KABANATA 7

0 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas at nililigawan pa rin ako ni Javi hanggang ngayon. Pang limang buwan na ngayon at buwan ng mga puso na sa susunod na linggo. Balak ko na siyang sagutin sa Pebrero 14. Tiyak na matutuwa siya.

Nag riring ang phone ko pag kalabas ko sa kotse, nasa harap kami ng simbahan ngayon dahil linggo ngayon at napag desisyunan naming pamilya na mag simba.

"Hello, Javi? Asan ka na?" Bungad ko pag ka sagot ko sa phone ko. "Malapit na ko, Rov. Traffic lang." Sagot naman niya. Inantay ko siya sa harap ng Sta. Monica church.

"Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love."

Pikit na pikit ang mga mata ko habang nakikinig sa binabasang verse ng pari. Katabi ko si Javi habang sila mommy at daddy naman ay nasa likod namin. Dinilat ko saglit ang mga mata ko para tignan si Javi.

I love you so much, Javi. Thank you sa patience mo at hindi ka sumuko. Hanggang ngayon, ang panliligaw na ginagawa mo ay pareho pa rin sa panliligaw mo nung unang araw mo akong niligawan. I'm so grateful to have you.

Habang nakatitig ako sakanya ay dumilat rin siya, agad ko naman itong iniwasan at pumikit muli.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Febuary 14, 2015

Ito na ang araw na hinihintay ko. Sasagutin ko na si Javi. Mamayang 4:00 pm ay mag kikita kami sa El Felidad Park. Nag hahanda ako ng susuotin ko. Napag desisyunan kong mag suot ng buttoned dress na kulay burnt oranged.

Nag pahatid na ko kay Mang Ron sa El Felidad Park. Tinext ko na rin si Javi. Sabi kasi sa'kin nila Monica, minessage daw sila ni Javi. Sabi paunahin raw ako kaya eto ako ngayon nag iintay sakanya.

7:30 pm na at wala pa rin si Javi. Bakit wala pa siya? Paulit ulit ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kinakabahan na ako. Pero hindi ako nag padala sa takot ko. Baka natraffic lang.

Ilang oras na akong nag iintay pero wala pa rin si Javi. Tatawagan ko sana siya ulit nang biglang nag ring ang phone ko.

Annalise Del Mundo is calling you.

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Rov," Kinabahan ako sa tunog ng boses niya, parang may masama siyang balitang sasabihin. "Ano? Bakit ganyan ang boses mo? umiiyak ka ba?" Tanong ko.

"Si Javi, naaksidente."

Nagulantang ako sa sinabi niya. Naaksidente si Javi?!

Agad akong nag pasundo kay Mang Ron para pumunta sa St. Gerard Hospital kung saan sinugod si Javi. Butil-butil na pawis ang lumalagaktak sa noo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Javi.

"Doc, K-kamusta p-po si Javi?" Utal-utal kong tanong sa doktor. "Delikado ang lagay niya sa ngayon. Maraming naging komplikasyon sa nangyaring aksidente. Ma'am, Comatose po si Mr. Javi Ramirez." Hindi ako naka-imik sa sinabi ng doktor.

Ano? Comatose?

Humagulgol ako sa iyak ng marinig ko ang mga salitang binitawan ng doktor. Hindi ko kayang mawala si Javi sa akin. Hindi ko pa nabibigay sakanya ang hiling niya. Yung Oo ko, Hindi ko pa nabibigay.

Please, Javi. Lumaban ka.

Buong gabi akong nag bantay kay Javi, Tinititigan ko lang siya habang umiiyak ako. Hindi ko maimagine na mawawala siya sa akin.

"Javi, Sinasagot na kita." Sabi ko sakanya habang hawak hawak ko ang kanyang kamay. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko kapag nakikita ko siyang nahihirapan sa lagay niya.

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon