Chapter 1: Sunrise (Fake priest meet the minion)

496 27 0
                                    

"Father, bendisyunan n'yo po ako at ako po ay nagkasala."

What the fvck is this girl saying? Someone's outside this confessional and trying to confess to me? Hindi ako pari---

"Father? Nandiyan po ba kayo? I badly needed to confess please." Oh My God. Baka nakapatay 'tong babaeng 'to. Tapos mawi-witness ko buong confessions n'ya at pwede ako maging witness. Ang witty mo talaga Eros.

Kinuha ko ang phone ko and I start recording her confessions. "Sige Hija, magpatuloy ka. Pft." Taena natatawa ako.

"Father, okay lang po ba kayo? Paumanhin po pero kailangan ko po talaga mag kumpisal ngayon. Alam ko po pasado alas nueve na ng gabi pero parang 'di po ako makakatulog nang hindi 'to napapasa-Diyos." Hmmm. Mukhang mabigat nga ang kasalanan ng batang 'to. Huli ka ngayon bata!

I cleared my throat bago muling nagsalita, "Magpatuloy ka!" saad ko. Galingan mo acting mo Eros. Di ka naman nakikita n'yan. Ang kailangan mo lang, sakyan ang mga pangyayari. Kaya mo yan!

"Father, kasi po nagnakaw po ako sa isang store. Pasensya na po Father. Alam ko po na masama po ang pagnanakaw. Kaya humihingi po ako ng tawad sa Diyos sa ginawa ko." Buti nalang at nakarecord 'to. Lagot ka talagang bata ka. Syempre dapat complete evidence tayo. Specific dapat ang mga detalye.

"Ano ba ninakaw mo, hija?" Ayan. Dapat nasa ebidensya din kung ano ang ninakaw n'ya. Para solid, di'ba?

"F-father? Sasabihin ko pa po ba? P'wede po ba na w-wag ko na po s-sabihin?
B-basta po mga halagang 100 plus po ata." What? Anong klaseng magnanakaw 'to?

"Hindi hija, sabihin mo na kung ano 'yong kinuha mo. Huwag kang mag-alala, walang ibang makakaalam. Pagkatiwalaan mo ako dito, hija." Sabihin mo na. Lagot ka saking babae ka HAHAHAHAHAHAHAHA. Nakarecord pa rin ang pag-uusap namin. Solid nga e. HAHA

"N-napkin po, father." Wait what??????? Nap-- ano?

"HAAAAAAAAAAAAA?" Medyo napalakas ang boses ko sa narinig ko. Potangena, tama ba dinig ko? Ano daw?

"Father, ayos lang ba kayo? Ba't niyo po ako sinisigawan? Opo father. Napkin po ninakaw ko sa store kanina. Father patawarin po ako ng Panginoon. Di ko na po uulitin." Potangena talagang huwag mo ng ulitin. Juskopo, 'di ko na ata kaya.

"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA." Bwisit. Tangenamo Eros, pari ka. Ba't ka tumawa? Paktay.

"Hija, ano ginagawa mo d'yan? Magkukumpisal ka ba?" No fvckin way real father.

"H-ha? P-pero may kausap na po ako dito f-father? Hindi po ba k-kayo to? Yong kausap ko sa k-kabila?" Ngayon ikaw ang lagot Eros. Wag mo 'ko ilaglag Kuya, please.

"Eros? Ikaw ba ang nandiyan? Lumabas ka nga diyan!" Game over. Lumabas ako at tumambad sakin ang mukha ng isang binibining gigil na gigil at parang gustong pumatay. Tinignan ko sya with a smirk. At ginantihan nya ako ng 'walang-hiya-kang-tubol-ka-look'.

Wait, what? Tubol?

"Eros, ano ba ginawa mo? May magkukumpisal pala ba't hindi mo ako tinawag?"

"Sorry Kuya," sagot ko habang nakatingin pa rin sa magnanakaw ng napkin na nasa harap ko ngayon. Wtf-- natatawa na naman ako.

"Debale na po father, paumanhin po. Sa sunod na araw na lang po. Pasensya na po kayo at nakaabala pa ako ng ganitong oras. Hayaan n'yo po at sa susunod, hahanapin ko po kayo agad para po di ako makapag confess sa mukhang tubol este maling Pari po. Pasensya na po. Mauuna na po ako. Magandang gabi, father." Papalabas na ng simbahan si 'magnanakaw ng napkin' nang bigla itong lumingon sa 'kin at sumenyas ng kanyang kamao. Aba at ang tapang ng babaeng to ang liit-liit naman. Tss.

"Sige Kuya, uwi na ako. HAHA." Paalam ko kay kuya at agad kong hinabol yong 'magnanakaw ng napkin'

"Hoy! Saglit nga! Bago mo ako angasan, siguraduhin mo munang wala akong hawak na impormasyon tungkol sayo, ha?" saad ko sakanya na ngayon ay lalong galit na galit ang mukha. HAHA. Minion ba 'to? Baka bigla tong sumigaw ng banana.

"Hoy Mister fake priest na mukhang tubol, wag mo rin akong aangasan. Baka nakakalimutan mo, ikaw 'tong may kasalanan sa 'kin? Ano naman kung nalaman mo 'yon? Sa tingin mo may maniniwala sa'yo pag pinagkalat mo? Duh. Shut up. Wag mo akong tatakutin dahil hindi ako natatakot sa banta mo. At umalis alis ka d'yan sa daraanan ko bago magdilim ang paningin ko at matusok ko yang mata mo!"

Aba at palaban 'tong minion na magnanakaw ng napkin ha, kala mo naman talaga e maaabot n'ya mata ko HAHA. Kinuha ko yong cellphone ko at ipinarinig sa kanya ang recordings. Nanlaki ang mga mata n'ya na parang na-gets n'yang narecord ko napag-usapan namin.

Inilapit ko mukha ko sa mukha n'ya. Maganda naman pala 'tong minion na magnanakaw ng napkin na to. Puwedeee.

"Now tell me, sa tingin mo ba walang maniniwala sa 'kin? Kung ayaw mong kumalat sa buong St. Agnes International campus tong confession mo, meet me tomorrow sa gate 3 ng campus, 5PM sharp. Bring no one but only yourself. Ma-late ka lang kahit one second sisikat ka na. Nagkakaintindihan ba tayo ha minion na magnanakaw ng napkin?" Bakas sa mukha nya ang pagkaasar at pagmamakaawa at the same time. HAHA. It's showtime!

Someday, we will be a star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon