Chapter 19: But, I'll miss you

122 18 0
                                    

Since nag start na ang second semester ay gabi na lang ako nakakapunta kay Deborah. Kahit weekend kasi, may class din ako. Pero hindi lumilipas ang araw na hindi ko s'ya pinupuntahan sa kanila. At ngayon, heto ako at pinaghahanda s'ya ng dinner.

"Sean! Seaaaaaan!" Nagmadali akong lapitan s'ya sa higaan n'ya.

"W-why? Are you hurt? Saan banda?" Pag-aalala ko.

"I c-can't move. Sean, I can't move." Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba dapat kong gawin? Tinawag ko ang Dad at Ate n'ya. I also called Lia. What's going on?

Ilang minuto lang ay dumating ang personal doctor ni Minion kasama si Lia. Hindi ako mapakali. Deborah seems so very panic pero hindi n'ya pinapahalata saamin. Bakit hindi na s'ya makagalaw?

"Relax, Eros. It's okay. Hindi matutuwa si Shine na nagpapanic tayo sakanya." Pagpapakalma sa'kin ng Ate ni Deborah.

"Hintayin na lang natin si Doc at si Lia to inform us kung ano ba talaga nangyari, okay?" Hindi na talaga ako mapakali dito sa sala habang hinihintay namin na lumabas si Lia at ang personal doctor n'ya.

After an hour, lumabas na si Lia at 'yong doctor. "Doc, how's my daughter?" Pagsalubong ng Dad ni Deborah.

"She's fine. Epekto lamang ng sakit n'ya ang nangyari sakanya." She's getting worst. And I am so much worried. Lia, tap my shoulder to cheer me up.

Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Parang pinanghihinaan na ako. Panginoon, tulong po. Tulungan n'yo po akong maging mas matatag kasi kung ako lang, parang gusto ko na lang din mawalan ng pag-asa. Gusto ko pa rin maniwalang papakinggan mo ang mga panalangin ko pero sa mga nangyayari, aasa pa ba ako?

"Ano iniisip mo?" Nandito ulit kami sa terrace ng kanyang kwarto para sa mga stars pero ang kaibahan ngayon ay nasa higaan n'ya lang s'ya. Movable ang higaan n'ya at may mga something ng machine na nakakabit sakanya. Ano nga ba ang iniisip ko? Hindi ko alam kung pa'no sagutin ang tanong mo, Deborah. Hindi ko alam.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko na alam kung ano na ang tumatakbo sa isipan ko." Gusto ko i-cheer ang sarili ko. Ayoko magmukhang mahina sa harapan n'ya kahit hinang-hina na ako.

"Iba pa rin pala talaga kapag mismong nangyari na noh?" Ano na naman ba ibig mo sabihin? Tinignan ko lang s'ya na parang naghihintay sa mga susunod n'ya pang sasabihin.

"I mean, alam ko na mangyayari sa'kin 'to. Alam ko na sooner or later, mamanhid na talaga buong katawan ko hindi lang mga paa. Pero alam mo kanina Sean, hindi ko itatangging nagpanic ako. Parang bigla ako nakaramdam ng takot sa hindi ko maipaliwanag na dahilan."

"Lalo na ako." Mahinang sagot ko.

"Sean?"

"Hmm?"

"Magsalita ka lang." Ano daw?

"I just wanna hear your voice. Magsalita ka lang. Please?" Heto na naman s'ya sa pagiging weird n'ya.

"Wala akong baon na story ngayon eh. Gusto mo kantahan na lang kita?" Lakas naman ng loob ko, hindi naman kagandahan ang boses ko. Hehe.

"Yes please, gusto ko lang marinig ang boses mo." Is that a compliment or what? Naupo ako sa bandang uluhan n'ya at dahan-dahan na inangat ang ulo n'ya para ipatong sa lap ko. She just smiled. I started brushing her hair with my hand at nag umpisa na rin akong kumanta.

There goes my heart beatin'
Coz you are the reason
I'm losing my sleep, please come back now
There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathin', I'm hopeless now

I am really hopeless now. Hindi ko na alam kung saan ko pa huhukayin ang pag-asang makasama ka pa ng matagal. Gustong-gusto ko, pero hindi sa paraang ganito, na nahihirapan ka.

I climb every mountain, and swim every ocean
Just to be with you and fix what I've broken
Oh coz I need you to see
That you are reason

Kahit ilang matatarik pang bundok ang aking akyatin. Kahit gaano kalawak pang dagat ang aking tawirin. Hinding-hindi na kita kayang abutin bilang bituin. Kung kaya man kitang abutin, marahil abot na lamang ng aking tingin.

There goes my hand shakin' and you are the reason
My heart is bleeding I need you now
If I could turn back the clock
I make sure the light defeated the dark
Spend every hour of everyday keeping you safe

Marahil ngayon pa lang ay kailangan ko ng magreserba ng maraming dugo para isalin. Isalin saakin sakaling ako ay iyo ng lisanin. Sapagkat itong puso ay paniguradong hindi kakayanin. Magdurugo ng lubos na tila ba'y pwersahang wawasakin.

And I climb every mountain, and swim every ocean
Just to be with you and fix what I've broken
Oh coz I need you to see
That you are reason

Panginoon, bigyan n'yo naman po ako kahit kaunting pag-asa. Dahil kahit gaano pa kaunti yan, kakapitan ko talaga, alang-alang sa buhay na hinahangad ko para kay Deborah. Hindi ko po pagsasawaang ipanalangin 'yon sainyo.

"Sean?" Akala ko nakatulog na s'ya.

"Bakit? Sleep ka na." Minulat n'ya mga mata n'ya na ipinikit n'ya kanina habang kinakantahan ko s'ya.

"Ang ganda no'ng kanta. Napaka makahulugan para sa'kin."

"Siguro kasi sobrang nagmamahal 'yong composer kaya gano'n kinalabasan. Kasi gano'n naman talaga kapag nagmamahal tayo di'ba, we will climb every mountain, and we will swim every ocean just to be with them." Tapos tumingin ako sakanya habang s'ya ay nakatingala na naman sa mga bituin.

"I doubt that. Paano naman ang mga tulad kong hindi na kaya mag-climb at mag-swim? How can we prove our love then?" Ayan na naman s'ya sa mga deep words n'ya. Hays. Oo na, wala naman akong laban sa'yo.

"I don't know." Yan lang naman alam kong isagot.

"Can't you feel my love then?" I don't care about your love as of now. All I care is your existence. Mabuhay ka lang ng matagal, tsaka na natin buohin yang pagmamahal. Ngayon ay sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid.

"Sean?" No more hurtful words please.

"Hmm?"

"Thank you. I really mean it." She's thankful pero sumikip ang dibdib ko upon hearing it.

"For what?"

"For everything." Stop it. Hindi mo naman dapat ipagpasalamat 'yon.

"If you are really thankful then live long!"

"I wish, I could. Usually ang may mga sakit na Spinocerebellar Ataxia ay lumalala na at the age of fifteen. Kasi inborn na 'tong sakit na 'to eh. Kaya I was expecting before na hanggang fifteen years old lang ang aabutan ko but luckily, I'm twenty. I am always praying to Papa God na sana bigyan n'ya pa ako marami pang taon para mabuhay. Inisip ko noon na siguro, naging good girl ako kaya binibigyan pa ako ni Papa God ng blessings to live. Kaya mula rin noon I started praying na sana maging strong ako at 'yong mga taong maiiwan ko. Maging strong to face whatever happens. And when I leave, ipagkaloob agad ni Papa God 'yong acceptance. May bunos na akong five years ooh. Napaka swerte ko, di'ba? Tapos biglang naisip ko, siguro talaga kaya hindi pa ako kinukuha ni Papa God kasi makikilala pa talaga kita. We really meant to meet each other. Ngayon alam ko na kung para saan 'yong bunos kong five years. Para pala 'yon sa'yo. Kasi makikilala kita."

I said, no more hurtful words. Ayan ka na naman. Masakit. Sana alam mo na hindi ko nakakasanayang marinig sa'yo palagi na mang-iiwan ka rin. Halos araw-araw na ngang sinasabi mo pero hindi ko pa rin talaga nakakasanayan ito. So please, tama na Deborah.

"Can you ask Papa God for more? You see, pinapakinggan ka n'ya." Umiling lang s'ya.

"Sean tanggap ko na, matagal na. At ngayon ramdam ko ang mabilisang epekto ng sakit ko. I am ready. I am always ready. Just fulfill your promise that you'll be happy."

"But, I'll miss you." Mahinang tugon ko.

"Just miss me, until you don't anymore."

That's impossible.

Someday, we will be a star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon