Ilang linggo na ang makalipas simula nung ligawan ako ni Javi. Tinotoo niya nga ang mga salitang binitawan niya. Nililigawan niya ako sa paraang old style. Ang romantiko tignan kapag ang panliligaw na ginagawa ng isang lalaki ay iyong dating style ng panliligaw.
Araw-Araw siyang pumupunta dito sa bahay para gawin ang mga dapat gawin ng isang lalaki kapag manliligaw sa babae. Hinaharana niya ako, nag sisibak siya ng kahoy, nag iigib ng tubig at marami pang iba.
"Javi, eto oh juice, mukhang pagod ka na kasi diyan sa pagsisibak ng kahoy. Mag pahinga ka na kaya muna?" Tanong ko sakanya pag katapos alukin ng orange juice.
"Hindi, okay lang ako Roviann, kakayanin ko, para sa'yo." Pambobola niya. "Tse." Sagot ko naman.
Bago pa ako umalis, tinawag niya ako at agad naman akong lumingon, "Ano?"
"Rov, napipilitan ka lang ba?" tanong niya sa akin. Natigilan ako sa tinanong niya kaya hindi ako agad nakasagot. Saan niya naman nakuha 'yun? "Saan mo naman nakuha yang tanong na yan, Javi? Siyempre hindi. Mahal kita Javi. Simula pa nung nag break tayo noon, hindi nawala ang pag mamahal ko sayo. Okay?" Paninigurado ko sakanya.
Lumapit ako sakanya at hinagkan siya ng mahigpit. Mahal ko si Javi at sigurado ako doon. "Sige na tama na ang drama, tuloy mo na yan ah." Sabi ko sakanya habang tumatawa.
Nakauwi na si Javi. Sigurado akong pagod na pagod siya. Sinabi ko sakanya na kahit tatlong araw nalang siya pumunta sa bahay sa isang linggo. Pero ang tigas ng ulo niya eh, ayaw niya. Gusto niya raw kasing pag hirapan ang bawat oras hanggang sa makuha niya na ang aking Oo.
Hanga ako sa kasipagan ni Javi. Pangalawang beses niya na akong niligawan at mas gusto ko ang panliligaw niya ngayon. Naalala ko, sabi niya sa'kin, sa pag kakataong 'to sisiguraduhin niyang ang panliligaw na gagawin niya ay yung kakaiba sa panahon ngayon.
Nais niya daw kasing ibalik ang dating tradisyon ng mga sinaunang Pilipino sa panliligaw. At ako, na proud maging asyano, Gusto kong ipagmalaki sa lahat ang tradisyon nating mga pilipino at mga paniniwala.
Habang nag mumuni-muni ako, biglang may kumatok sa aking pinto at bumungad si mommy.
Tumabi siya sa akin, "Rov, my one and only princess, I'm so happy for you anak. Masaya ako na masaya ka ngayon. And I know it's because of Javi. That man is great. Alam kong magiging mabuti siyang boyfriend para sa'yo. Hindi kami tutol ng daddy mo. In the first place, nakikita namin kung paano niya pinaghihirapan ang bawat oras para makuha ang Oo mo. He's doing right. We're touched because of his patience, and look ginagawa niya pa yung sinaunang tradisyon ng mga Pilipino. All I wish for you anak is happiness. I love you, Roviann." Sabi sa akin ni mama na labis kong ikinatunaw. Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.
"Mommy, Thank you. And I love you too." Sagot ko naman sakanya,