The Plan

11 0 0
                                    

Kim's POV


Nang makarating na ako sa room ay agad akong umupo sa tabi ni Maggie.

"uy magz , alam mo ba na may chika-chika akong narinig sa mga bubuyog sa labas habang patungo ako dito?" -- ako, sabay tapik sa kanya. May sinusulat kasi siya notebook niya. Mukhang mga utang siguro na kailangan niyang singilin. Hehehe.

"Kanina ka pa ba dyan Kimz?" --tanong niya,nakasanayan na rin siguro niya na tawagin ako sa ganyang palayaw. Kaya ako rin napapagaya sa kanya. 

"Hindi naman.. Kararating ko lang actually. Ano ba yang sinusulat mo dyan at parang napakaseryuso naman yata ng mukha mo? Siguro listahan ng mga nakautang sa'yo noh?" -- tanong ko na may halong pagbibiro.

"No Kimz , this is not about utang noh ! May sinubukan lang akong iFLAMES baka alam mo na?Baka para kami sa isa't isa .. ehhhhhhh.."  at talagang kinilig siya sa mga pinaggagawa niya.

Seriously??? Naniniwala ang bruhang 'to sa FLAMES?

"Sino ba yang kaFLAMES mo aberr??"--ako

"Naku girl Kimz, basta 'wag mong ipagsasabi kahit kanino ah? Promise?"-- paninigurado niya

"walang makakaalam magz ..promise" ako, sabay pinky swear.

" Si Mark Barquezta... Yung isa sa mga kaibigan ni Shawn. Ang gwapo at ang hot niya girl sobra.Kaya ehhhh .." ayan na naman siya sa pagiging OA kung makatili.

" Ang OA mo na girl ha... baka naman sa huli aasa ka lang dyan. Naku magz 'wag masyadong magtiwala sa mga kagwapuhan nila. Alam mo naman ngayon maraming manloloko." --:( ako, nakasad face habang sinasabi ito sa kanya.

"Alam mo ang nega mo talaga Kimz.. Malay natin , kami pala talaga ang para sa isa't isa. Dapat ganun ka din Kimz, sayang ang ganda mong yan kung hindi ka rin naman mapupunta sa gwapo noh? Wala namang mawawala sa atin kung susubukan diba? -- sambit niya.

"tsehhh ,. hindi naman ako nagmamadali noh. tsaka darating din ang araw na magmamahal ako noh. At dun sa taong hindi ako kayang saktan at lokohin." -- pagpapahayag ko

" Naks naman Kimz ! Parang may pinagdadaanan ah? Teka ano nga pala yung chika-chika na narinig mo kanina?"-- siya

"Narinig ko lang kasi na may nililigawan daw si Shawn ngayon , at taga-education department daw ang girl, nacurious naman ako kung sino. Sabi kasi ng mga chismosa na maganda daw si girl" -- paglalahad ko sa kanya.

"Ohh ba't parang naging interesado ka kay Shawn? Siguro type mo siya noh?"-- si Maggie

"Hindi noh ! ano ka ba ? Kaibigan ko lang yun.. Nakucurious lang ako kung sino ang girl na lihim na nililigawan ni Shawn"-- sagot ko.

"  todo deny ka pa talaga Kimz ha.. Anong ibig sabihin ng pamumula ng pisngi mo girl ? Kaw Kimz ha may nililihim ka na sa akin. Ano ba talaga meron ka para kay Shawn?. Sa bagay, magka'match kayo ni Shawn pag nagkataon" -- pangungulit niya.

" Ewan ko sayo bruha ka .. sinabing hindi ko siya type tapos ! " --ako , may halong pagkainis na pagkasabi.

" sabi mo ehh.. hindi na kung hindi ..pero ito lang girl huh, nandito lang kami para sumuporta sa'yo. Kapag ready ka ng magsabi, tawagan mo lang ako ok?" -- siya

" wala akong alam sa mga pinagsasabi mo Magz.. Kung gusto mo ikaw na maunang maglablyfff!!" --sagot ko sa kanya.

Baliw na ba itong si Maggie, ang hirap makaintindi. Sinabi na ngang hindi ko type si Shawn, pinagpipilitan pa talaga. Pero bakit nga ba gusto kong malaman kung sino ang nililigawan ni Shawn. Ano naman ang gagawin ko kung totoong may nililigawan siya? Hayyyyssssttt .. naguguluhan na naman ang isip ko. Bakit nga ba? 

Di kaya tama si Maggie na type ko si Shawn ? Hmmpp.. may munting bahagi ng isipan ko na gusto kong patunayan. Kailangan ko lang siguro alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Shawn.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng magsalita si Maggie. 

"Kimz ! anong nangyari sa'yo ? Ba't tulaleyy ka ?"--si Maggie

"ahh .. may sinasabi ka?" --ako, hindi ko alam na nakatulala na pala ako kanina habang iniisip ang gumugulo sa isipan ko.

" Wala .. so ano na ang plano mo girl baka may maitulong ako?"-- siya

" Sa ngayon, dapat malaman muna natin kung sino ang mysterious girl na nililigawan ni Shawn" -- ako

" Paano? Don't tell me, we will stalk him?" -- siya

" you got it right girl ! pero we need to be extra careful baka mahalata niya ang plano natin"-- ako

" we can use our connections girl.. alam mo naman na mga reyna tayo dito" -- sabay nakipag-apir sa akin.

" sa bagay tama ka dyan.. mas mapapadali ang lahat if we used our connections.. hmmm and meron pa pala akong concern girl.."-- ako

"ano na naman yan girl?" --siya

" may hinala ako na si Shawn ang unknown texter ko " --ako

" ayyy thrill yan girl !! para tayong mga detectives nito looking for the best evidence for a certain crime" -- siya , crime talaga ang tawag dito. Well, sana may mapatunayan ako dito.

" excited na tuloy ako Magz ! Kim possible is on the mission ! hehehe" -- ako, nangisi lang ako kay Maggie.

Maggie's POV

Nakakaexcite lang ang mga gagawin namin ni Kim. Simula pa lang, alam ko na may pagtingin na siya kay Shawn pero todo deny parin ang bruha.

Anyways, ako nga pala si Maggie Castro, ang BFF ni Kim. Masungit at malditang bakla talaga yang si Kim pero labs na labs ko yan. Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan kami basta malaki ang pasasalamat ko na siya ang naging bestfriend ko..

Matinik din itong si Kim lalo na sa pag-ibig.Kaya NBSB talaga siya until now. Aaminin ko minsan naiinsecure ako sa kanya. Kasi naman mas maganda pa siya sa akin choosss lang !

I mean , yeahhh maganda si Kim sayang nga lang at naging lalaki pa. Nakakatomboy ang ganda ng bestfriend ko. Tapos effortless ang beauty niya mga girls .. simple yet bonggaseoussssss !!!!

Basta malalaman niyo nalang sa susunod na mga kabanata kung anong meron siya na wala sa inyo. joke !! Ang importante ngayon, masaya ako .. oo mga ateng masaya ako sa bestfriend ko...

Finally may nakapagpabago na rin sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. I don't want to presume but i have seen it in his eyes.. her rather ..hehehe ginawa ko na talagang babae si Kim.

At si Shawn ang taong babago nun.. Ehhhh kaya excited na talaga akong maging secret detective. aye ! aye ! aye ! .. 

Matapos namin magplano para ibisto ang unknown texter ni Kim at malaman ang mysterious girl ni Shawn ay pumunta na kami sa canteen dahil hindi naman pumasok ang professor namin kanina. Sarap gumala o kaya magboys hunting..

Abangan .....

A/N : [ Namiss ko ang story ko hehehe.. ngayon lang talaga nakapag-update. Don't forget to hit the vote and comment for inspiration. thanks ^-^ ]

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon