Chapter 23

84 6 2
                                    

Styx POV

I was with my friends, going back to our classroom. Kakahatid palang namin don sa dalawa or should i say itinigil sa room nila.

Habang nag lalakad papunta sa floor namin ay biglang nag ring ang bell sign that it's time for another class and all of us are late. And I don't mind. Hindi pa kase kami nakaka kalahati ng nilalakad bago makarating sa room namin.

Lahat ng estudyanteng nasa labas ay isa isa nang nag babalikan sa kani kanilang classroom pero bago yun ay tumitingin muna sila samin na para bang mine memorya ang mukha namin isa isa. Tss.

"We should hurry we're going to be late." Biglang sabi ni Ray.

Napatingin ako sakanya seryoso siya kaya wala nang nagawa yung iba kundi bilisan ang pag lalakad.

Tss.

Even if our walk is like a turtle it's okay cause the second teacher that will going to teach us can't do anything about that.

Sumunod nadin ako sa paglalakad pero hindi ko binibilisan. Nakakatamad mag lakad makakarating din naman kahit mabagal ang lakad.

Habang easy lang at nakapamulsang nag lalakad ay napansing kong binagalan ni Dwight yung lakad niya at alam kuna kung anong ibig sabihin non.

Nahuhuli kase ako dahil lahat sila ay nag mamadali at nung matapat nako sakanya ay inakbayan niya ko.

"What?" I ask him.

"Sobrang tahimik mo naman yata?" Tanong niya ng makaakbay na saakin. Tinanggal ko yung pag kakaakbay niya at kinunutan siya ng noo.

"Am I that talkative before?" Balik na tanong ko dito. Alam niyang hindi ako mahilig mag salita lalo na kung hindi importante ang sasabihin. Iiling iling lang siya pero nakangiti.

Anong nginingiti ngiti ng isang to?

"Hindi naman. It's just that you are more quiet now."

"Should I say something?"

"Haha no, wag mo na ngang pansinin yon" siya na tatawa tawa pa at binilisan na yung pag lalakad. Ganon nadin ang ginawa ko dahil halos lahat sila ay nag mamadali nadin.

Nasa floor na kami namin at ilang room nalang ay room nadin namin. Diko na siya pinansin pa at itinuon nalang ang atensyon sa unahan habang nag lalakad.

Pag tapat namin sa room ay binuksan kaagad ito ni Ray at saktong pag bukas niya ay natahimik ang buong klase. Dire diretso kaming lahat sa mga sarili naming upuan ng hindi pinapansin ang tingin ng buong klase kasama na ang Prof. Umupo kaagad ako pagkarating ko sa pwesto ko.

"Why are you late Mr. Zeller and the company?." Rinig kong tanong nito sakin pero diko pinansin at humalukipkip nalang. Malakas itong bumuntong hininga at pinag patuloy nalang ang natigil na discussion.

I know that what I just did is rude but it's me, it's my personality and I will never change that.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mag dismiss na ito at sumunod naman ang sunod na prof.

Lahat nakikinig pwera sakin at dito sa mga kasama ko dahil may sariling discussion din sila. Nangunguna ang bunganga ni Dwight na sobrang lakas ng boses na akala mo walang guro na nag tuturo sa unahan.

At nahalata yata yun ni Miss, No, halata talaga. dahil inilapag nito ng malakas yung hawak na libro sa mesa at tumingin sa amin. Natahimik naman bigla sila Dwight na kanina pa nag iingay at walang pakealam sa unahan kahit may nag tuturo.

"Are you aware that I am already here Mr.Lidel?" Mataray na tanong nito kay Dwight na yumuko lang at hindi sumagot. Ngingisi ngisi pa ang loko.

Matanda natong si Miss at hindi mo pwedeng isabahala nalang ang pag tuturo niya dahil istrikto at suplada. Pero parang wala lang ito sa mga kasama ko dahil binalewala lang nila yung galit na boses nito.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now