Doubts

8 1 0
                                    


[ Doubt has killed more dreams than failure ever will ]

Shawn's POV

Ang saya-saya ko lang ngayon. Katext ko kasi kanina ang taong nagpapatibok ng puso ko. Hayyyy.. sarap ng piling.. parang nasa cloud 9 ako mga preng ! Matagal tagal na rin akong palihim na tumitingin sa kanya sa malayo. Hindi ko naman siya malapitan kahit na classmates kami sa ibang subjects.

Hindi sa naduduwag ako pero nauunahan ako ng hiya.( so ano tawag mo dyan? Afraid ?- si author) Author naman ! POV ko 'to di ba? Kaya manahimik ka muna dyan pwede?! ..

Ewan ko anong nangyayari sa sarili ko. Malakas naman talaga ako sa mga babae't binabae pero naiiba siya sa lahat. Yun bang natutunaw ka ng paunti-unti kapag nagkatitigan kayo ?! Ganun yung feeling mga pre ! 

Mabuti na lang at may silbi pa rin ang utak ko. Kaya ayun pasimple kong kinuha ang number niya sa guidance office. Kung paano ko nakuha? Wag na lang kayo magtanong ! 

After ko makuha ang number, tinext ko agad siya. Matagal siya bago nakapagreply. Akala ko nga  hindi niya papansinin ang text ko pero laking tuwa ko ng magbeep ang phone ko at pangalan niya ang rumehistro sa inbox. 

Simula nun naging madalas na ang pagtetext namin sa isa't isa. Pero hindi parin ako nagpapakilala kung sino talaga ako. Para naman may thrill. Hehe. Minsan nangungulit siya kung sino daw ako ngunit iniiba ko ang usapan. Kapag handa na siguro akong humarap sa kanya tsaka pa ako magpapakita at magpakilala ng personal.

Sana nga siya na ang magiging kapares ng puso ko. Nakikita ko na ako ang itinadhana para sa kanya. Lakas makahula noh ?!  Lahat gagawin ko para maipakitang mahal na mahal ko siya. Na siya lang ang aking mundo at buhay ko. 

Araw-araw kong ipaparamdam sa kanya ang ligaya ng tunay na pag-ibig. Ipagtatanggol ko siya sa sinumang umapi sa kanya at higit sa lahat hinding hindi ko siya sasaktan. 

"May ganun? Ba't madaming butterfLIES sa paligid??" si author umepal na naman. Uuyy author matapat kaya ang gwapitong ito ! Palibhasa wala kang alam ! So ganurn wala pala akong alam huh? Gusto mo isulat ko pa dito sa simula'hanggang sa magiging katapusan mo dito sa storya? Hehe author naman .. nagbibiro lang naman poo akkooo..  

tsehh ! Wag kang umasa na magkakatuluyan kayo ng mahal mo ! 


Wala namang ganyanan author ! Di ba may gusto ka sa akin? Alabyuuuh na !

Allaabbyuuuhiin mo mukha mo ! Letche ka ! Bumalik ka na nga sa POV mo kung gusto mo pa mabuhay dito !


Grabe naman si author, siya na nga itong sumingit ng walang paalam siya pa ang galit. Hayyyy ... Saan na ba tayo? hHmmmpp.. Nawala tuloy ako sa konsentrasyon. Dahil 'to kay author ehhh..  Ahhh.. Ano nga ba yon? Basta kapag naging KAMI, siya na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Napapangiti na lang ako sa mga pinag-iisip ko.

Kim's POV

Katatapos lang namin magshort quiz sa Earth Science 101. Mabuti na lang talaga at nakapag-aral ako kagabi kahit na muntikan na matusok ng ballpen ang beautiful eyes ko sa sobrang antok. Dahil kung hindi, mangangamote ako na ako sa makatanggal dandruff na quiz ni Sir !

Imagine? Short quiz daw, ehh parang nagtake na ako ng Board Exam sa sobrang haba ng pinasasagutan sa amin. Ang sakit kaya sa likod. Yung ibang classmates ko na sobrang ganda/gwapo ng mga buhok sa umaga, ayun paglabas naging panot na ! Nalagas yata mga buhok sa pag-iisip ng sagot.

Tandaan niyo QUIZ pa lang yan ! Kakaloka na ! Ano pa kaya kung exam? Baka magmukha na talaga kaming mga sugo ni zombading na nawalan ng pink blood. Eewwww ! ayaw ko mangyari yan noh ! 

ChAsiNg tHe Depths of yOur LoVe <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon