The Mission-Investigation Begin (part 2)

19 0 0
                                    

Maggie's POV

Sobrang naenjoy ko naman ang paggala namin ni Kim. Mukhang may kakaiba sa kanya nung nakasama na namin si Shawn sa Mall. Haystt lumalandi na talaga ang kaibigan ko. Sana maging matatag siya kung saka sakaling magkasundo ang mga puso nila ni Shawn. Ako kaya? kailan ako makakahanap ng tulad ni Shawn? (mangarap ka ng gising ! singit ng isipan ko.. napaka"kj" talaga ng isip ko. Pero seryoso kailan kaya ako mapapansin ng taong mahal ko.. Lord please ibigay mo na sa akin yung taong yun. Teka lang muna mukhang napapasarap ako sa POV ko ahh. Lubos lubusin ko na hehehe.. 

Pagkauwi ko sa bahay, tinawagan ko agad si Steph para makibalita sa mga connections namin. Sikretong malupit lang ito ha, sinabi ko kasi sa kanila ang bumabagabag sa kay Kim dahil alam kong mas mapapadali ang paglutas ng problema kung buo kami at sama-sama.. i thank you  .. hahaha.. Yun nga alam na ng mga kaibigan namin ni Kim ang tungkol sa unknown texter niya at willing naman silang tumulong mag-imbestiga. Bahala na si Kim kung ano ang iisipin niya. Basta lahat ng ito ay para sa kanyang future fafa. hehe

MaggieLicious Convo with Steph

MaggieLicious: hello girl? may balita ka na bang nasagap sa mga connections natin?

Steph: Ang sabi sa'kin wala namang kinakasama si Shawn na babae maliban na lang sa mga  babaeng nagpapapansin sa kanya sa university. Parati daw niyang kasama ang kanyang mga kaibigan sa paglalaro ng basketball.

MaggieLicious: Mukhang magaling talagang magtago ang isang 'yan. 

Steph: di kaya'y nagkamali lang tayo ng hinala na si Shawn ang unknown texter ni Kim?

MaggieLicious: Malakas ang kutob ko na si Shawn ang unknown texter ni Kim. Tsaka , kung hindi man siya , eh sino? 

Steph: You know what girl? we don't have enough evidence to prove that Shawn is guilty for this issue. For what reason that he has to do this foolishness to Kim? We all know that both of them are in good side now.

MaggieLicious: Ehhh ang sabihin mo insecure ka teh kasi wala pang nagkakamaling makipagtextmate sayo.

Steph: FYI girL ..finding relationship through texting is not my top priority. I just don't want to jump into conclusions with a wrong basis. Kung makatawag ka ng insecurity feeling mo may jowa ka.

MaggieLicious: Hindi finding a relationship ang pinag-uusapan natin dito girl. At lalong hindi mga love story natin. So ano na? may plan B ba tayo?

Steph: Let's not talk about it over the  phone. Umiinit na ang tenga ko noh !

MaggieLicious: ang arte nito .. bukas na lang natin pag-usapan ang mga susunod na plano. 

Steph: ok bye ..

sabay end ng call .. Aba hindi man lang ako pinagsalita ng baklang yun. Humanda siya sa akin bukas. hmmmmm.. I decided to take a shower bago matulog. Takot ko lang pumangit kinabukasan hahaha.. Matapos makapagshower ay nanuod muna ako ng tv para dalawin ng antok. Wala namang magandang palabas kaya hindi nagtagal ay pumanhik na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Maya-maya'y nakatulog na ako...zzz

***********************************************************************************************************************************************************************************************************************

Kim's POV

Nagtext sa akin si unknown texter, gusto niya daw makipagkita sa may likod ng University. Kaya pinuntahan ko ang lugar kung saan kami magtatagpo. Malapit na ako sa may dulo ng University kung saan ang kabilang parte nito ay may mga bahay-kubong pahingahan ng mga studyante sakaling wala silang ginagawa o nag-aabang ng klase. Sa bandang likod nito ay may halamanang bulaklak na nakapaligid sa isang malaking puno. May mga bulaklak sa bawat hugis na nagsisilbing upuan. Kinakabahan man na magpatuloy ay pinili ko paring ihakbang ang mga paa ko patungo sa taong minsan ko ng hinangaan kahit sa text lang. May kunting sabik sa puso ko na makilala kung sino man ang nasa likod ng misteryusong textmate ko.

Parang nagkakarerahan sa bilis ang tibok ng puso ko habang papalapit na papalapit ako sa tagpuan. Matagal ko ng hinintay itong pagkakataong ito para matapos na ang lahat ng duda sa sarili ko. 

Napabuntong hininga ako ng matanaw ko ang isang lalaki na nakatalikod. May suot itong hoody gray sleeve at fitted black jeans katerno nito ang vans shoes na suot niya. Pinagmasdan kong mabuti ang tindig ng lalaki. Mukhang hindi siya taga-University. Sa tantsa ko, mukhang mayaman at mas matanda ng dalawa o tatlong taon sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa kanya na nandito na ako sa likod niya, kaya tumikhim na lang ako.

Unti-unti siyang lumingon. Parang slow motion ang lahat hindi ko namalayan na nagkatitigan na pala kami. Bigla akong nahipnotismo sa mga titig niya. Siya ba talaga ang unknown texter ko? Bakit parang anghel ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Gusto kong magsalita pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nilamon na ako ng sobrang paghanga sa kanya.Ok na sana ang lahat ng bigla na lang nagdilim ang paligid tapos nabiak ang lupa sa pagitan namin. Hindi parin ako makagalaw. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

"Kim humawak ka sa kamay ko !!!" sigaw ng mala-anghel kong textmate.

saka lang ako bumalik sa wisyo ng maramdaman ko na gumuguho na ang lupang inaapakan ko. Pilit kong inabot ang kamay ng anghel ko pero napadausdos ako sa lupang gumuho.

"ahhhhh!!!! ..sigaw ko muntik na talaga akong mahulog mabuti nalang at may ugat akong nakapitan. Please tulungan mo ako ! ayoko pang mamatay .." nanginginig kong paghingi ng tulong.

" wag kang bibitaw !" sabi niya habang pilit na inaabot ang kamay ko pero bago pa niya ito maabot ay tuluyan ng nabuwal ang ugat na kinakapitan ko.

"K-kkiiiiiiiiiiiMmmmmmmmmmmmmmm !!!!!!!!!!!!!!! "  ang sigaw na umalingawngaw bago ako lamunin ng kadiliman sa ilalim ng lupa.

 "NOOOOOOOOoooooooooooooooooo !!!!!!!!!!!!!!!! " 








" bOoooGggggsssssssssssssssss !!! " ... aray ko... ang daing ko ng bumagsak ang balakang ko sa sahig.

Habol ko parin ang hininga habang hinihimas ang parte ng balakang ko na masakit. Wohhh kala ko totoo na ang lahat ng yun. Kinilabutan ako ng sobra. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Buti na lang at hindi maririnig sa labas ang pagkalampag ko sa sahig. Baka ano pa ang isipin ni Mama kung nagkataon.

Tiningnan ko ang orasan malapit sa kama ko. It's 4:30 in the morning pa pala. Mahirap na akong makatulog ulit lalo na at bumabalik sa isip ko ang nangyari sa panaginip ko. Ang mabuti pa ay maligo na lang ako at maghanda sa pagpasok. Sinubukan ko pa ring tumayo at tumungo sa bathroom kahit na masakit ang balakang ko.

A/N: [ Finally nakapag-update narin ako.. thanks to Ms. C dahil sa pangungulit niya na mag-update .. kaya heto na .. pasensya po talaga kung di ako makapag-update regularly .. medyo career focused muna ako ngayon :) . Hope you like it ]


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon