KABANATA 3

0 0 0
                                    


4:30 pm ng Saturday palang ngayon at mamaya pang 6 ng gabi ang start ng party. Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit na ilalagay ko sa purse na dadalhin ko mamamya sa ball.

Pumasok si yaya sa kwarto ko dala yung gown ko. "Eto na po yung gown niyo ma'am." nagstay muna si yaya ng ilang minuto sa kwarto ko bago siya lumabas. "ang ganda mo po ma'am, bagay na bagay sainyo." Sabay ngiti si yaya. "Ay naku, yaya naman eh, salamat." At ngumiti ako pabalik.

5:30 pm na kaya kailangan ko ng umalis sa bahay. Tinawag ko na si mang Ron para ihatid ako sa school dahil doon gaganapin ang ball since malaki naman 'yun.

Ang grande ng itsura ng school. Parang ball nga talaga. Lahat ay may sari-sariling date. Pati ang dalawa kong kaibigan na si Monica at Annalise ay may date rin. Ako lang ata ang wala?

"Hi Roviann! You look so pretty!" Bati sakin nung isa kong kaklase. "Thank you." Sagot ko naman.

Pinuntahan ako nila Annalise at nakipag beso. Dumiretso na kami sa loob at kumuha muna ng drinks.

Dahil ako lang ang walang date saming tatlo, umupo muna ako habang nakikipag sayaw sila Monica sa mga date nila. Pero napagdesisyunan kong lumabas muna dahil naboboring ako sa loob.

Napalingon ako sa kanan ko dahil napansin kong may dalawang taong naguusap. Si Javi ? At Natasha? Umiiyak kasi si Natasha. At yakap naman siya ni Javi. Anong nangyayari sa kanilang dalawa?

Nagtago ako sa isang sulok malapit sa parking area. Mali ang makinig sa usapan ng may usapan pero wala na akong choice eh, kaya bahala na!

"Javi , please." Sabi ni natasha habang umiiyak. " I'm
sorr—" biglang niyakap ni Natasha si Javi kaya naputol ang sasabihin nito. Biglang may tumulong likido galing sa aking mga mata. Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko kayang makita silang ganun. Kaya dahang-dahan akong umalis sa pwesto ko pabalik sa loob habang umiiyak.

"Oh, Rov, anong nangyari sayo? bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Annalise sakin nang makita niya akong umiiyak. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil hindi ako makapagsalita sa sakit na nararamdaman ko habang hinahaplos ni Monica ang likod ko para patahanin ako sa pag iyak.

Umupo muna kami saka ako tinanong muli ni Annalise, "Anong nangyari? bakit ka umiiyak, Rov?" hindi ako nakasagot agad dahil hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba ang nangyari.

"Nakita ko si Javi." tipid at mahina kong sagot. "Oh, eh ano ngayo—" pinutol ko na siya agad saka ko dinagdagan ang sasabihin ko, "Pati si Natasha. Mag kayakap sila."

Nagtaka silang dalawa sa sinabi ko, "Huh? bakit ka naman iiyak kung makita mo silang magkayakap?" Tanong ni Monica. "Hindi ka pa ba nakakamove on, Rov?" Singit naman ni Annalise.

"Hindi pa." Tipid ko naman na sagot sabay hagulgol. Inamin ko na sakanilang dalawa na hindi pa talaga ako nakakamove on kay Javi. Alam ko naman na maiintindihan nila ako, at hindi naman nila ako binigo. Niyakap nila ako ng mahigpit para i-comfort ako.

"Ay alam ko na, tara Rov, nandito na rin yung ipapakilala ko sa'yo na kadate m—" pinutol ko ang sasabihin ni Annalise dahil hindi rin naman ako interesado sa ipapakilala niya sa'kin. "Ayoko." Tanggi ko. Wala na silang nagawa kundi sundin nalang ako. Habang cinocomfort nila ako, bigla ako nag tanong. "Bakit andito si Javi? Pati si Natasha?"

"Ah, nag sponsor kasi yung family ni Javi ng catering dito. Kaya ayun. Pero si Natasha, baka sumunod lang kasi diba mag jowa sila?" Hindi na ako umimik pa dahil wala na rin naman akong sasabihin.

Matatapos na ang party. 8:30 pm na at 9:00 pm ang tapos party. Ayoko nang magtagal pa dito at baka makita ko nanaman sila Javi. Kaya nagpaalam na ako kela Lise at Mon.

Pagkarating ko sa bahay wala pa rin sila mommy at daddy. Well, as usual late nanaman sila uuwi. Dumiretso na ako agad sa kwarto mag bihis.

Pag kalabas ko ng shower room, biglang tumunog ang phone ko, at nakita kong may notification galing facebook. Nagulat ako sa narecieve kong notif,

Javi Ramirez sent you a friend request.

Bakit siya mag sesend ng friend request? Eh, ilang months na rin naman kaming walang communication simula nung inunfriend ko siya nung nag break kami.

Inaccept ko ang friend request ni Javi. Ilang segundo palang ang lumilipas ay tumunog nanaman ang phone ko. Lalo akong nagulat at naguluhan sa nangyayari ngayon, Javi Ramirez sent you a message.

Javi:
Roviann, can we meet? Tomorrow. El Felidad Park.

Woah. Nakikipag meet si Javi? Bakit? Anong meron? Habang ako ay naguguluhan at maraming tanong ang sunod-sunod na bumabagabag sa isipan ko, biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Anak, tara kain na tayo." Bungad ni mommy sa akin. "Bakit ang aga niyo po dumating ni daddy ngayon? Wala na po ba kayong a-asikasuhin sa office?" Tanong ko naman kay mommy. Hindi na ako sinagot ni mommy dahil baka pagod siya at hindi niya ako narinig.

Pagkatapos namin kumain ng dinner, ay nagpaalam na ako sakanila ni daddy na matutulog na ako.

"Oh, asan ang goodnight kiss ko Rov?" Tanong ni daddy sa akin, natuwa ako sa pag lalambing ni daddy dahil mahabang panahon na ang lumipas bago ko ulit magawa ang Goodnight kiss ko kay daddy.
Namiss ko 'to, lagi ko kasing ginagawa ito nung bata pa lang ako.

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon