CHAPTER 5 (THE ONE THAT PROTECTS)

91 5 0
                                    


HINDI NAKALIGTAS sa mata ni Charity ang pagbabago ng ekspresyon ni Lucas ng makita si Thines. Ayaw niyang isipin, pero may pakiramdam siyang magkakilala ang mga ito.

"So what happened to him?" Tanong ni Thines na lumapit pa sa kanya at naupo sa double seated sofa.

"Ah, natumba kasi siya ng itulak ko. Pero teka, sigurado ka bang hindi na kita kailangan dalhin sa hospital?" Baling niya kay Lucas na tahimik pa rin. Pero hindi niya mapigilang mapatitig sa mapulang labi nito. Dahilan upang mag-init ang mukha niya. At hayun naman ang puso niyang hindi pa nga nakakabawi, inaataki naman ng matinding kaba.

" Don't worry about me, salamat sa tulong."

Tulong? Medyo hindi niya na gets iyon. Parang wala naman siyang ginawa para dito.

"Nagdrop by lang ako para dalhin ito sa'yo." Agaw pansin ni Thines, ang jar of cookies na gawa nito. Hobby ng kaibigan niya ang magbake. Kaya madalas siya nitong suplayan ng cookies. Napapa-isip na nga siya na parang alam nito kapag paubos na ang cookies niya. But never the less, the cookies was so addictive. Naging favorite nga niya iyon. Siguro dahil sadyang maghusay itong gumawa cookies.

"Thanks, as always." Iyon lang at nagpaalam na ito.

"Matagal na kayong magkakilala?" Biglang tanong ni Lucas sa kanya na halatang nakabawi na sa panghihina nito kanina. Sinabi niyang since college ay kilala na niya ito. Tumango-tango lang ito. Nakilala niya ito isang araw matapos macremate ang magulang niya. May dinalaw rin kasi ito sa crematorium ng araw na dalhin niya ang abo ng magulang doon.

"That cookies, stop eating them?" Saad nito na nakatingin sa jar ng cookies sa ibabaw ng mesa niya.

"Bakit may problema ba?" Kuryos na tanong niya dito.

" Basta sinasabi ko sa'yo. Gawin mo! At mula ngayon hindi na ako aalis sa tabi mo." Maawtoridad na saad nito.

"And why is that? Lucas hindi naman dahil----"nag-init ang mukha niya. Hindi naman dahil hinalikan siya nito eh, may something na sila. It was just a kiss. "Liar!" Singit ng isang munting tinig sa utak niya.

"Dahil sinabi ko!"

"What! Bakit ano ba kita? Para sundin kita, look Thines is my friend at lagi siyang nandyan para sa akin." Medyo tumaas boses niya. Hindi kasi niya gusto ang pakiki-alam nito. Kanina talo pa nito ang hindi makatayo sa sobrang panghihina nito. Pero ngayon parang biglang naging malakas ito.

"I'm just trying to protect you!" Masarap sanang pakingan iyon kung nasa ibang pagkakataon sila.

"Protect me from whom, sa kaibigan ko. Ewan ko sa'yo---" Pero napasandal siya sa sofa ng biglang sa isang iglap ay nasa tapat na niya nito. Hawak ang likod ng ulo niya. Talagang ikinagulat niya ang mabilis na paglapit nito sa kanya.

"Makinig ka,"napalunok siya dahil sa sobrang lapit nito sa mukha niya. Habang nakatitig ito sa mata niya. At hindi niya magawang iwasan ang mga matang iyon. Napakapit na lang siya sa hand rest ng sofa. She was expecting that he might kiss her again. Pero hindi nangyari. Kundi parang bumalik ang panghihina nito. Malalim rin ang paghugot ng hininga nito.

"Anu bang ginagawa mo sa akin?" Nanghihinang saad nito.

"Wala!" Plano sana niyang itulak ito, pero nag-alala naman siyang baka mawalan naman ito ng malay kung magkamali siya ng tulak dito. Ipinagpasalamat niyang kusa itong lumayo sa kanya at bumalik sa pagkaka-upo. " Mabuti pa siguro umuwi ka na sa inyo. Para makapagpahinga ka muna." Suhesyon niya dito. "Baka naman hindi ka lang kumain ng agahan."

"Hindi ko kailanagan iyon." Anang nito saka tumayo. " I'll be fine, kailangan ko lang ng hangin." Iyon lang at iniwan na siya nito. Natitilihang napatitig na lang siya sa pintong isinara nito.

Pauwi na sila ng biglang dumating si Ludwig. Ayon dito ay dumaan lang ito sa area niya kaya naisip nitong ihatid na lang siya pauwi. Gulat na gulat pa ito ng biglang humarap dito si Lucas.

"Bruce!"Hindi nakapaniwalang saad nito.

"No, his not Bruce, his name is Lucas." Pinakilala niya ang mga ito. Bakas ang gulat at hindi makapaniwalang reaksyon ng mga ito. Kung siya nga na girlfriend ni Bruce ay gulat na gulat ng makita si Lucas noon. Ang mga kaibigan pa kaya niya.




HINDI MAIPALIWANAG ni Lucas ang inis na nadarama niya habang tinatanaw niya kanila si Charity pasakay sa kotse ng lalaking iyon na Ludwig ang pangalan.

Hindi niya kayang ipaliwanag ang pakiramdam na iyon. Dahil iyon ang unang pagkakataon na may nakilala siyang mortal na nakadama siya ng ganun. Estranghero para sa kanya ang lahat ng nararamdaman niya. Kaya naman nalilito siya kung paano pakikitunguhan ang bawat emosyong gumisising sa katawan niya.

"Master Simon, "tawag niya dito ng makarating siya sa bahay nito.

"Bakit ka ba sumusigaw diyan?" Anang nitong lumabas mula sa isang pinto.

"Nakita ko na siya? "

"Sino naman." Balewalang sagot nito, habang may kung anong ginagawa sa isang piraso ng papel.

"Iyong babae, isa rin siyang Gabay."

"Babae?" Ulit nito na nakuha rin niya ang atensyon nito. Hindi siya nakapaniwala sa sarili. Nakita niya ang marka ng babaing iyon. Pero hindi katulad niya madilim ang liwanag mula sa marka nito. Ang marka sa katawan ng bawat gabay ay nakikita lang ng kapwa niya gabay.

"Pero maitim ang marka niya katunayan na umanib siya sa kadiliman. At binibigyan niya si Charity ng lason mula sa Gehenna."

"Anung sinabi mo?" Napatayo pa ito. Halatang sobra itong nagulat. Napilitan pa siyang ulitin ang sinabi. "Hindi, hindi maaari iyon, imposibling may alam siya."

"Master, anung ibig mong sabihing alam niya?" Salubong ang kilay na tanong niya dito.

"Makinig ka, Gabay. Kailangan mong protektahan ang babaing iyon. Wala akong magagawa para sa kanya, pero ikaw mayroon. " Pansin niya ang kaseryosohan nito sa sinabi.

"Hindi ko kaya maunawaan Master---"

"Alamin, mo!" pasigaw na saad nito na muntik pa siyang sipain.

"Grabe, talaga bang galing kayo sa Paraiso. Napakatindi nyo sa pisikal na pananakit." Reklamo niya na bahagyang lumayo dito. Alam niyang wala itong sasabihin. Pero isa lang ang pinaniniwalaan niya. May alam ito, pero wala itong kakayahang magsabi ng impormasyon.

LUCAS, THE FALLEN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon