Chapter 3: Pinky promise

155 15 0
                                    

"Par, sino ba ang hinihintay natin dito? Si Fatima ba o yung nililigawan mo?"

"Oo nga naman Eros. HAHA. Sino nga ba hinihintay natin?" Napakagulo naman nitong si Theo at Samuel. Kanina pa tanong ng tanong.

"Pwede ba guys, huwag kayo magulo at baka dumaan na si Fatima ng di natin namamalayan"
"Ayuuuuuun. Si Fatima pala talaga ang hinihintay. Eros, baka nakakalimutan mo. Sila na ULIT---"
"Oo alam ko yan Theo. Wag mo na ulitin ulitin, okay? Gusto ko lang s'ya makausap."

May gusto lang naman akong malaman. Wala naman siguro masama doon di'ba? Alam naman nila na may nililigawan na ako. Kaya siguro, wala namang mali kung kakausapin ko si Fatima.

"Eros, ayan na. Umayos ka na."

Tanaw ko na, papalapit na sa direksyon namin si Fatima kasama ang best friend nya. Malapit na sa'kin si Fatima nang biglang may nadapa sa harap ko. What the fvck--- Deborah?

"Miss, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong si Samuel. Tss. Hinawi ko kamay niya na nakahawak sa balikat ni Deborah at agad na tinulungang tumayo. Napaka lampa naman ng minion na 'to.

"Ano ka ba naman Minion. Magdahan-dahan ka naman sa susunod."

Nakayuko lang s'ya at nag vow. Napansin ko na nakatingin sa'min ang ibang mga estudyante pati na rin si Fatima na napatigil din sa kinatatayuan n'ya. Inakbayan ko si Minion--

"Tara na nga, hatid na kita papauwi. Bawal umangal, sabi ko naman sa'yo, manliligaw ako."

Tinignan n'ya na naman ako sa mata. Wth-- ano ba meron sa mga mata n'ya? Hindi ko talaga gets kung anong klase ng lungkot yun. Nag wave ako kila Samuel at Theo at parang na-gets naman nila agad kung ano ibig-sabihin ko.

Sinakay ko na si Minion sa car ko at kapansin-pansin ang kanyang pananahimik. Nakakapanibago, usually naman dinadadaan n'ya na ako. Kung anu-ano na ang sasabihin n'ya. Aawayin n'ya ako kasi inakbayan ko s'ya kanina. Problema ba ng babaeng to? She's indeed weird.

"Okay ka lang? What's wrong? Saan ba bahay n'yo? Ihahatid na kita. Bawal tumagi."

"Bakit mo pa ako ihahatid? Wala na naman si Fatima, hindi n'ya na naman makikita yang ginagawa mo kaya hindi na kailangan. Okay lang ako." Halatang halata naman na hindi s'ya okay e. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to, gusto ko lang manatili muna sa tabi n'ya.

"Hindi ka okay e. You can stay here in my car hanggang sa maging okay ka na. Pero ihahatid pa rin kita ha? Hindi bilang manliligaw mo. Gusto ko lang, wag ka na tumanggi. Hindi ako mapapanatag kapag hindi kita maihatid." Still, nakayuko lang s'ya. What's wrong ba kasi?

"Minion?"
"Bakit?"
"Ayaw mo ba sa kondisyon ko sa'yo? I mean, hindi ka ba comfortable or what? Sabihin mo lang." Hindi nagbabago ang reaction ng mukha n'ya. Aaaah~ she's now bothering me.

"Okay lang naman sakin yun. Wala namang problema. Di'ba sabi mo, go with the flow lang naman ako? Basic lang naman yun e. Basta, 'wag mo lang ilalabas yong confessions ko. Pwede mo ba ako idaan sa simbahan bago mo'ko iuwi sa bahay?" And now, she look at me.

"Sure. Tara." She smiled. A very very weak smile.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng simbahan at heto ako, panay lang ang tingin sakanya habang s'ya ay kanina pa nakatitig sa crusifics.

Lord, please do grant the prayer of this minion. I don't know what she's praying for but please grant it. I can feel it. She's praying sincerely. I'm starting to get interested to this Minion Deborah.

"Baka matunaw ako sa tingin mo tubol." At tumingin s'ya saakin. Oh my God. Kanina pa nga pala ako nakatingin sa kanya.

"Sa'kin ka ba nagdarasal o ako ang pinagdarasal mo? HAHA" I smiled. And now, she's hyper again. That's my Minion.

"Wala lang. Tinitignan lang kita habang nagdarasal. Parang sobra mo atang pli-nease si Papa God na i-grant yung prayer mo aah. Nakapa seryoso mo habang nagdarasal e. Pinagdasal mo ba na ligawan kita for real?"

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo, tubol ka. Pinagdasal ko nga na pansinin ka na ni Fatima para tantanan mo na ako. HAHAHA. Itatanong ko lang pala, di'ba may boyfriend na si Fatima, bakit mo pa ba 'to ginagawa?"

"At sino naman nagsabi sa'yo na ginagawa ko 'to para kay Fatima? Chamba ka. Ginagawa ko 'to para sa sarili ko." Lumapit sa'kin si Minion. At tumingin sa mga mata ko. Aaah nadidistract ako sa mga mata n'ya talaga.

"Mahal mo ba si Fatima? Sa tingin mo ba, mapapansin n'ya tong ginagawa mo? Sa tingin mo ba, alam kaya n'ya na para sakanya 'to? Bakit kasi 'di mo na lang s'ya deritsahin?" Nakuu. Pinagsisisihan ko na naging hyper na naman 'tong babaeng 'to. Pagkakadaldal e tuloy-tuloy na.

"Gusto mo ba na ipagkalat ko yung kumpisal mo ha? Bakit ba andami mong tanong na minion ka? Just do your part. Wala ng tanong tanong. Am I clear? Ngayon, let's go na at ihahatid na kita." Nag pout naman s'ya at agad ng tumayo. Bakit ba ang cute ng minion na'to? Nakuuu. Iuuwi ko 'to, pigilan nyo'ko.
---------

"Hanggang kailan?" On the way na kami sa bahay ng minion.

"Hanggang kailan, ano?"

"Hanggang kailan mo'ko liligawan? Hanggang kailan ako bago makakampante na ligtas na ako about sa confessions ko? Syempre dapat may hangganan din yun. Unfair naman kasi sa side ko, diba? Sayang oras ko." Ayan na naman s'ya sa sayang ang oras n'ya.

"Bakit ba parang napaka importante sa'yo ng mga oras mo? Just give me 3 months para ligawan ka, okay na?"

"Tatlong buwan?" Nagbuntong-hinga s'ya matapos sabihin yun.

"May boyfriend ka ba, o may nanliligaw na ba sa'yo? You seem so very bother."

"W-wala naman. O-okay lang naman. Basta, tatlong buwan lang ha? Mangako ka. By the end of December, finish na." Humarap s'ya saakin ng nakangiti at pinapakita ang hinliliit n'ya? What? So childish. She want us to do the pinky promise, seriously? HAHA.

"I promise." Sabay locked ng pinky finger ko sa pinky finger n'ya. She smiled so widely.

Nandito na daw kami sa bahay nila. Tumingin ako sa labas ng car ko at nakita ko na maganda pala bahay ng minion na 'to. Kakaiba yung style ng bahay nila. Lumabas ako ng car at nagmadali para pagbuksan sya sa kabila. Pagbaba n'ya ng car, bahagya na naman s'yang maa-out balance at nabitawan n'ya bag na dala n'ya pero nahawakan ko agad siya.

"Ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sa'yo? Kanina pa 'yan aah." Nag-aalala kong tanong sakanya.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Baliw ka HAHA. Baka antok lang 'to hehe. Sorry. Salamat sa paghatid. Mag-iingat ka pag-uwi." Ngumiti s'ya. And I knew it was a weak smile again. Pinupulot n'ya yong bag n'ya pero parang hindi n'ya ito makuha. Pinipilit n'ya itong damputin kahit hindi n'ya pa naman abot.

Inabot ko na yong bag n'ya at binigay sakanya. Nakayuko na naman s'ya habang papasok ng gate nila. May something talaga sa babaeng to. Bago n'ya pa man mabuksan  gate nila ay may nagbukas na dito na at lumabas ang isang lalaki.

"Oh anak, how's your day?" Tanong n'ya kay Deborah at agad s'ya kiniss sa noo.
"May kasama ka pala. Why don't you invite him for dinner? Nagluto ate mo." Ngumiti ako sa Dad ni Minion at nag-bless.

"Maraming salamat po pero hinatid ko lang po anak n'yo. Next time na lang po. Pauwi na din naman po ako e. Magandang gabi." Yung tingin na naman sa'kin ni Minion HAHAHAHA. "Ano-pinagsasabi-mong-next-time-look" HAHAHA. Asar na naman.

"Sayang naman hijo, ngayon lang nagdala ng kaklase si Shine dito. Osha sige. Mag-iingat ka."

"Hindi po ako kaklase ng anak n'yo hehe."

"Kaibigan ko po 'yan Dy. Opo. Kaibigan ko po. Tara na, pasok na po tayo. Nagugutom na po kasi ako." Kaibigan pala haaaaa. HAHA.

"Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? Mula noong tumuntong ka na ng College, hindi ka na nakipag socialize." Ha? Totoo ba 'yon? At ngayon lalo s'yang naging weird.

"Manliligaw." Saad ko habang nakangiti.
"Manliligaw po ako ni Min-- ay Shine po. Opo. Manliligaw po ako ni Shine."

And now, Deborah's face is unexplanable. HAHA

Someday, we will be a star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon