KABANATA 2

0 0 0
                                    


Maaga akong nagising ngayon, 5:00 am palang. Thursday na ngayon kaya naisipan kong umabsent muna ngayong araw. Wala rin naman kaming masyadong gagawin ngayon dahil tapos na ang hell week.

Chinat ko na rin si Monica at Annalise, sabi ko kung pwede ba nila ako samahan bumili ngayon ng gown para sa Saturday since mayroon na raw silang susuotin. Ako lang talaga ang nakalimot kaya wala akong nabili last week.

Nagkita muna kami sa Cáfe Amoré. Pagkatapos namin umorder ng inumin, dumiretso kami sa Caroline's Gown Shop. Dito kami bumibili ng mga dress o gowns kapag may special occasions kasi ang gaganda at unique ang designs nila.

"Uy rov, ang ganda nun oh bagay sayo yun." Turo ni Monica sa isang gown na nakasuot sa isang mannequin. Pero hindi ko trip yung design. Masyadong showy.

Nilibot namin ang buong shop hanggang sa may isang red gown na naka-agaw pansin ng mata ko. Agad ko itong pinuntahan, at nag pa assist sa saleslady. Sinukat ko yun at sumang ayon naman sila Monica at Annalise. Simple but Elegant.

Nagugutom na raw sila Annalise kaya kumain muna kami sa isang resto pag katapos kong bilhin yung gown. "Alam mo Rov, for sure agaw pansin ka sa ball! Ang ganda kasi ng gown mo bagay na bagay sayo, diba Nali?" Sabi ni monica.

"Hay nako, kanina pa kayo compliment ng compliment eh, nakakasawa na kaya, mag order nalang kayo." Sabi ko sakanila ng hindi ko sila tinitignan. "Eh, ikaw na nga cinocomplement diyan, ayaw mo pa? bahala ka diyan, order na nga ako." Napatawa ako dahil sa pagsusungit ni Monica.

Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na kami sa isa't isa at uuwi na kami. Inantay ko pa si Mang Ron dahil susunduin niya ako dito sa mall. Habang nag aantay, nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko si Javi. Mag isa lang siya. Asan si Natasha? Pupuntahan ko ba o wag? tanong ko sa utak ko. Biglang dumating si mang Ron kaya nawala ang paningin ko sakanya. Nung binalik ko ang tingin ko kung nasan siya, wala na siya. "Ma'am, tara na po?" tanong sakin ni mang Ron at naglakad na kami papunta sa sasakyan.

Pagkarating ng bahay, naligo ako agad at nag miryenda. Iniisip ko pa rin si Javi. Paano kaya kung nilapitan ko siya? Ano naman ang sasabihin ko? Eh! ano ba yan, bakit ko ba iniisip 'to? mas-stress lang ako eh. Mabuti pa, sukatin ko nalang ulit mamaya yung gown ko pag tapos kong mag miryenda.

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon