Part 1.2(Chapter 2)

117 5 0
                                    


MATINDI ANG kabang nararamdaman ni Lucas ng makalayo siya sa babaing bigla na lang yumakap sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun ang naramdaman niya. At sa boung panahong nabuhay siya, noon lang niya naramdaman nang kakaibang init sa dibdib niya. Para bang masaya siya sa ginawa ng babaing iyon. At ang kakaibang pagtibok ng loob ng dibdib niya.

Dapat ay umiwas na lang siya kanina nang makilala niya ang babaing tumakbo palapit sa kanya. Iyon rin kasi ang babaing iniligtas niya sa mga masamang taong gustong manakit dito.

Pero wala siyang panahon upang isipin ang bagay na iyon. Kailangan niyang malaman kung ano ang misyon niya.

Naglalakad lakad lang siya at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kung paano siya magsisimula? Paano nga ba?

"Oi"Sabi ng isang tinig. Pero hindi niya pinansin iyon. Saka muling naglakad. "Hoy Gabay!" mas malakas iyon na ikinalingon niya. Isang lalaking bahagyang may katandaan na ang hitsura. Pero nagtataka siya kung paano nito nalaman kung sino siya. Muli sana siyang magkakalad palayo dito ng muli siya nitong tawagin. Kaya nilapitan niya ito.

"Alam mo kung sino ako?" Itinuro pa niya ang sarili.

Pero sa halip na sumagot ay ngumisi lang ito, saka uminum mula sa boting hawak nito. Pansin niyang madumi ang kasuotan nito. At magulo rin ang buhok nito. "Isa kang pasaway na sundalong Anghel!" Anang nito matapos pahirin ang kumalat na likodo sa bibig nito. Parang nagkaroon ng siya ng relief sa narinig mula dito. Sa wakas may nakakakilala sa kanya. Nakalimutan niyang may isang Gabay na nanatili sa lupa upang mangalaga sa balanse ng mundo.

"Ikaw ba ang Gabay sa Lupa?" Bigla siyang nabuhayan ng loob. "Alam mo bang hindi ko alam ang gagawin ko. Kung anong misyon ang dapat kung gawin? At kung saan ako magsisimula?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Pero ngumiti ito ng nakakaluko bago nagsalita.

"Dahil hindi ka marunong makinig!" Sigaw nito na halos ikabingi niya.

"Alam ko na kung bakit ka itinapon dito. Dahil hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo. Pinabayaan mo bang mamatay ang ginagabayan mo?" Natigilan siya. May dahilan siya kung bakit. Pero walang nakaka-alam noon. Pero natitiyak niyang alam iyon ng mga Master Angel. Pero pinarusahan pa rin siya. Tama, mali pa rin siya dahil, naki-alam pa rin siya sa tadhana ng tao.

"Oo, may kasalanan ako." Boung katapatang pag-amin niya. Pero nagulat siya ng tinawanan siya nito. Dahilan upang umangat ang ulo niya sa pagkakayuko. Halos mapatid ang hininga nito sa pagtawa. Dahilan upang napasimangot siya.

" Anung nakakatawa? "

"Ah, wala naman. Ako nga pala si Master Simon. Pero tawagin mo akong Master. Sumunod ka sa akin Lucas?" Yakag nito saka muling naglakad. Susunod na sana siya dito ng natigilan siya.

"Ha? Teka alam mo rin ang pangalan ko?" Gulat na tanong niya dito na sinabayan ang mabilis na hakbang nito. Kakaiba ito sa mga Master niya sa Zion.

"Madami akong alam, Lucas." Anang nito saka nilingon pa siya. " Sumunod ka!" Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isang luma at sira-sirang bahay. "Dito na tayo." May pagmamalaki pang saad nito.

"D'yan ka nakatira!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, kaya sumunod ka na lang." Napilitan siyang sununod dito. Pero ganun na lang ang gulat niya ang pumasok sila mula sa sira-sira at lumang bahay. Isang malawak at mataas na lugar ang papasukin nila.

Nangisi siya,ibang iba sa hitsurang inaasahan niyang makita. "Nagulat ka ba?" Tanong nito. Tumango lang siya. Kakaiba kasi ang tahanan nito. Akala niya ay sira sirang bahay ang tirahan nito. Pero sa labas lang pala iyon. Dahil isang marangyang at malawak na tahanan ang mayroon ito.

"Iba ang nakikita nang mata sa laman ng puso. Iyon ang maganda sa tulad natin." Paliwanag nito na ikinakamot lang niya ng ulo. Hindi kasi niya kayang ipaliwanag ang ibig nitong sabihin."Maari kang manatili rito hanggang matapos ang misyon mo." Dagdag pa nito.

"Iyon na nga Master, hindi ko alam kung anu ang misyon ko?" Malakas na sapok ang natangap niya mula dito. Pero hindi naman niya naramdaman ang sakit ng kamay nito.

"Nakita mo na ang misyon mo. Pero hindi mo binubuksan 'yang mata mo." Anang nito saka inilapag ang kung anu-anong bitbit nito.

"Nakita ko na?" Litong tanong niya dito. "Puwede ba diretsahin mo na lang ako Master."

"Bueno, ganito bagito. Ang sino mang Anghel na tinapon sa lupa ay ipinapadala ng Kalangitan sa kanyang Misyon. Kung sino ang unang taong makikita ng mata mo siya ang misyon na dapat mong ayusin. Nakuha mo?"

"An--- ang babaing iyon? Siya ang misyon ko. Nasaan ang Gabay niya?" Tanong niya dito.

"Aba malay ko? Bakit hindi ka bumalik sa Kalangitan at itanong 'yan?" Anang nito saka naupo sa isang makintab na silyang gawa sa matatag na kahoy.

"Puwede ko bang gawin iyon----"

"Malamang hindi. Hanga't hindi ka pinapabalik hindi ka makakabalik." Paliwanang nito na nakatingin sa kuko nito. "Mukhang kailangan ko nang magpalinis."

"Hmmm--- oo kailangan n'yo na ring maglinis ng katawan. Ang dungis ninyo." Saba't niya.

"Eh kong palayasin kaya kita sa bahay ko."

"Biro lang Master. Pero paano ko sisimulan ang misyon ko?" Tanong niya dito.

"Kung alam ko ang sagot dyan, sana hindi ako nanatili ng napakahabang panahon sa mundong ito."

"Anong ibig mong sabihin Master?"'

"Wala, kumilos ka na." Iyon lang at iniwan na siya nito. Palaisipan pa rin kay Lucas ang sinabi ni Master Simon. Pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya na may tulad niyang nanatili rin sa mundong iyon.  

LUCAS, THE FALLEN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon