Is This Really Happening??

16 1 0
                                    

[ Loving is not just looking at each other, it's looking in the same direction-- Antoine de Saint -Exupery]

Kim's POV

Kanina pa ako gising ngunit nanatili parin akong nakahiga sa kama ko. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga pangyayari kahapon na nagpagulo sa sistema ko. Ginawa ko ng magpagulong gulong sa kama, makinig ng music, manood ng movie sa laptop at pilit na ipinipikit ang mga mata para lang makatulog pero bigo parin ako. Ano ba kasing nakain ng hambog na yun at bigla bigla na lang bumait sa akin. Ako naman 'tong butihing dyosa na sobrang lambot ng puso , ang inyong lingkod ay nadala sa ipinapakita sa kanya ng gwapong hambog. "Did i say gwapo???" Ohh may gulay !! Masyadong na yatang naapektuhan ng maitim niyang gayuma ang utak ko.. eeehhhhh pero kinilig talaga ng bongga ang dyosa nyo mga dai !! hannglannde ko lang teh !! ... Hindi parin ako makaget over  hanggang ngayon noh !!

FLASHBACK ...

Katabi ko ngayon si hambog sa subject na Psychology. Ayaw ko talagang makita at makatabi ang kumag na 'to. 'Pag ganitong subject talaga ang sarap mag cutting class .. joke lang ! Patay ako sa mga magulang ko kung magkataon na malaman nila. Dahil sa good girl ako, kaya tiis tiis din pag may time :)...

Nagsimula ng magdiscuss si Sir Rafael habang ako ay tutok na tutok sa kanya. Ang hot talaga ni sir ! eehhh.. Pinagpapantasyahan ko nga siya minsan bago ........................................................................... ahhhh syempre bago matulog. Baka ano na naman ang isipin ng mumunting kukute niyo dyan. Mabait po ito praamiiss ! .. 

Sa kahabaan ng pagpapantasya ko, parang may mga matang nakatingin sa akin. Nasisense ng gaydar ko na parang meron talaga kaya pasimple kong hinanap ang mga matang yon. Look to the left -- wala .. Look to the right at wahhhhh ....                nakatingin siya sa'kin?? 

"--------->    (>_>) " -- siya

" (<_<) "<--------  ako, eehhh bakit siya nakatingin sa akin?

Maya-maya lang nahulog ang ballpen ko. Pinulot ko naman agad at ganun din sya kaya imbes na ballpen ko ang mahawakan niya, kamay ko ang nahawakan niya... OHhhh may gasshhhh ba't parang nagkarerahan sa bilis ng pintig ang puso ko? Ang init ng kamay nya, pakiramdam ko may libu-libong boltahe ang dumadaloy sa katawan ko ngayon. Ano ba ang nangyayari?  Nagkatitigan lang kami at  pinapakiramdaman ang isa't isa.  Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Hinihintay lang namin kung sino ang maunang magsalita. Binasag ko na rin ang tensyon sa huli.

"ah.. ahh..ehh..ku..an ahh.. yung kaa..mayy ko"-- lintik na dila 'to ba't nauutal akong magsalita. Ang init pa ng mukha ko.. 

"Pasensya ka na, ang lambot kasi ng kamay mo . Ang sarap hawakan"-- sabay pinakawalan ang kamay ko at parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha pagkasabi niya.

"Ssaallaamatt ^-^.." -- nahihiya kong sabi.

"Sorry nga pala nung mga nakaraang araw. Medyo naging presko yata ako sa mga nasabi ko."-- siya

"ah.. ok lang, dapat ako nga ang humingi ng sorry kasi nasungitan kita imbes na magpasalamat."-- ako habang nakayuko, tinatago ko ang namumulang mukha ko. Bakit ba kasi namumula ako? ano bang meron ang taong 'to?

"H'wag mo nang alalahanin yun. It was past already. By the way, hindi ko pa tayo nagkakilala ng pormal simula nung nagkabanggaan tayo? I think this is the right time to get to know with each other?"-- siya

"Kim...... Kim Dela Rosa nga pala". pagpapakilala ko

"Shawn Rave De Silva.. ... Shawn for short" sabay lahad ng kamay niya sa'kin. Inabot  ko din ang kamay niya bilang pakikipagkilala ng pormal.

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon