KABANATA 1

1 0 0
                                    


"Hi anak!" sinalubong ako ni mommy pag kababa ko ng kotse galing school sabay beso sa akin.

ginayak niya ko sa loob ng bahay namin. "Ma, anong meron? bakit parang ang saya mo masyado?" nagtaka ako kasi hindi naman ganito si mommy lagi. Parang ngayon lang ata 'to? lagi kasi siyang busy sa work eh at halos wala ng time mag stay sa bahay.

"Wala naman, nagbake lang ako nung favorite cake mo. Tsaka wala naman masyadong gawain sa office kaya umuwi na ko ng maaga." Sagot niya sa akin.

Pumunta kami sa kusina at dumiretso ako sa counter top. "Si daddy?" tanong ko kay mommy habang pineprepare yung cake. "Ah, nasa work pa siya, busy sa company. Marami pa daw siyang kailangan ayusin." Sagot naman ni mommy nang hindi man lang ako nilingon.

Pagkatapos ko kumain nung cake na binake ni mommy, nagpaalam na ko sakanya at umakyat na sa kwarto ko. Wala ako sa mood ngayon kaya naisipan ko nalang matulog, nang biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nakita ang message ni Monica,

Monica:
Rov, pupunta ka ba sa ball sa Saturday? may date ka na ba? may isusuggest ako sayo! HAHAHA punta ka ah, see you!

Napatawa ako ng slight dahil sa chat ni Monica sa akin. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, may ball kami sa Sat at wala pa akong susuotin.

Nagtry akong maghanap sa closet ko ng damit para sa ball at chineck ko na rin ang pinterest para sa outfit ideas, pero wala akong matrip-an. Wala rin akong mahanp sa closet ko kaya tinamad na kong mag hanap. Tutal, sa Saturday pa naman 'yun at may dalawa pa akong araw para mag prepare, mag s-shopping nalang siguro ako bukas.

Nagbihis muna ako dahil 'di ako kumportable na matulog na nakasuot sa akin yung uniform ko.

Binuksan ko ulit yung closet ko at kumuha ng comfy clothes; oversized tees will always do.

lumundag ako sa kama ko at dinapuan ako agad ng antok. Ewan ko ba pero parang ang dami kong ginawa ngayong araw kahit wala naman talaga.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Parang kanina lang, nakalabas pa yung araw, pero ngayong pagkagising ko, 8:45 na pala. Bumaba ako galing kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

Nadatnan ko si yaya na nagluluto, "Sila mommy?" tanong ko sakanya. "Ay, umalis po sila ni Sir eh, hindi po nagsabi kung saan pupunta. Pero binilin po nila na pag lutuan daw po kita ng makakain pag kagising niyo." Sabay ngiti sa akin at ngumiti naman ako pabalik.

Kinuha ko muna ang phone ko sa kwarto ko nung naalala kong nakalimutan ko pala 'to dun sa study desk ko. Nakita kong may message sa akin si Annalise.

Uy, Rov! nabalitaan mo na ba? pupunta daw si Javi sa ball!

Nagulat ako sa message ni Monica. Pupunta? Eh, hindi naman siya student ng hope academy. Hindi ko muna inisip yun dahil gutom na talaga ako, kaya bumababa nalang ako.

Pagkababa ko, sumalubong agad ang nakakatakam na amoy ng niluluto ni yaya para sa dinner.

"Ano pong niluluto niyo yaya? Ang bango, nakakagutom." Tinanong ko si Yaya at sabi niya Ginataang Alimasag daw. Ngayon ko lang matitikman ang ganung klaseng putahe.

Ang dami kong nakain sa niluto ni yaya. Busong na busog na ko at halos 'di ko mabuhat ang tiyan ko sa dami kong nakain. "Sige po Ya, aakyat na po ako sa kwarto ko, Thanks po sa dinner!"

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon