"Good morning, minion! Sunflowers for you." Bati ko kay Deborah. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila para sunduin s'ya.
"Ang hyper mo naman. Nalason ka ba?"
"Hoy, salbahe ka. Don't say bad words. Hindi ba puwedeng happy lang? Eto napaka kontrabida"
"Para kasing out of the universe ang hype mo eh. Kinakabahan naman ako sa'yo."
"Kaya ka kinakabahan kasi tumitibok ng mabilis ang puso mo. Ayieeeee. Napapalakas ko ang tibok ng puso n'ya." She rolled her eyes at pumasok na ng car. HAHA. Sarap talaga asarin ng babaeng 'to.
"Nga pala Minion, mamaya huwag mo na ako iiwan. Hintayin mo ako sa tapat ng classroom mo." On the way na kami papunta school. May naisip lang akong planong gawin para mamaya.
"Ang alam ko, wala kaming last subject mamaya. Pupunta akong library. May titignan lang ako." Aaay. Pa'no yun may last subject pa ako?
"Ganito na lang, ako na lang ang hintayin mo labas ng classroom namin mamaya." Malapad na ngiting tugon ko.
"No way! Bakit ko naman gagawin 'yon? Ako ba nanliligaw sa'yo ha? Kapal ng tubol na 'to." Nag pout ako sakanya.
"Sige na naman. Saglit lang naman 'yon. Dadaan ka namang library eh. Malapit lang naman room namin sa may library. May pupuntahan tayo mamaya. Sige na, minion" Nagpupuppy eyes pa ako potcha. Kabaklaan ng pinag-gagagawa ko.
"A-yo-ko. Bahala ka d'yan." Natatawa tawa n'yang tugon.
"Okay sige, ganito na lang. Jack 'em poy tayo. Kapag nanalo ako hihintayin mo'ko sa tapat ng classroom ng last subject namin, kapag nanalo ka, hintayin mo'ko sa library? Cool?" Sana gumana. HAHA
"Fine. Kulit naman kasi." Pagsasang-ayon n'ya na may kasamang irap. Tss
"Sige. Isahan lang to ha. Kapag panalo ako, panalo na ako. Kapag panalo ka, panalo ka na. Wala ng hihirit. Fair game lang tayo dito. Saglit, itatabi ko muna sasakyan."
Itinabi ko saglit yung kotse ko para lang makipag jack 'em poy sa minion na 'to. Natatawa na lang ako sa ginagawa namin pero gusto ko rin kasi na hintayin n'ya ako mamayang uwian. Yiiieee. HAHAHAHA. Ang bading ko shet.
"Eto na haaa~ Hindi ko 'to masyadong gagalingan. Kaya kalmahan mo lang Sean." Halaa~ Did she just call me Sean? Napatingin ako bigla sakanya at agad n'ya naman tinaas ang isa n'yang kilay.
"What?" Mataray na tanong n'ya. Ngumiti lang ako at umiling. Aaah~ she's making my name sounds so extra-ordinary. Feeling ko, no'ng s'ya yung tumawag sa'kin no'n, parang pang celebrity ang tunog ng pangalan ko. Yaaaaay! Bakit ba bading na bading ako ngayong araw? Tsk.
"Hoy bilis na. Ikaka-late natin 'tong jack 'em poy mo na 'to eh. Kaasar." Ngumiti ulit ako sakanya.
"Game."
"JACK 'EM POY" Sabay naming sabi.
"Alaaaaaa~ panalo ako HAHAHA. Pa'no ba 'yan Deborah? Hihintayin mo ako mamayang uwian sa tapat ng classroom namin" Nangiti-ngiting sabi ko with matching taas taas ng kilay. Yahoo!
"Dapat pala nag rock na lang ako. Hays. Bakit ba kasi papel yung pinanlaban ko? Okay, fine. Ikaw 'tong nanliligaw tapos ako 'yong mag-aantay." Pagngunguto n'ya HAHA. Walaaa~ 'pag talo, talo.
I was smiling the whole day. Ang tanging gusto ko na lang, ay ang enjoyin ang mga oras na makakasama ko pa si Deborah.
"Eros, si Shine ba 'yon?" Napatingin ako sa labas ng classroom ng makita si Minion na nakatayo sa labas. Nakita n'ya ako na napatingin sakanya kaya pasimple akong nag-wave. Ngumiti naman s'ya.
BINABASA MO ANG
Someday, we will be a star (COMPLETED)
Teen FictionKasing liwanag ng bukang-liwayway ang pagtatagpo ng landas nina Eros at Deborah. Nagsilbing sinag sa buhay ng isa't-isa. Sumilip man sandali ang ulan, patuloy silang magkasama. Paano nga ba haharapin ang gabi kung sa pagsapit ng dapit-hapon, ang is...