The Mission-Investigation Begin (part 1)

16 1 0
                                    

Kim's POV

Matapos namin pag-usapan ni Maggie ang mga dapat gawin para mahuli ang unknown texter ko ay nagpasya na kaming pumunta sa canteen para makakain syempre.. 

Kailangan talagang paghandaan ang mga plano namin noh? Parang mga totoo detective or secret agent lang hahaha .. Ano naman kaya ang posibleng isampa na kaso kung mahuli namin ang unknown texter ko? hmm.

..pwede na kaya yung nasa Article 8 which states The Right to Respect for Private and Family Life? Dahil sa masyado niyang ginambala ang natutulog kong puso este ang nanahimik kung mundo .. ggrrr... kainis na talaga siya, kasi naman nakakainlababoo ang mga messages niya ...

Oppss.. dapat mag-isip na rin ako ng dapat ikaso sa babaeng pinagpalit sa akin ni Shawn .. Ang tindi na yata ng topak ko sa ulo kung makapag-assume.. Parang kami lang.. duhhh..

Ano kaya ang nararapat ..hmmm

Alam ko na ...

Invasion of Private Property? haha ..Ano naman ang kinuha sa akin? ..

wala trip ko lang .. pero ako yung nauna kay Shawn noh? assumera na talaga ako mga girlaloos haha.. kukunin ko kung ano ang dapat sa akin. AJA Kim ! at napangiti na lang ako sa mga kakulutan ng isip ko.

"Ayyy , malala ka na girl siguro kailangan ka na namin dalhin sa mental hospital ng maagapan..." -- pagpukaw pansin na sabi ni Maggie.

"Bakit parang ang saya mo ngayon girl? May jowabells kana no?" --  sabat ni Steph

"Bakla ka hindi mo man lang  kami ininform na may fafah kana !! .. ang daya mo talaga !! "-- pagmamaktol ni Ammy.

"Pakilala mo naman kami sa kanya girl.. Gwapo ba yan? kasing hot ba yan ni Shawn?" -- dagdag ni Chariz

Hala anong mga pinagsasabi ng mga bruhang 'to . Bawal na ba ngumiti? sabihin niyo nga sa'kin? Sino ang nagbigay ng batas na yan at ng makutusan ko..

" ehh.. kung pagsasampalin ko kaya kayo nitong purse ko ng matanggal yang kahibangan niyo. Nakangiti lang may jowabells agad??!! Di ba pwedeng may iniisip lang na nakakatuwa? Tsaka, Maria Clara inspired kaya ako nuh .. kaloka kayo ! " -- ako, marahil may tama sila pero hindi pa naman sure ehhh .. kailangan pang maimbestigahan..

" Huh? tulad ng ano?"-- pagtatakang tanong ni Chariz

"katulad nitong coin purse ko" sabay pakita sa kanila. Nasa mukha parin ang pagtataka.

" Anong konek ? Nakakatawa ba yan? Loka ka na nga girl !" -- si Ammy

"Sabagay, tulad kayo ng coin purse ko .. walang LAMAN kundi kalandian ! haha " -- pinagdiinan ko talaga ang LAMAN tapos humagalpak ako ng tawa samantalang hindi ko maintindihan ang mga expression ng kanilang mga mukha sa sinabi ko.

"Hahahahaha .. tumawa na tayo hahahah..nakakatawa di ba? Hanep ka talaga girl kung makapagjoke !!!"-- sarkastikong panggagaya ni Steph ng tawa.

Tawanan at chikahan ng bongga lang kami ng mga bruha tapos nang magsawa na ay nagyaya si Maggie na pumuntang Gaisano Mall kasi wala naman daw kaming ginagawa at mga assignments sa araw na ito.

Umarkila lang kami ng tricycle para mas madali ang pagpunta sa mall at ilang minuto lang ay narating na namin ang Gaisano. Normal lang ang laki nito hindi gaya ng nasa Manila at ibang lugar saPilipinas pero gayunpaman meron naman mapaglilibangan.

Paakyat na kami sa 3rd floor gamit ang escalator ng may nasibat akong pamilyar sa mga mata ko. Nakatalikod siya at may suot na pulo shirt na stripes  na pinarisan ng LEE jeans na faded black at topsider blue shoes.

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon