CHAPTER 1 (THE ONE THAT YOU NEVER EXPECTED)

237 10 0
                                    

"STOP IT ALREADY Charie!" Saway ni Thines sa kabigan. First year college pa lang sila ay magkaibigan na sila nito. At naroon siya sa lahat ng pagsubok sa buhay nito. At nauunawaan niya ang paglalasing nito. Kaya hindi niya ito magawang iwan. Dahil natatakot siyang baka maulit ang nangyari, na muntik nang ikamatay noon. Sa sobrang kalasingan nito, nahulog ito sa hagdan ng bahay nito, hawak ang bote ng alak, na nabasag at sumugat sa pulsuhan nito.

Hindi niya  masisi  si  Charity sa matinding trumang nararanasan nito. Her boyfriend died on the day of their wedding. At sa harap mismo ng kaibigan binaril ang fiancé nito. It was  his fate. Kaya pilit niyang kinukumbinsi ang kaibigan na magmove on na.

Special sa kanya si Charity, at tungkulin niya pangalagaan ito hanggang sa tamang panahon.

Napahugot siya ng malamin na paghinga. Wala siyang nahingian ng tulog para sawayin ang kaibigan. Dahil ulila na itong lubos. May mga kamag-anak ito pero nasa abroad naman ang mga kilala niya.

"Anu bang gagawin ko sa'yo. It's been a month already! Tangapin mo na lang. " Seryosong saad niya dito. Naningkit ang kanyang mga mata, pero hindi siya maaring magalit dito.

"Tang---tangapin,"bigla itong lumingon sa kanya saka, nagsimula mabasag ang tinig nito. "Tangapin na iniwan ako ng taong  mahal ko. On the day of our wedding, huh!"mapait na wika nito. "I love Bruce so much, Thines, all those years, sa kanya umikot ang buhay ko. Do you have any idea how hard it is for me even to breath." Saad nitong tuloyang napaiyak. Pero kaagad rin nitong pinahid ang luha ng sariling kamay saka aktong iinum muli ng alak.
"Heeey, I want some more." Tawag nito sa barista. Sumensyas siya dito na huwag ng bigyan pa ang kaibigan.

"No tama na, iuuwi na kita." Anang ni Thines saka hinawakan pa ito sa braso. "May dahilan kaya nangyari ang lahat ng ito." Walang kangiti-ngiting saad niya.

"Do---don't do this to me friend, unawain mo na lang ako. You can leave me here, I'll be fine—I promise." Nauubusan na rin siya ng pasensya dito, dahil halos buhol-buhol na ang pagsasalita nito. Pero matigas pa rin ang pagtangi nito.

"Charity Sandoval hindi na kita kinakaya—I'm calling Ludwig." Frustrated na saad nito. Si Ludwig ang isa sa mga kaibigan nila. Pero dahil abala ito sa pambabae nito kaya wala itong time na samahan sila ni Charity.

"Do---don't, busy iyon sa mga chikas niya. That guy, his too annoying." Reklamo nito. Pero hindi siya nito nagawang pigilan. Hindi lihim sa kanya ang pagkagusto ni Ludwig kay Charity. Pero ipinagpasalamat niyang hindi ito nagkakaroon ng pagkakataon para ligawan ang dalaga. She won't let him.

Lumayo siya ng bahagya dito, upang i-dial ng numero ni Ludwig. Pero dahil mahina ang reception sa loob naghanap siya nang signal. Mainip siya dahil sa sobrang tagal nitong sagutin ang tawag. Nakatatlong dial ata siya bago sumagot ang kabilang linya.

"Lud, you have to help me here, si Charie, hindi tumitigil sa paglalasing." Kaagad naman itong sinabing pupuntahan sila. She told him where they are.

Pero ng balikan niya ang dalaga wala na ito doon. Nagpanic siya. Hindi maaring mapahamak si Charity. Napatingin siya sa cellpone na nasa ibabaw ng countertop. It was Charity's phone.

"Nasaan ang kaibigan ko!" Tanong niya sa barista.

"Ha?"Napakamot pa ito ng ulo. "Sumama roon sa dalawang lalaki kanina. Akala ko kilala niya. Sabi pa nga noong lalaki babe daw eh. " Paliwanag nito na ikinamura niya. Mabilis na tumakbo siya palabas, pero hindi niya nakita si Charie doon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LUCAS, THE FALLEN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon