UMAGA NG ARAW iyon ng dumating si Lucas para sunduin siya. Mula ng magkamabutihan sila nito. Madalas na siyang sinusundo nito. Ito na rin ang nagdidrive para sa kanya. Ang sabi nito hindi ito marunong magdrive pero nagulat siya ng turuan niya ito. Naisip niyang nagpapacute lang ito kaya ganun. Dahil mas mahusay pa nga ito sa kanya. Mabilis silang nakakarating sa office kapag ito ng driver. Panay ang kuwentuhan nila ng di sinasadyang napalo niya ang braso nito. Na ikinangiwi nito!
"Sorry, nasakit ba?" Worried na tanong niya dito.
"Ah wala joke lang iyon!" Anang nito, halatang nagsisinungaling. On instinct ay hinawakan niya ang braso nito. Hindi sinasadyang na-angat niya ang sleeve ng damit nito. Ganun na lang ang pagtataka niya ng makitang may pasa ito roon.
"Anung nangyari sa braso mo?"
"Ah, na aksedinte lang ako. But its fine. Medyo nabugbog lang." Balewalang sagot nito.
"At hindi mo sa akin sinabi kong anung aksedinte?" Medyo nainis siya dito.
"Ayaw kong mag-alalala ka pa,"sagot nito, giving her those handsome side ways glance.
"Anu ba kasi talaga ang pinaggagawa mo. Noong nakaraang araw bigla ka na lang nawala. Tapos kahapon absent ka, sasabihin mo may sakit ka lang. Ayaw mo namang dalawin kita." Kunwa'y nagtatampong saad niya. Kung bakit ba naman kasi hindi niya mahanap ang bahay nito, kahit ilang ulit niyang binalikat ung dating dinaanan nila noong dinala siya nito sa bahay nito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkahulog nito sa malalim na pag-iisip. Nang bigla itong nagpreno. Nagulat pa siya. At napatingin sa tinutumbok ng mata nito. Isang pagiwang giwang na truck ng mabilis na tumatakbo sa kalsada. At sa di kalayuan, isang matandang babae at batang babae ang tumatawid.
"Oh my god!" Napaangat pa siya sa upuan dahil sa nakita. Napahawak pa siya sa braso ni Lucas. "Masasagasaan sila." Tumbol ang dibdib niya sa takot. Malakas na bumusina ang driver ng truck. Pero dahil mabagal kumilos ang matanda hindi ito makatakbo kasama ng bata. Natakpan niya ang mga mata. Milagro na lang kung hindi mahagip ang maglola.
Pero ganun na lang ang gulat niya ng mawala ang brasong nakakapitan niya. At ilang Segundo lang, bigla na lang umingit ang sasakyan at laking gulat niya ng ibukas niya ang mata. Nakatayo si Lucas sa pagitan ng truck at maglola. Habang ang isang kamay nito ay nakatulak sa truck na nawalan ng preno kanina. Na sa mga sandaling iyon ay nakahinto na ilang dangkal ang distanya mula kay Lucas. Sobrang pagtataka at pagkagulat ang nag-uunahan sa utak niya. Pero nagawa niyang lumabas sa kotse niya at tumakbo sa maglola. Mabilis niyang inakay ang mga ito palayo sa truck. Pero hindi niya iwasang mapatingin sa bahagin ng truck na natutukuran ng kamay ni Lucas, nayupi iyon, na parang bumanga sa bakal.
Kaagad namang bumaba ang driver at truck. Labis ang takot at pagkagulat sa nangyari, "Boss nasaktan ka ba? Nawalan ako ng preno" Tanong ng driver na bumaba sa truck, pero ganun na lang ang gulat niya ng biglang matumba si Lucas at bumagsak sa semento. "Boss!"Sigaw ng driver.
Hindi niya maiwasang mataranta, saka mabilis na dinaluhan ang walang malay na si Lucas. Kaagad naman siyang tinulungan ng driver na maisakay niya ito sa kotse. Saka mabilis na pinasibad ang kotse patungo sana sa hospital ng biglang siya nagpreno dahil sa isang matandang lalaking lumitaw sa tapat ng kotse niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon. Basta bigla na lang itong lumitaw na parang magic. Naglakad ito palapit sa kanila.
Kinakabahan man ay hindi niya magawang kumilos. Parang hindi pa rin kasi magsink in sa utak niya ang nangyari kanina, tapos ngayon sinabayan pa ng isang panibagong pangulat.
Bigla nitong binuksan ang passenger seat saka sumakay doon. Hindi niya alam kung paano nito nagawang buksan ang pinto gayong nakalock iyon.
"Drive!"utos nito.
"Sino ho kayo?" Naguguluhang tanong niya dito.
"Siya ang kailangan ko, " anito saka tinapunan ng tingin si Lucas, saka ito umiling. "Kailangan ko siyang gamutin. Kaya magdrive ka na." Dagdag pa nito.
"Manong---"
"Master." Pagtatama nito.
"Drive!" Biglang kusang umandar ang kotse siya, kasabay ng pagbukas ng lagusan sa gitna ang kalsada. Napasigaw pa siya ng nagsimula silang pumasok doon.
Natagpuan na lang ni Charity ang sarili sa loob ng isang pamilyar na lugar. Iyon ang bahay na pinagdalhan sa kanya ni Lucas noon. Mabilis na umibis sa sasakyan ang matanda, hindi niya inaasahang parang papel lang na binuhat nito si Lucas. At isinampay sa balikat nito.
"Mano--- Master, paki ingatan naman." Saway niya dito.
"Ingatan! Dapat sa tulad nito, inililibing ng buhay. Matagal na panahon akong nanahimik sa mundong ito, pero hindi ako makapaniwala na bibigyan ako ng ganitong responsibilidad." Hindi niya alam kung galit ito, dahil iyon ang tuno nito. Pero ang mata at mukha niya, naroon ang kakaibang kislap ng kasiyahan.
Sumunod siya dito. Sa isang kakaibang silid dinala nito si Lukas. walang higan o kahit anong gamit ang naroon. Pero nagulat niya ng bigla na lang lumabas mula sa ilalim ng sahig ang isang kulay puting higaan. Hi-tech ang bahay ng wierdung matanda. Saka ihiniga doon si Lucas. Walang pag-aalinlangang lumapit siya dito, pero pinigilan siya ni Master.
Nagulat siya ng punitin nito ang damit ni Lucas sa harap niya, ganun na lang ang pagkagulat niya ng makita ang malaking pasa sa katawan nito. May may sugat rin itong hindi pa humihilom.
"Paano--"
"Ang tulad niya, hindi dapat nakaaramdam ng sakit o nagkakasugat. Sa totoong mundo niya mabubuhay siya ng ligtas sa anumang panganib. At wala siyang ibang responsibilidad kundi ang bantayan ang taong tulad mo." Napatitig siya dito. Naguguluhan siya sa sinabi nito. At muling napatitig kay Lucas. May binuksan si Master ng isang uri ng bote na may nakapaloob na halamang gamot na parang buhay sa loob ng boting iyon. Saka ipinahid sa katawan nito. Parang magic na unti unting maghilom ang sugat at pasa nito.
"Makinig ka mortal, kailangan mong kalimutan ang nangyari ngayon. At kalimutan mo na rin si Lucas. Dahil maari siyang mamatay dito sa lupa dahil sa ginagawa niya para sa'yo. Ang pagmamahal o pag-ibig na mayroon siya para sa'yo ay lakas at kahinaan rin niya."
"Hindi ko pa rin kayo maunawaan, Master." Nalilitong saad niya dito, parang sumusikip ang puso niya dahi sa sinabi nitong kalimutan niya si Lucas.
"Ang mga sugat at pasa niya, ay natamo siya sa pakikipaglaban sa Death Angel para sa Aklat ng buhay. At ikaw bilang pain, nagawa mo pa ring mabuhay ngayon dahil iniligtas ka niya sa kamatayan." Napailing siya! Hindi totoo ang lahat ng naririnig niya, dala lang iyon ng imahinasyon niya. No she has to wake up! Kinurot niya ang sarili pero nasaktan lang siya. Dahil ibig sabihin ay hindi panaginip ang lahat ng nasa harap niya. "No this is just a dream right, o kaya isang prank joke n'yo lang ito."
"Hindi mo nauunawan ang sinasabi ko. Dalawang ulit ka nang dapat namatay Charity. At sa ikalawang pagkakataon, handang itaya ni Lucas ang buhay niya para sa'yo. Natitiyak kong ang katapusan niya ang kahaharapin niya. "
"Tumigil nga k'yo, bakit ba nasasabi ninyo 'yan kay Lucas, mabuti siyang tao."
"Hindi tao si Lucas----, siya ay isang Gabay! Isang Anghel?" Gusto niyang matawa sa mga sinasabi nito. Pero dahil napakaseryoso nito, hindi niya magawa. "Narito siya sa mundong ito, dahil sa isang misyon." Dagdag pa nito.
"No, stop it already, ayaw ko nang makinig. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo----"
"Kung ganun, tumingin ka, pagmasdan mo ang nakaraan, kung paanong ang isang Malakas na nilalang na tulad ni Lucas, ay sugatan at mahina."
BINABASA MO ANG
LUCAS, THE FALLEN ANGEL
RomanceWhen Heaven created the Earth kasama sa nilikha nya ay ang mga tao, kung saan binigyan ng Gabay na Angel upang mangalaga sa mga nilalang. Subalit paano kung ang isang Gabay na Anghel ay nagawang lumabag sa batas ng langit para sa mga taong hi...