CHAPTER 9 (The pain gain for love)

77 4 0
                                    


NAKATULALA pa rin si Charity, habang nakatitig sa wala pa ring malay na si Lucas. Ayaw tangapin ang utak niya ang mga sinabi ni Master pero, sa mga kilos at sa nasaksihan niya kanina kay Lucas. Alam niyang dapat siyang maniwala.

Ang utos nitong kalimutan niya ang lahat ay parang hindi kayang i-absorb ng sistema niya. Ibig lang bang sabihin ay kailangan nitong mawala sa mundo. Upang mabuhay ito?

Noon lang niya napagtantong masakit sa dibdib niya ang isiping mawawala rin ito sa kanya. Kung kailan nagawa na niyang aminin sa sariling mahal niya ang weirdong pagkatao nito.

"You shed tears, for me?"Anang magandang tinig nitong iyon ang nagpaangat ng ulo niya. Ganun na lang ang saya niya ng ngumiti ito sa kanya. Napansin niyang iginala nito ang mga mata sa paligid?

" Nawalan ka ng malay kanina, ng mag-ala superman ka, at dumating si Master." Sagot niya sa tanong sa isip nito. Hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito.

"At gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya, na galing ka sa langit, isa kang anghel. Prank joke iyon right?" Abot langit ang pag-asam niyang sabihin nitong nagbibiro lang ang matandang iyon. Pero ang lagusang nilikha nito ay isang patunay na dapat niyang paniwalaan ang sinabi nito.

Pero parang nanlumo siya ng tumango ito.

"Lumapit ako sa'yo dahil ikaw ang misyon ko! Misyon kong protektahan ka! I did well right? " Tuluyan na siyang pana-iyak. "Hindi na ako napaparusahan dahil hindi ako nagsabi sa'yo ng katauhan ko. Pero natitiyak kong mapaparusahan si Master Simon dahil sa ginawa niya para sa akin!" Humugot ito ng malalim na paghinga, saka naupo sa kama.

"Kaya ba lagi mong sinasabing hindi mo dapat nararamdaman ang tibok ng puso mo para sa isang tulad ko?" Muli itong tumango. Saka siya hinarap. Nagulat pa siya ng hawakan nito ang mukha niya at pahirin ang luhang patuloy na umaagos doon.

"I guess I was just to lucky to be protected by a handsome Angel like you!" Dinaan niya sa ngiti ang bigat ng dibdib niya.

"And yet, you will be leaving me! Mas makakabuting bumalik ka na. Ayaw kong mamatay ka."

"Sinong may sabing alalis na ako. Hindi ako makaabalik hangga't hindi ipinapahintulot ng Langit!"

"Napapagaling ko ang sarili kong mga sugat. Sa tingin ko dapat ko nang ihanda ang sarili ko para mabuhay bilang isang tao. Because I lost all my powers saving another souls again. Kapag tuluyang naubos ang kapagyarihan ko, hindi na ako makabalik pa sa langit. Magiging ganap na tao na ako. " Hindi siya napaniwala na nagawa pa nitong ngumiti sa kanya.

"Are you crazy! Ipagpapalit mo ang lahat ng mayroon ka para lang maging isang ganap na tao."

"Bakit hindi, noon ang tanging gusto ko lang ay maging isang magiting na sundalo ng kaharian ng langit. But being with you in this world, nagawa kong magkaroon ng ibang pangarap. I don't mind losing all my powers. Basta gagamitin ko ang natitira para sa mga taong karapat dapat. "

"Nababaliw ka na talaga!"

"Alam ko!" Pabirong saad nito. Hindi na niya nagawan pigilan ang sarili. Muli niya itong niyakapa.

Naisip niyang baka bigla na lang itong mawala sa harap niya. Kaya kailangan na niyang sulitin ang pagkakataon. Mukhang wala itong alam sa maaaring mangyari.

"Kapag naubos ang lahat ng kapangyarihan ni Lucas, maglalaho sa hangin ang katawan niya, at maiiwan na lang ang espiritu niya na kaagad babalik sa langit. Oras na gamitin pa niya ang kapangyarihan niya iyon na ang huli. Hindi mo maaring ipaalam sa kanya ang bagay na iyon. Dahil iyon ang misyon niya sa mundong ito.

"Bakit natahimik ka?"

"Wala, just promise me that you'll never use your powers again." Gumuhit ang pagtututol sa mata nito. "Just make a promise to me."

"Pero obligasyon kong---- "

"No! May sariling tadhana ang mga tao. They can protect theirself. Hindi mo kailangang isakrepisyo ang buhay mo para sa iba." Seryosong saad niya. Alam niyang selfish ang naiisip niyang iyon. Pero wala na siyang paki-alam kung tawagin man siyang makasarili. Selfish na kung selfish, basta ba manatili si Lucas sa tabi niya ng mas matagal. "Promise me! Ayaw kong mawala ka."

"Bakit?"

"Dahil mahal kita! Ano pa ba?"

"Okay, I promise. But kapag ikaw ang kailangan kong iligtas, I will break those promise. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako. At masaya ngayon sa mundong ito. "

"Lucas!" Natitilihang saad niya.

"That's fare enough, Miss." Nangiting saad nito. "Naiinitindihan ko na ngayon, kung bakit laging tumitibok ang puso ko para sa'yo. Because since then minahal na kita. At hindi magbabago iyon." Hindi siya umiwas ng kabigin siya ni Lucas saka binigyan ng masuyong halik sa labi.

So this is why, his kiss taste so Divine.

LUCAS, THE FALLEN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon