Ika-5 Buwan nang comatose si Javi. At hanggang ngayon, wala pa ring sign na gigising na siya.
Miss na miss ko na si Javi. Kailan ba siya gigising? Kahit anong mangyari, aantayin ko siya.
Papunta akong Café Amoré para bumili ng frapuccino. Habang inaantay ko ang order ko, biglang nag ring ang phone ko, "Rox! si Javi gising na!" Bungad sa akin agad nila mommy. Nagulantang ako sa balitang sinabi ni mommy. Gising na si Javi!
Hindi ko na inantay pa ang order ko at agad na akong pumasok sa kotse. Inutos ko kay Mang Ron na bilisan ang pag mamaneho dahil hindi na ako makapag antay na makita si Javi.
Habang naglalakad papuntang kwarto ni Javi, Wala akong ibang nararamdaman kundi saya at pag kasabik.
Pag kabukas ko ng pintuan, Bumungad agad si Javi. Tumakbo ako papunta sakanya at agad ko siya niyakap. "I missed you." bulong ko sakanya. "I miss you more, Roxanne." At sabay halik sa noo ko.
Nagkuwentuhan kami at sinabi ko sakanya lahat ang nangyari habang tulog siya. Sinabi ko na rin na noong naaksidente siya ay dapay iyon ang panahon na sasagutin ko na siya.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayon. Akala ko ay hindi na siya magigising.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Nagpapasalamat ako kay Javi na dumating siyang muli sa buhay ko. Sa mga masasayang panahon na mag kasama kami. Sa panliligaw niya na tradisyon nating Asyano ay ang talagang hinangaan ko sakanya. 'Di ko akalain na may lalaki pa rin palang gagawin ang lahat para lang sa babaeng minamahal niya. Kahit na siya'y nag aagaw buhay pa lamang, ay pinaglaban ko na siya sa aking mga magulang. Hinding-hindi ko sasayangin ang mga panahon at pagod niya sa ginawa niyang panliligaw sa akin. Naaalala ko nung ako'y nasa ika-5 baitang nung bata ako, tinuro sa amin ng aking guro kung paano pahalagahan ang Tradisyon ng mga Asyano. At bilang isang pilipino, Nais kong maranasan ito. Hindi ko kailangan ng mga tsokolate, teddy bear o kung ano pa man. Sinaunang panliligaw at Sulat lang galing sa taong mahal mo ay sapat na. At ako na Asyano, Ipagmamalaki ko ang aking ugali na hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin, na dapat ay tangkilikin natin ang sarili nating tradisyon. Tulad ng ginawa sa akin ng taong mahal ko.Wakas.