"Anong gusto mo?"Tanong sakin nung kaibigan kong si Annalise sa counter sa bagong tayong cáfe. Hindi ako kumibo.
Seeing my boyfriend—oh, my ex boyfriend with another girl still hurts me. Hindi pa rin ako nakakamove on, bakit ganon?
"Huy ano'ng gusto mo?" sabay siko sa akin ni Annalise. "Uh, frapuccino na lang" tipid ko naman na sagot.
"Bakit ka ba natulala kanina? para kang nakakita ng multo, alam mo yon?" Hindi ako nakasagot agad kasi hindi pa rin nag sisink in sa'kin na nakita ko siya after ng ilang months.
"Nakita ko si Javi." Sagot ko nang hindi ako tumitingin sakanya. "At nakita rin niya ata ako."
Kasama niya yung dati kong bestfriend. Si natasha. So they're together?
"Huh? saan"
Luminga-linga si Annalise sa paligid. Hindi ko siya sinagot. Palabas na rin naman sila ng cáfe nun nung nakita ko silang dalawa.
Nang dumating na ang order namin, tinikman ko agad ito dahil nakakatakam ang aroma nito.
"huy roviann, wag ka nga diyan, 'di ka pa ba nakakamove on sakanya? rupok ka ghorl?" sabi sakin ni Annalise na may halong pangangasar. "Tsk, ano ba Annalise, pwede ba tigilan mo yung pangangasar? Nagulat lang ako na mag jowa sila noh. ata? pero hindi ako affected." Sagot ko naman habang nakatingin sa frapuccino na inorder ko.
Hindi ko inamin yung totoo. Nakakahiya kaya, may pag ka jugmental pa naman 'tong si Annalise.
Tinignan ako ni Annalise na para bang hindi siya naniwala sa sinabi ko. "Ah talaga? sige, sabi mo eh."
Hindi na ako kumibo o tumingin sakanya. Baka makahalata lang siya pag sumagot pa ko. Baka sabihin niya guilty ako eh.
"halika na nga, baka malate pa tayo sa genmath eh." Tumayo na kami sa table namin at lumabas na sa cáfe. Naalala ko rin na last subject naman na namin ang sunod na sub at masungit ang prof namin dun kaya bawal kami malate.