Chapter 6

54 5 0
                                    

Zailla POV

Habang nag bi biyahe papuntang mall, gamit ulit namin yung kotse ni tita at di nag tagal ay nakarating agad kami. Pinark muna ni Conlee yung kotse at tsaka kami lumabas ng sasakyan.

Pag pasok namin ng mall ay pumunta muna kami sa isang restaurant kase gutom nadaw si Conlee pati rin naman ako kaya pumayag nako.

Habang kumakain ay kinuha ko yung earphones ko sa shoulder bag na dala ko at sinalpak Ito sa tenga para mag pa tugtog. Busy rin naman si Conlee sa cellphone niya kaya ok lang.

Habang nag papatugtog ng favorite song kong Pretty girl ni Maddie Lindenmann ay biglang may pumasok sa restaurant na grupo ng mga kalalakihan. nakita ko kaagad ito dahil nakaharap ako sa entrance habang si Conlee ay nakatalikod.

Nasa siyam yata sila o sampo? at iba iba yung kulay ng buhok nila. Wow lang as in wow!

Tinanggal ko agad yung paningin ko sa kanila dahil nahagip nung mata ko yung isang lalaki na nakatingin sakin. Siya lang yung nakatingin sakin dahil yung mga kasama niya ay nag uusap usap habang papalapit sa isang long table na kasya yata sampong tao.

Binalik ko naman yung atensyon ko sa pagkain habang walang imik na nakikinig sa music.

Habang busy sa kangunguya tumingin muna ko sa labas ng resto at may nahagip naman ako na dalawang lalaki na nakaitim di malayo sa pwesto namin. Diko makita yung mata nila pero alam kong sakin sila nakatingin dahil diretso yung paningin nila sakin.

Kumunot yung noo ko tsaka tinanggal yung isang earphone sa tenga at bumaling kay con na busy parin sa kaka cellphone.

Tumayo ako at tsaka kinalabit ito para mag paalam na mag c-cr.

"Cr lang ako" pagdadahilan ko sakanya na hindi tumitingin.

"Teka, samahan na kita" Sabi niya na tumatayo na sana pero pinigilan ko.

"Wag na hintayin mo nalang ako dito mabilis lang ako." Sabi ko na hindi na siya hinintay pang sumagot at lumabas na ng resto.

Alam kong nag taka siya dahil may cr naman sa resto na pwede kong gamitin pero lumabas parin ako.

Lumabas ako sa mall para tingnan yung dalawang lalaki kung nandun paba sa pwesto nila at pag tingin ko dun ay papaalis na sila. kaya mabilis akong tumakbo para sundan Ito.

Lumiko sila papuntang parking lot at sumunod naman ako. Alam kong napansin na nila na nakasunod ako sa kanila pero wala akong pakialam dahil gusto kong malaman kung bakit sila nakatingin sakin.

Bigla silang tumigil ilang metro ang layo sakin kaya tumigil din ako. Nakatalikod parin sila at hindi humaharap kaya nagkaron ako ng pagkakataon para pagmasdan silang dalawa.

Base sa itsura nila ay parang galing sila sa mga matataas na tao. Yung suot palang nilang coat na itim halata munang mamahalin.

Pero bakit sila nakatingin sakin kanina?

"Hoy!!!" Sigaw ko sa kanila para kunin yung atensyon nila.

Pero di sila humarap sakin at nakatalikod parin. Gumalaw yung ulo nila na parang iginagala ito at biglang may dumating na itim na van at tumigil dun sa dalawang lalaki tsaka. mabilis itong pinasakay.

Nagtatakang sinundan ko pa sila ng tingin bago tuluyang makalayo.

Bakit ganon? Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba?

Iniiling ko nalang yung ulo ko at dina pinansin tsaka bumalik nalang ulit sa loob ng mall at pumunta sa resto na pinasukan namin.

Pag dating ko dito ay wala na sa upuan si con kaya iginala ko yung paningin ko sa kabuuan ng resto at nakita ko naman siya na papalabas galing sa cr.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now