"Tara pasok na tayo, daliiiii" Pagyayaya ni Deborah. Halatang halata na excited s'ya.
"Saglit, picture muna tayo. Halika, pagkabilang ko ng tatlo sigaw tayo ng shanshayn~" Tinignan n'ya ako na parang nagtataka s'ya sa pinapagawa ko HAHA.
"Oh bakit? Pangalan natin yun. Dali na. Mabilis lang naman 'to." Lumapit ako sakanya at bahagyang bumaba. Ang liit ba naman ng minion ng 'to.
"Okay. One, two, three!"
"SHANSHAAAAAAAYN!" Then click.
"Oh diba, ang cute natin. Tara na!" Kinuha ko kamay nya at pinulupot ko sa braso ko. Mahirap na, baka ma-out balance na naman 'tong minion na 'to.
Agad naming pinilahan 'yong roller coaster na gustong-gusto n'ya sakyan ng naka blind fold. Ewan ko ba ba't kailangan mag blind fold pa 'tong abnormal na 'to. Iyon din ang unang tinuro n'ya pagkapasok pa lang namin ng park. Well, alam ko naman talaga 'yon dahil sa bucket list n'ya. Medyo kaunti lang nakapila sa roller coaster ngayon kaya mabilis kaming umusad. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ilang beses ko na kasing sinubukang sumakay sa ganito pero 'yong adrenaline ko talaga grabe kung mag response. Inuulit ulit ko sana para maovercome ko kaso hindi e. Parang naninigas ako sa ere na hindi ko maexplain. Buti na lang din pala at magba-blind fold 'tong minion na 'to. Maiyak man ako sa ere, hindi n'ya makikita HAHAHA.
"Oy Sean, tayo na." Kalabit sa'kin ni Minion.
"Ha? Tayo na? Sinasagot mo na ba ako?" Ngumiti ako, 'yong ngiti ng pang-aasar HAHA. Bigla namang nagsi-ayiiieee 'yong ibang nasa pila.
"Tubol! Tara na nga. Nagko-cause na tayo ng delay dito sa kaharutan mo. Tse!" HAHAHA pikon.
Kapag binibigyan ka nga naman ng magandang pwesto, oo. Dito pa talaga kami sa pinakadulo. Mamiiiiii~ ayoko na. Kinikilabutan na ako susmaryusep. Espiritu ng kabaklaan lubayan n'yo ako. Owemgiiii. Medyo nanginginig akong sumampa sa roller coaster sa tabi ni Deborah na ngayon ay napaka lapad ng ngiti.
Pagka secure sa'min, kinuha ko 'yong blind fold para isuot sakanya.
"P-pano mo n-nalaman na g-gusto ko mag blind fold?" Pagtatakang tanong n'ya habang pinapakita ko sakanya yong hawak kong blind fold.
"Tss. Bucket list mo 'to di'ba?" Ngayon ay lalong nagtataka ang itsura n'ya. Eh? Seriously?
"P-pano mo n-nalaman 'yong tungkol sa b-bucket list?" Ah so, nakalimutan n'ya? Oo nga pala. Sabi ni Lia, isa 'yon sa mga epekto ng sakit n'ya.
"Ah basta. Isuot mo na 'to at baka umandar na." Isusuot ko na dapat sakanya nang biglang---
"Saglit picture muna tayo" Ngiii. Pero sige na nga. Kinuha ko cellphone ko para pagbigyan ang minion na 'to.
"One, two, three!"
"SHANSHAAAAYN!" At nilagyan ko na nga s'ya ng blind fold at sumenyas na 'yong staff na aandar na. Nakailang sign of the cross ata ako. Hesus Ginoo, iligtas mo po ako.
Nag-umpisa ng magpaandar ng roller coaster at nag-umpisa na rin akong manigas sa kinauupuan ko. 'Yong mga kamay at binti ko ramdam ko na ang panlalamig. Napalingon ako kay Minion na ngayon ay nakangiti lang. Bigla n'yang hinawakan ang kamay ko na katabi lang ng kamay n'ya sa may hawakan.
"Natatakot ka ba, Sean? Huwag kang matakot. Hawak kita, okay?" Sigaw ni Deborah. Mula sa mga sandali na 'yon, nakatitig na lang ako sa napaka-priceless na kasiyahan ni Minion. Panginoon, gusto ko pa po makita ng matagal ang mga ngiti n'yang 'yan. Huwag n'yo po agad kunin sa'kin si Shine.
No'ng natapos ang ride, tinanggal ni Minion 'yong blind fold. Nakangiti pa rin s'ya. Parang wala s'yang balak kiyumin ang mga labi n'ya. HAHA.
"Next time, try mo rin 'yong mag blind fold sa roller coaster." Naglalakad na kami ngayon sa park na parang walang direksyon. Kung saan-saan lang papunta.
BINABASA MO ANG
Someday, we will be a star (COMPLETED)
Novela JuvenilKasing liwanag ng bukang-liwayway ang pagtatagpo ng landas nina Eros at Deborah. Nagsilbing sinag sa buhay ng isa't-isa. Sumilip man sandali ang ulan, patuloy silang magkasama. Paano nga ba haharapin ang gabi kung sa pagsapit ng dapit-hapon, ang is...