KABANATA 8

0 0 0
                                    

May napapansin akong kakaiba kela mommy at daddy. Parang may gusto silang sabihin sa akin na 'di nila masabi-sabi. "Mommy, ano pong meron?" Paninimula ko.

"Ah, eh, kasi naisip namin ng daddy mo na baka kailangan mo ng titingin sa'yo araw-araw? since wala kami ng daddy mo madalas."  Sabi ni mommy sa'kin habang nasa sala. "Huh? si yaya?" Sagot ko naman.

"Roviann, may ipapakilala kasi ang daddy mo sa iyo bukas." kinabahan ako sa sinabi ni mommy, Anong ibig niyang sabihin? "sino po?" tanong ko ka agad. "Anak siya ng business partner ng daddy mo. Naisip kasi namin na ilang buwan na rin comatose si Javi at hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising. Kay—" pinutol ko na agad ang susunod pang sasabihin ni mommy. "Ayoko!" pag tanggi ko sa alok niya sabay takbo sa kwarto ko.

So, may ipapakilala silag bago sa akin? Ayoko!

Javi, please gumising ka na. Tulungan mo 'ko. Huwag mong hayaang ibigay ako nila mommy sa iba. Please.

Hanggang ngayon inaantay ko pa rin ang pag gising ni Javi. 3 buwan na siyang nasa ospital at wala pa ring malay. Kailan ba siya gigising? Araw-araw akong umaasa na pag punta ko sa ospital ay gising na siya. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nang yayari.

Simula nang pag usapan namin ni mommy ang tungkol sa ipakikilala nila sa akin ni daddy, lagi-lagi nalang akong kinukulit nila daddy na makipag kita na kay Aziel, iyong anak ng business partner ni daddy. Ilang beses na akong tumatanggi pero ayaw nilang makinig. Hindi ko iiwan si Javi kahit anong mangyari.

Akala ko tumigil na sila daddy sa pangungulit dahil ilang araw na nilang hindi binabanggit sa akin si Aziel. Pero buong gulat ko nang pag baba ko mula sa kwarto ko, may  lalaking nakaupo sa sofa namin sa sala at kausap siya nila daddy.

"Aziel, pasensya na kung hindi pa namin maiharap sa'yo si Roxanne. Hindi pa kasi siya handa. 'Di bale, kakausapin namin siya ulit." Narinig kong sabi ni daddy kay Aziel.

"Ah, okay lang po tito." Sagot naman niya.

Sinubukan pa rin akong ligawan ni Aziel kahit na ayaw ko. Nag pumilit pa rin sila daddy na hayaan kong manligaw si Aziel sa'kin. Well, as usual, ang panliligaw ni Aziel ay parang iyong karaniwang panliligaw lang. Chat-chat, dinadalhan ako ng chocolates, teddy bear at iba pa.

Iba pa rin talaga ang panliligaw sa akin ni Javi. Gusto ko iyong ganoon. Gusto ko, eh 'yung tradisyon nating mga asyano.

Ilang buwan na ang makalipas ay tinigilan na akong ligawan ni Aziel. Siguro nag sawa na o nainip. Buti nga 'yun eh. Wala nang mang iistorbo sa'kin.

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon