Chapter 5

69 4 0
                                    

Zailla POV

Nagising ako ng may maramdaman akong parang may humahaplos sa buhok ko. kaya dahan dahan kong iminulat yung mata ko at tumambad sakin ang puting paligid at nasilaw naman ako kaya pinikit ko kaagad ang mga mata ko, pero binuklat ko ulit ito.

"Zai!" Biglang sigaw ng humahaplos sa buhok kong si Conlee.

"Nasan ako?" Tanong ko sakanya sa mahinang boses.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nandun parin yung sakit ng tiyan at pisngi ko pero dina kagaya kanina na sobra talagang sakit.

"Nasa hospital malamang!" Biglang sigaw nitong baliw na si Conlee. Pero parang nakahinga naman siya ng maluwag nung nakitang gising na ako. Maka sigaw wagas? Bingi ako?! Bingi?

"Eh bakit ka sumisigaw?" Tanong ko sakanya na bumabangon na sa pagkakahiga para umupo.

"Oh dahan dahan lang!" Bigla pang sabi niya na inalalayan pako.

Diko siya pinansin at tuluyan na ngang umupo at sinandig yung likod sa head board ng kama.

"Anong nangyari kanina?" Biglang tanong ko na pinapalibot yung paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Ayun nawalan ka ng malay pagkatapos kang mabugbog nung mga bata ni Rizzo." Sagot niya na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama ko.

Bumalik nanaman tuloy sakin yung nangyari kanina. Walang hiyang Rizzo yan ipasuntok daw ba ako sa mga alaga niya? Ang sakit kaya nun!.

Naalala ko naman yung sinabi ni mommy kaninang umaga kaya bigla akong bumaling kay Conlee.

"Con." Tawag ko sa pangalan niya ng mahinahon.

"Oh?" Sagot naman niya.

"Tawagan mo nga si mommy " Sabi ko na medyo kinakabahan pero diko pinahalata. Naalala ko nanaman kase yung mga bilin niya sakin.

"Ayy shet, oo nga pala!" Biglang sabi niya at dali daling tumayo para kunin yung bag sa may sofa at kinuha yung cellphone niya.

Sana walang mangyaring masama kay mommy.

"Di sinasagot eh" sagot niya habang nag da dial sa cellphone. Dun naman ako mas lalong kinabahan.

Sana mali ang iniisip ko.

"Tawagan mo lang wag mong tigilan."Sabi ko pa sa mahinahon na boses habang umaalis na sa kama. Pero sa loob loob ko ay kinakabahan nako.

"Oyy teka! Maayos naba pakiramdam mo?" Tanong niya habang tinatawagan parin si mommy at lumapit sakin para tulungan akong tumayo.

May konti paring sakit pero kaya ko naman nang tiisin, Ang importante ngayon ay makauwi ako kaagad.

"Oo" Sagot ko.

"Halika na umuwi na tayo" Sabi ko pa sakanya na hinawakan na siya sa kamay.

"Teka! Teka naman! Yung gamit natin kukunin ko lang sa lamesa" sagot niya.

Tumango nalang ako at hinintay siyang makuha yung gamit namin.

"Tara na" sagot niya pagkalapit sakin at dala dala na yung mga gamit namin. Kinuha ko naman sakanya yung bag ko.

Lumabas na kami ng kwarto at habang nag lalakad nadaanan namin yung nurse station kaya tumigil muna kami ni Conlee para mag bayad ng bills ko.

Lumapit kami sa isang nurse para sabihing uuwi na yung pasyente sa room 138, room ko. At hingin kung Ilan ang babayaran na bills.

At nung chine-check na nung nurse sa computer bigla siyang bumaling samin.

"Room 138 ma'am?" Tanong nito ng nakangiti.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now