"Tayo ba talaga?"

1.9K 47 7
                                    

Matagal na tayong magkasama
Palaging nag tatawanan pag lagi tayong nagkikita
Halos hindi matanggal ang ngiti sa aking mukha
Na para bang ikaw lang nakikita ng aking mga mata

Ngunit may katanungan sa aking isipan
Tayo ba talaga?
Kasi kung tayo
Bakit parang wala lang sayo?

Kaya mo akong hindi pansinin ng isang linggo
Nakakapanibago,
Nakakapanibago nga ba o may bago?
Ah! teka nagkamali ako
Meron nga ba talagang tayo?

Hindi na ako aasa na magiging tayo pa
Dahil tatanggapin ko na
Na ang tanong na,
"Tayo ba talaga?"
Ay hindi mo na masasagot pa

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon