Chapter 8: Will He answer if I pray?

109 15 0
                                    

"Spino-- what?" Nagtatakang tanong ko kay Lia.

"It's a genetic disease. Napapasa ang sakit na 'yan from generation. Sadly, nakuha ni Shine yun. Sakit s'ya sa Spinal chord. Alam mo naman siguro na ang ating Spinal chord ay connected sa brain." Tumingin lang sa'kin si Lia na parang nag-aantay sa isasagot ko. Hindi na naman ako makapag salita. Tinitigan ko na lang din s'ya na parang nakikiusap.

"Lagi s'yang nadadapa di'ba? Dahil yun sa sakit n'ya hindi dahil sa lampa s'ya.  Hindi nagtutugma ang nakikita n'ya sa nahahawakan n'ya. Kaya kung may pagkakataon na kapag may inaabot si Shine, akala n'ya abot n'ya na pero hindi pa pala. Nanlalabo ang paningin at pagiging makakalimutin. Problems with coordination and balance, uncoordinated walk, poor eye-hand coordination, vision problem, difficulty processing, learning and remembering information. Ilan lamang sa mga epekto ng sakit ni Shine. Kung napapansin mo na parang bigla-bigla na lang s'yang walang imik, balisa at parang natutulala, epekto rin ng sakit n'ya 'yon Eros. Lagi s'yang nag-ooverthink. At hindi n'ya naiiwasan iyon." Sa itsura ngayon ni Lia, halatang halata ang pag-aalala n'ya para kay Minion.

"Kamakailan lang, nakwento sa'kin ni Shine ang nangyari sainyo mula sa confessional. I was so shocked knowing that it was you."

"Yo'ng bucket lists" Nahina kong tugon.

"Oo Eros. Ngayon maiintindihan mo na kung bakit gano'n ka weird ang mga nasa bucket list ni Shine. Hindi n'ya gusto magnakaw. Gusto n'ya lang maexperience 'yon. Kaya nga agad s'yang nagtungo sa simbahan para ikumpisal ang nagawa n'ya. She just want to fulfill her lists."

"L-lia h-hindi ko a-alam."

"Talagang wala kang alam, Eros. Totoo na walang kaibigan si Shine coz she distance herself from others. As much as possible ayaw n'yang maattach sa iba. Marami na s'yang iniisip para dagdagan pa. Not until you came." Biglang napa buntong-hininga si Lia upon mentioning that.

"She was so happy. Genuinely happy at nasaksihan ko ang malaking pagbabago na iyon kay Shine. That's why I was so disappointed on you. No'ng nalaman ko kay Fatima na ginagamit mo lang pala si Shine para pagselosin s'ya. Hindi kasi nabanggit sa'kin ni Shine 'yon. Ang sabi lang sa'kin ni Shine, kapalit lang ng pagtatago mo no'ng confession n'ya ay ang ligawan mo s'ya. Eros--" This time, kitang kita ko na sa mga mata ni Lia ang sobrang sinseridad ng kanyang mga mata.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi mo para paglaruan ng gano'n si Shine." Lia hold my hand.

"Si Shine ang dahilan kung bakit ko nagawang isakripisyo yo'ng offer from abroad. I even quited working in hospital just to be with Shine. You see, I applied on your school clinic para lang mamonitor ko si Shine everyday kasi she insisted on going school."

"P-pero, gagaling naman si S-hine, di'ba Lia? Di'ba gagaling si---"

"Uncurable." Napahawak ako sa dibdib ko sa aking narinig mula kay Lia.

"H-hindi. J-joke ba yan, Lia?" Nailing-iling kong tugon.

"Walang gamot para sa Spinocerebellar Ataxia, Eros. Sooner or later--"

"No!" Napaupo ako at tinakpan ang mga tainga ko. Ayoko. Huwag mo sasabihin 'yan, Lia. Just don't.

Lumapit sa'kin si Lia at hinawakan ulit ang mga kamay ko.

"Look at me, Sean. Tumingin ka kay Ate." Lia calling me Sean. She's trying to make me calm. Bihira n'ya lang ako tawagin sa pangalan na 'yan.

"That's why I told you before. Layuan mo na si Shine.  Iwasan mo na s'ya. Masakit din sa'kin 'to, Sean. Kasi nakita ko kung ga'no siya kasaya mula no'ng dumating ka. But please, don't make it hard for her to let go." Sumikip ang dibdib ko sa huling sinabi ni Lia. Nasasaktan ako. 'Yong luha ko, ramdam kong nanggigilid na sa mga mata ko. What have I done? Ano ba 'tong ginawa ko kay Minion? Tinutusok na naman ako ni Lia. And this time, iba 'yong sakit ng tusok n'ya.

Someday, we will be a star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon