Ikaw Na Naman ?!

13 1 0
                                    

Kim's POV 

KkRrrriiinngg ! KkRrrriiinngg ! KkRrrriiinngg ! 

        Sa wakas umaga na !! Bumangon na ako at nagmadaling pumanta ng banyo para gawin ang daily rituals ko. Unang araw ko sa kolehiyo at syempreeee dapat maganda at fwesshhh ang mukha ng  inyong lingkod na diyosa ..Excited na po talaga akong pumasok kaya hindi ako masyadong nakatulog pero keribels lang kasi BEAutiful parin ako nuhhh.. Matapos kong macheck lahat ng gamit ko, tiningnan ko ulit ang sexy kong kabuuan sa life-size na mirror sabay sabing "mirror mirror on the wall , who's the Goddess of them all" ohhh see? Ako parin! Talagang hindi nagsisinungaling ang mirror ko. Subukan nya lang magsalita ng di maganda hehe.. babasagin ko ang mukha niya.. Ayy takte baka malate pa ako nito ..babusshhh .. 

        Bumaba na agad ako para makapagpaalam.Nadatnan ko si Mama sa kusina na naghahanda na ng almusal " Good morning Ma!" sabay halik sa pisngi, "pasok na po ako ", "Oh nak ayaw mo bang mag-agahan muna? Halika't sabay na tayo."-anyaya ni Mama. "Ahh kasi po Ma baka malate po ako, maaga kasi ang first subject ko ehh. Doon nalang ako kakain sa canteen ng University". "Sige kaw bahala nak basta wag kang magpalipas ng gutom ha? Ito pala baon mo.. sabay abot ng lunchbox at pera. "Salamat Ma, sige po mauna na ako"-paalam ko.

Nakarating ako sa paaralan ng maaga, medyo isang byahe lang naman kasi itong University mula sa bahay namin. Tiningnan ko muna ang Certificate of Registration ko kung saan ang room sa unang subject. Since 8:00am pa naman ang klase ko, nagpasya na muna akong hanapin ang room ko para di na ako maligaw kahit pa sabihing di masyadong malaki ang school. 

"103A, 104B, 105C, 106D, .. 107E.. napangiti ako ng makita ko ang room ko. Pinihit ko ng marahan ang pintuan at sumilip kung may nagkaklase dito.Hmmm.. "mukhang wala pa ang mga magiging kaklase ko tsaka bakit parang ako pa lang yata ang nandito"-- sa isip ko. (ehhh kasi nga maaga pa.. masyado ka namang excited ! sita ng pakialamerong isipan ko)Hindi ko pa pala nasabi na General Education ang kinuha kong kurso. Gusto ko kasing magturo ng mga bata. Ewan ko ba kung bakit mahilig ako sa mga bata lalo na kapag cute. Kaya siguro nais ko maging isang guro. Pumasok na lang ako sa room at umupo sa may likuran habang hinihintay kong dumating ang ibang kaklase.

        Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog pala ako sa upuan habang naghihintay. Nagising nalang ang diwa ko ng may marinig akong ingay mula sa mga studyante sa labas ng classroom na nagtatakbuhan at nagmamadaling lumakad na parang may hinahabol. Uso rin pala sa college ang mga ganyang bagay o kaya masyado na talaga akong naiwan ng panahon. "But WWAaaiiiTtt !!!!" napasigaw talaga ako ng bongga ng makita ko ang wrist watch ko na 8:20 am na. "Takte naman ohh".. tumingin ako sa paligid at natuod ako sa kinatatayuan ko ng ang lahat ng mga mata ay nasa akin nakatingin. "Please lupa lamunin mo na ako ngayon din ! GggrrRrr.. nakakahiya .. first day of school pa talaga."-- sa loob loob ko. "hehe sorry po sir ! Napalakas yata ang sigaw ko"- sabay nag peace sign sa mga kaklase at nagbow down pa talaga ako tulad ng mga japanese kapag bumabati. "Are you my student in this class?" tanong ng instructor namin, mga nasa mid-40 na yata si maam. "ahhh.. yes po Ma'am"--kinakabahan pa rin ako.
"Will you please introduce yourself to us?"
Inayos ko muna ang sarili bago naglakad papunta sa harapan at sinimulan ang pagpapakilala.

        "Good Morning everyone ! I am Kim Justin Dela Rosa, 16 years old and taking up General Education. I  believe that "Education is the key to unlock the golden way of freedom". I'll expect to have good friends from the class. Thank you !"--dirediretso kong sabi. "ok kindly take your seat Mr. Dela Rosa" bago paman ako makaupo tinawag ulit ako ng instructor namin .." Mr. Dela Rosa would you mind me asking?" ..
" what is that ma'am?"- nagtataka kung sagot kasi parang may pakiramdam ako na tungkol na naman ito sa identity ko." Are you gay?" usisa ni Maam Alvarez ang instructor namin sa English.At hindi nga ako nagkamali ng iniisip, Kaya pala parang nagtatanong ang mga expression ng mga mukha ng kaklase ko kanina while introducing myself. "well, isn't it obvious maam?hehe."-parang naiinis kong sagot kay maam. Bakit ba naman kasi ako binigyan ng ganito kagandang mukha heheh pero thank you Lord ! " Don't take it negatively Mr. Dela Rosa, i actually admire your androgynous facial features. You were one of those few i've known having like that."--compliment niya. "Thank you maam" ..

        Naging maganda naman ang takbo ng araw ko ngayon maliban nalang sa first subject kanina. But i should move on to it. Masasayang lang ang healthy cells ko dyan kung iisipin ko pa. Kaya ito papunta akong canteen para magtanghalian. Marami-rami narin ang kumakain kaya after kung makahanap ng pwesto ay nagsimula narin akong kumain. Naalala kung may lunch pala akong baon sa bag. Nagmadali na akong kumain nang biglang nahulog ang tinidor ko. Hinanap ko sa ilalim ng mesa at ayun nakita ko rin. Akmang kukunin ko na sana ang tinidor ng may dalawang pares ng paa ang ngayo'y nasa harapan ko. Siguro makikipagshare lang sa table dahil wala ng bakante. Sino kaya 'tong makakasama ko sa table? Unti-unti ko ng iniangat ang ulo ko at katawan sa pagkakatago sa table kasi nga kinailangan ko pang pumunta sa ilalim ng mesa para makuha ang mahiwagang tinidor. Pagkaangat na pagkaangat ko sa aking mukha ay bigla nawalan ako ng ganang kumain...Ehh kasi naman ang kasama ko sa table ay walang iba kundi ang naPAKA sa lahat .Oo tama kayo ng hula.. ang pinakaHambog, pinakaMasungit,.. at.......                            sige na nga pinakaGwapo daw..            tseh ! ba't di pa kasi aminin na nagagwapuhan ka? ang isip kong maharut na naman..

        "IKAW Na Naman !"-- sabay pa talaga kaming nagsalita.. "Anong ginagawa mo dito?! sinusundan mo ba ako huh?!-- pagtataray ko. "Ikaw sinusundan ko? Bakit sino ka ba para pag-aksayahan ko ng panahon? Nag-iilusyon ka na naman yata .. hahhahaha gumising ka nga !" .."hoy lalaking malaki ang ulo sa sobrang hangin , hindi ako nag-iilusyon noh !! tsaka ako ang nauna dito kaya pwedi bang umalis alis ka sa harapan ko?! tsupeh ! --pagtataboy ko sa kanya."Bakit sa'yo ba itong canteen ? may pangalan ka dito ? saan ? At hindi ka ba magpapasalamat na ang isang hot at gwapong ito ang makakasama mo? Tingnan mo nga ang mga babae sa paligid natin.Kumikislap pa ang mga mata na nakatitig sa akin. Tapos ikaw 'tong di naman kagandahan nag-iinarte pa. Ang sabihin mo kinikilig ka ngayon.Ok lang naman sa'kin eh ..may pakindat kindat pang nalalaman ang mokong. " Excuse me Mr. Hambog, wag masyadong assuming baka liparin po tayo sa lakas ng hangin!" ..

"may pangalan po ako at hindi ako hambog nagsasabi lang ako ng katotohanan di tulad mong lampa !" pagputol niya. (aba ! talagang hindi pa siya nakaget over sa mga yun..sa isip ko) " may pangalan din po ako noh at hindi rin ako lampa ! "  "hahaha ok nandito ako para kumain not to argue with you, so better if we eat now"-pag-aalok niya. "hmpp.. no need patapos na rin ako, nawalan na din ako ng GANA.." Lumabas na agad ako sa canteen kasi hindi ko kayang makasama ang mahangin na taong yun. Napakamalas naman yata ng unang araw ko huhuhu.

        Finally natapos narin ang last subject ko. Wala naman masyadong ginawa puro introduction of names and etc. lang ang nangyari. Meron na din akong mga bagong kakilala and i think they will become my circle of friends sooner.

A/N: [nakapag-update na ulit ako !! thanks nga pala sa mga nakabasa na..]

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon