi rin kay Zai na mag iingat siya. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa susunod" si Faver.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit, may susunod paba?" kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam pero natatakot ako.

Kahit sino naman diba?

Baka kase sa susunod hindi nalang ganon yung mangyari

Base kase sa nasaksihan kong pangyayari kanina ay namin pala ay hindi yun basta basta dumaan lang na kotse.

Lahat kami nasaksihan yon at si Zai talaga ang Target nila dahil sa  lawak ba naman ng parking lot bakit pinili pa nung kotseng yun na dumaan sa gawi ni zai?

Pero bakit?

Hindi ko mahulaan kung anong dahilan. Napapansin ko ring minsan ay natatahimik si Zai pero binabalewala ko nalang.

"We don't know. Kaya dapat mas mag ingat kayo" si Ray nayon.

Tumango nalang ako sakanya.

"O, pano una na kami? Ingat nalang kayo bukas" Si Faver.

"Sige, ingat rin kayo. Salamat"

Tinap muna nila isa isa yung balikat ko pwera kay dwight at tsaka sila isa isang sumilid na sa mga sasakyan nila. Kumunot ang noo ko ng nakatayo parin si Ray sa harap ko.

"May kailangan kapa?" Tanong ko dito.

Umiling ito at tsaka tinagilid yung ulo at sinilip si Zai sa loob.

"Magiging maayos rin siya" pag sisigurado ko sakanya.

"Sana nga, o pano una nako? Kita kits nalang bukas" sabi niya na sinenyas pa yung likod.

"Sige, ingat kayo"

Tumango nalang siya at pumihit na papunta sa sasakyan niya. Bago sila umalis ay bumusina muna sila at tsaka isa isa nang nag sipag alisan.

Pumasok nako sa loob ng kotse at tsaka pinaandar ulit yon hanggang sa makapasok sa loob ng gate. Ipinarada ko lang ang sasakyan sa garahe at tsaka inakay si Zai na pumasok na. Wala parin siyang imik hanggang ngayon at hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin.

"Mauna kana sa taas zai. Tatawagin nalang kita pag kakain na" pagkausap ko dito habang inilalapag yung bag sa sala.

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya. Malayo ang tingin niya at tulala.

Sino ba naman ang hindi? Sa nangyari kanina sakanya malamang iniisip niya parin yon. Haysss

"Zai" pag uulit ko pero this time hinawakan ko na yung braso niya.

"H-ha?" Sabi nito na parang natatauhan palang na bumaling sakin.

"Sabi ko mauna kana sa taas tatawagin nalang kita pag kakain na"

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now