Chapter 12

44 7 0
                                    

Zailla POV

Papunta na kami ngayon sa room dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ulit ang klase. Bio ang next subject namin. Kasama parin namin ngayon sila Rayden.

"Sabay ulit tayo bukas mag lunch ha? Zai?" Bigla ay tanong sakin ni Dwight habang nag lalakad kami.

"Tanungin mo si Con kung pwede" nakangiti kong sabi na nilingon pa si con na inirapan lang ako.

"Bakit ko siya tatanungin e ikaw ang gusto kong kasama?" Salubong ang kilay na na sabi niya.

"Kase kasama ko rin siya at tsaka hindi lang ako ang mag de desisyon. Table namin yun e,"

Salubong yung kilay na bumaling naman siya kay con na katabi ko lang. Pareho silang katabi ko sa kanan si Dwight sa kaliwa si con.

"Makikitable ulit kami sainyo bukas" Parang masama pa ang loob na paalam ni Dwight. Sinamaan rin siya ng tingin ni con.

"Ang raming table sa canteen at tsaka diba may special naman kayong room? Bakit di kayo dun?! Ang ingay ingay mong kasama!" Mataray na sagot ni con.

May saltik din e. Makakasabay na Tumatanggi pa? Tsk tsk tsk.

"Syempre mag iingay ako kase may bibig ako! Bahala ka diyan! Sa ayaw at sa gusto mo sasabay parin kami sainyo bukas." Sabi ni Dwight na bumaling na sakin.

"Gusto mo naman kaming makasabay diba zai?" Parang nag papa cute pang sabi niya.

"May sinabi ba kong ganon?" Seryoso kunwaring sabi ko. Narinig ko namang tumawa si con sa tabi ko.

"Oh diba? Pati si Zai hindi pumayag dahil ang ingay mo raw hahaha" pang aasar pa ni con kay Dwight na masama na ang mukha.

Tiningnan ako ng masama ni dwight.

"Bakit?" Nag pipigil ang ngiting tanong ko dahil cute ng itsura niya. Salubong yung kilay na nakalabi pa.

"Ang sama mo" parang batang sabi niya. At diko na nga napigilang matawa.

"Hahaha Ito naman nag bibiro lang e." Sabi ko na inakbayan pa siya sabay lingon kay con at tsaka kindat. Naramdaman ko namang parang na estatwa siya kaya nilingon ko siya.

"Bakit? Ayaw mo ba ng inaakbayan ka?" Tanong ko dahil nakatingin lang siya sakin. Mas mataas siya sakin pero abot ko naman yung balikat niya para akbayan.

"H-ha? H-hindi naman. Ikaw palang kase ang unang babaeng umakbay sakin" parang napapahiya pang sabi niya sabay sulyap sa mga kaibigan niyang katabi lang rin niya na diko namalayang nakatingin na pala samin. Bigla ko namang tinanggal yung pag kakaakbay ko sakanya.

"Talaga? Sorry hindi ko alam" paumanhin ko na sumulyap pa kay con na diretso lang sa daan ang tingin. Ngumiti lang siya sakin na parang alanganin pa sabay sulyap ulit sa mga kaibigan niya. Hindi na siya sumagot.

Nandito na kami sa may building at nasa second floor na ng biglang may mag bulungan. Ay mali pala kanina pa pala may mga nag bulungan hindi lang namin pinapansin.

"Marie look oh? They're together."

"Oo nga no? Kanina sa canteen nakita ko rin sila na mag kakasama"

"Kilala mo ba yang dalawang babae nayan?"

"Hindi e, pero parang sa third floor ang room ng mga yan"

"Bakit nila kasama sila Styx my baby?!"

"Duh, papansin lang yang dalawang yan e."

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now