Shawn's POV
Sobrang nakakatuwa ang mga pangyayari sa unang araw ko bilang isang freshman sa kolehiyo dito sa may probinsya. Ibang iba sa nakagisnan kong buhay sa Manila. Napakasariwa ng hangin at mukhang mababait ang mga taong nandito. Maliban na lang sa masungit at lampahing bata na nakabangga ko. Talagang bata lang ang term noh? Pero totoo naman kasi. Ngayon lang ako nakakita ng ganun eh. Yun bang napakainosenti ang mukha at palaging nangungusap ang mga mata. Napapaisip nga ako nung time na nagkabangga kami, parang may kakaiba akong naramdaman ngunit di ko maipaliwanag at mabigyan ng pangalan. Ang problema hindi man lang kami nagkakilala ng maayos. Kampante naman akong magkikita kami ulit ni Lampa. Ngunit kung sinuswerte ka nga naman, magkaklase pala kami at seatmates pa. Parang answered prayer lang mga tol !! Ganyan ako kalakas kang pareng tadhana. hahaha.. Pero bakit ako natutuwa na makita ulit siya? di ba hindi kami bati ng isang ito? hayyyy... Ahhh tama ! gusto ko lang may maasar (insert evil laugh)
" Uy pare ! Ok ka lang? Makangisi parang may something ah?Anong tinira mo kagabi huh? -- si Alex, isa sa mga naging kaibigan ko dito sa college. Para na kaming magkapatid nyan sa closeness kahit bago lang nagkakilala. Ganun din sa iba pang katropa na sina Mark, Ace at Jaz. Mabilis ko silang nakasundo dahil sa magkakatulad ang mga hilig namin at pareho din kaming mga may maipagmamalaki sa katawan at mukha.
"Anong something ang pinagsasabi mo? May iniisip lang ako pare." pagsisinungaling ko.
"Ba't parang ang lalim naman yata at kailangan pang nakatulala?"-- sambat ni Mark
"Sino ba yan?" -- Ace
"Ahh.. teka lang muna mga pare. Isa-isa lang mahina ang kalaban. Tsaka wala 'to natutuwa lang ako na nakilala ko kayo ! "-- ako
"Ang sabihin mo may nakita ka ng prospect na maganda at sexy !"-- pangungulit ni Jaz
"Ibang klase ka talaga pare ! Ang bilis mong makahanap ah... "-- dugtong naman ni Ace
"Ewan ko sa inyo mga baliw! Pumasok na nga tayo't baka mahuli pa tayo sa klase." -- awat ko sa mga intriga nila.
************************************************************************************************************
Ngayon ang schedule ng subject ko kung saan seatmate ko si .................................................... ay teka hindi ko pa pala alam ang pangalan niya -_- . "ting !" may naisip akong bright idea. Habang naglelecture si Sir Rafael, pasimple kong tinignan ang katabi ko.
"---------> (>_>) " -- ako, tapos tumingin din siya (<_<) <-------- umiwas agad ako ng tingin baka isipin pa niyang pinagmamasdan ko siya. Maya-maya lang nahulog ang ballpen niya. Pinulot ko naman agad at ganun din sya kaya imbes na ballpen niya ang mahawakan ko, dumapo ang kamay ko sa kamay niya.Parang may kuryenteng bumalot sa buo kong katawan ng maglapat at mahawakan ko ang kamay niya. Grabeh !!! ang lambot ng kamay niya parang babae talaga. Nagkatitigan lang kami at pinapakiramdaman ang isa't isa. Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya ng magsalita sya.
"ah.. ahh..ehh..ku..an ahh.. yung kaa..mayy ko"-- nauutal niyang pagkasabi tapos biglang namula. ang cute niyang magblush ! Sarap pisilin ng mukha !
"Pasensya ka na, ang lambot kasi ng kamay mo . Ang sarap hawakan"-- sabay pinakawalan ang kamay niya. Mas lalo pa siyang namula sa sinabi ko.
"Ssaallaamatt ^-^.." -- siya , bakit parang nawala ang pagkamataray ng isang 'to hmmpp..
"Sorry nga pala nung mga nakaraang araw. Medyo naging presko yata ako sa mga nasabi ko."-- ako
"ah.. ok lang, dapat ako nga ang humingi ng sorry kasi nasungitan kita imbes na magpasalamat."-- siya habang nakayuko.
"H'wag mo nang alalahanin yun. It was past already. By the way, hindi ko pa tayo nagkakilala ng pormal simula nung nagkabanggaan tayo? I think this is the right time to get to know with each other?"-- ako
"Kim...... Kim Justin Dela Rosa nga pala". pagpapakilala niya
"Shawn Rave De Silva.. ... Shawn for short" sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Inabot din niya ang kamay ko bilang pakikipagkilala ng pormal.
"It's nice to finally know you Kim"-- ako
"Your welcome.. Me too Shawn"-- siya
" so friends?!" -- ako
"ahhh sure friends ! ^-^ " -- siya
At katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa . Totoo ba itong nangyayari ngayon? Bakit ako nakikipagkilala sa isang gay? Anong ibig sabihin nito? Di naman ako interesado sa mga katulad niya pero bakit may isang parte ng puso ko ang natutuwa? Bahala na ... ang importante nakilala ko na rin siya.
-----> "CLASS DISMISS ! see you next meeting.. And don't forget to answer your assignment" -- paalam ng aming instructor for the last period.
" Ahh Kim ...Uuwi ka na ba agad?" tanong ko sa kanya
"Yup ! why ??" -- balik tanong niya
" Pwedi bang magpasama sa'yo puntang mall? Wala pa kasi ako masyadong alam na lugar dito. Kung ok lang sa'yo?" -- nahihiya kong sabi
" Tayong dalawa lang? Pwedi bang isama ko si Maggie?" tinutukoy niya yung kaibigan niya na classmate ko din. Saan kaya 'yon? Nauna na yatang lumabas ng classroom.
"Bakit ayaw mo bang tayo lang?"-- tanong ko na may halong kapilyuhan.
Hayan na naman siya at nagmukhang kamatis sa pula ang mukha...
"huh? ahh .. hindi naman sa ganun hambog...ah este Shawn. Parang awkward kasing tingnan na tayo lang. Mukha tayong nagdedate nyan ehh" -- reklamo niya
"ehh di sabihin nalang natin na may kadate ka .,. ahmmp actually DATE NATING DALAWA ! " -- umandar na naman ang pagkapilyo ko.hehe
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Mukhang napapaisip pa talaga siya kung ano dapat ang maging sagot. Biglang nagring ang phone niya at humingi ng paumanhin na sagutin muna ang tawag.
"Excuse me for a while, i have to answer this call muna"-- siya, nagnod lang ako bilang pagpayag... matapos nilang mag-usap ng taong tumawag sa kanya sa phone. Bumalik na agad siya sa kinaroroonan ko.
"Si Maggie pala ang tumawag. Humingi lang ng pasensya sa pang-iiwan niya saakin kanina kasi may inportanteng inasikaso. Ewan ko ba sa babaeng yun at ang daming ginagawa."-- pagpapaliwanag niya. Bakit naman kaya nagpapaliwanag 'to sa akin.
"So ano na? Sasamahan mo ba ako?" -- pangungulit ko.
"As if naman na may choice ako"-- pagtataray niya. Naging komportable na yata sa kanya ang sitwasyon kaya bumalik na ang dating katarayan nito.
" Let's go ! Excited na ako sa kung anong meron dito sa probinsya ninyo ! " -- masaya kong tugon sa kanya.
Pumara na kami ng tricycle na papuntang mall. Pagkarating namin doon ay dinala ko agad siya sa may foodcourt para makakain.Pagkatapos gumala lang kami ng gumala. Sobrang naenjoy ko ang paglalakad mula sa mall papuntang sakayan ng jeep kung saan ko ihahatid si Kim. Medyo madilim na din ang paligid ng magdesisyon kaming umuwi.Ang saya saya ng araw ko ngayon !!!
BINABASA MO ANG
ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3
RomanceHow long you will chase for love? If loving him is just a risk for you. Will you still chase his heart 'til you've found true love? or letting him breaks you into pieces apart?