Chapter 18

36 2 0
                                    

Zailla POV

Pag labas namin ni con para mag lunch ay para akong may tinataguan. Nasa likod niya lang ako at nakayuko. Nahihiya kase ako dahil sa nangyari kanina.

"Uyy Zai ano ba! Umayos kanga!" Si Con yan habang pinipilit akong itabi sakanya.

"Ayoko!" Pagmamatigas ko.

"Haissh! Uamayos ka kung hindi iiwan kita dito!" Sabi niya na tumigil sa paglalakad  hinarap ako.

Unti unti kong itinaas ang ulo ko at tumingin sakanya.

"Nahihiya ako" pabulong kong sabi.

"Nahihiya nahihiya! Wag mo silang pansinin mag lakad kalang ng tuwid at tumabi sakin"

"E may mga tumitingin e!"

"Natural titingnan ka nila. Pero hindi sa pagka disgusto kungdi sa paghanga"

Paghanga? Mukha niya paghanga!

"Ano bayang pinag sasabi mo?!" Ako na hindi mapakali. May mga tumitingin kase sa akin habang nag lalakad at pag malayo na ay tsaka bubulong.

"Haissshhh halika na nga!" Nasabi niya nalang sabay hila sakin kaya wala nakong nagawa kundi ang magpahila. Pero nakayuko parin ako.

Hanggang sa makarating kami sa canteen ay ganon ang itsura ko. Umupo ako sa lagi naming pwesto habang si con ay iniwan ako para umorder.

Habang nag hihintay ay pasimple akong tumitingin sa paligid ng bigla akong may marinig.

"Yan yung babae kanina sa hallway na ang lakas tumawa tsk!" Maarteng sambit nung isang babae.

"Oo nga e, wala man lang poise duh!"
Segunda naman nung isa.

Napayuko nalang ako sa narinig ko.

Ganon ba talaga kalakas yung tawa ko? Nakakahiya!

Hanggang sa mawala na yung dalawa ay nakayuko lang ako. Sobrang hiya sa nangyari nang bigla akong mapaisip.

Ano naman ngayon kung ang lakas ng tawa ko? Para namang hindi nila ginagawa yun ah!

Hinanap ko kung saan dumiretso yung dalawa at nakita kong nasa malapit lang pala namin. Dalawang table lang yung pagitan.

Tiningnan ko Ito at nag tama yung paningin namin nung isang babae.  Tinaasan ko Ito ng kilay ng bigla ako nitong irapan.

"Aba! Nang iirap" naibulong ko nalang sabay iwas ng tingin. Hindi ako pumapatol sa mga kagaya nila tsk.

Maka irap akala mo kung sino. Inggit lang siguro dahil ang ganda ng tawa ko. Kagaya nga ng sabi ni con kanina, kaya ako pinag tinginan ay dahil sa pag hangga hindi dahil sa pagka disgusto.

Aba bihira lang kaya silang makakita ng maganda ang tawa swerte nga nila nasaksihan nila yun e. Tsk tsk tsk.

Hanggang sa makabalik si con sa table namin na may dalang pagkain siyempre ay diko nalang pinansin yung mga tumitingin.

"O dika na yata nakayuko?" Sarcastic na tanong niya sabay upo sa harap ko.

Nginitian ko lang siya at inabot yung pagkain.

"Naisip ko lang" sambit ko pagkatapos isubo yung fries "bakit ako mahihiya e swerte nga nila nasaksihan nila yung ganon kagandang tawa?" Sabi ko pagkatapos lunukin yung nginunguya tsaka tumingin sakanya at ngumiti.

"Buti naman at naisip mo yon. Kanina ko pa sayo sinasabi may pa yuko yuko kapang nalalaman." Mataray na sabi niya sabay subo rin nung fries. Inismiran ko nalang at humarap na ulit sa kinakain.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now