Chapter 12: It's okay, I won't judge

115 14 0
                                    

Naghahanda na ako para sa lakad namin ngayong gabi ni Deborah. This is so weird and uncomfortable pero sinuot ko pa rin highschool uniform ko. Mahabaging Panginoon.

"Where are you going? Bakit mo suot-suot yan? Mukha kang tiwaling estudyante HAHA." It's Lia having dinner.

"May lakad kami ni Minion at nasa bucket list n'ya 'to. Huwag mo nga ako pagtawanan. Kasya ko pa naman 'tong uniform aah." Hindi talaga mapigil ni Lia ang tawa n'ya.

"Ano namang trip ni Shine 'yan? Magde-date kayo ng naka uniform?"

"Ay ewan ko sa'yo, Lia. Aalis na ako at baka hinihintay na ako ni Deborah. Bye!"

"Hoy saglit!" Haynaku talaga Lia, ang sungit pa naman ng Minion na 'yon.

"Alagaan mo si Shine ha? Alalayan mo s'ya palagi. As much as possible, huwag mo s'yang hayaang bumagsak ng malakas. Never leave her side at baka mapano s'ya. Kapag may aabutin s'ya, iabot mo na agad sakanya. Kapag may nangyaring hindi maganda---"

"Lia, stop! Huwag ka naman magsabi ng ganyan."

"Pasensya naman Eros. Pinapaalalahanan lang naman kita para alam mo gagawin mo. Basta ha, call me immediately. Tatandaan mo 'yan." Hays isa din 'tong makulit eh.

"Oo na po, Lia. I'll call immediately. So, pwede na ba ako umalis? Kasi baka mainip na naman ang Minion na 'yon at sungitan na naman ako." She just chuckled and wave.

No'ng dinaanan ko si Minion sa kanila at nakita ko rin s'ya in her highschool uniform, natatawa na rin ako. Kaya pala pinagtatawanan ako ni Lia kanina kasi nakakatawa naman talaga HAHA. Ano ba kasing trip 'to ng babaeng 'to?

"Nabanggit ko ba sa'yo na gusto ko sumayaw at magparty ng naka school uniform?" Tanong ni minion habang binabaybay namin ang daan papunta sa Bar.

"Oo. Hehe. Bakit? Hindi mo ba matandaan? Okay lang kasi medyo matagal na rin 'yon no'ng sinabi mo kaya baka hindi mo na talaga natatandaan 'yon." Nakangiting sagot ko sakanya. At baka kasi mag overthink na naman s'ya about sa pagiging makakalimutin n'ya.

"Eh bat natatandaan mo pa? Dapat nakalimutan mo na rin 'yon kasi medyo matagal na pala no'ng sinabi ko sa'yo eh." Naku naman.

"Gusto ko kasi gawin 'to para sa bucket list mo kaya tinandaan ko talaga." Doon lang tayo sa safe na mga sagot.

"Bakit mo ba ginagawa sa'kin lahat ng mga 'to? Alam mo, kapag patuloy kang ganito, iba na ang iisipin ko." Napabuntong-hininga nalang ako.

"Just let me do these things for you. Masaya ako, na napapasaya kita. I feel contented knowing that I made your day. I feel honored whenever I see those precious genuine smile of yours. Hindi kasi 'yan 'yong una kong nakita sa'yo no'ng nagkakilala tayo. Just let me do this. No pressure about my feelings for you or how you feel about me. Just let me do this. Okay?" Nagkibit-balikat lang s'ya sa mga sinabi ko.

Totoo naman kasi. Hindi ko na iniisip 'yong nararamdaman ko para sakanya o kung ano man ang tingin n'ya sa'kin. Ang tanging gusto ko na lang sa ngayon ay ang punuin s'ya ng mga masasayang memories at extra-ordinary experiences. Gusto ko na lang sa ngayon ay bigyan s'ya ng mga alala na pwede n'yang baunin sakali man na umalis s'ya (huwag naman po sana).

Pagpasok namin sa Bar ay hinarang kami as expected. Nilabas namin ni Minion ang I.D namin na paulit-ulit kong binilin sakanya at baka nga talaga hindi kami papasukin dahil sa minor-look namin. Naku naman po. Kita naman sa mga Identification namin na hindi na kami minor kaya pinayagan kami makapasok.

Grabe hindi ko maisip bakit gusto ni Minion maexperience dito. Napaka-ingay, ang liligalig ng mga tao, maraming lasing, hays. Nilingon ko si Minion at as usual, manghang-mangha na naman s'ya sa mga nakikita n'ya at naalog alog pa s'ya ng ulo n'ya habang nasunod sa beat ng tugtog. Hindi naman obvious na naeenjoy n'ya. Naku.

Someday, we will be a star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon