👰CHAPTER 3👰

2.7K 66 0
                                    

Flashback pa rin...

Kim's POV

Hindi ko inasahan na sa ganoong paraan ko makukuha ang first kiss ko. Shet!!! Sa bakla pa? *kilig*

Oo na. Walang kaso sa akin kung bakla siya o straight. Ang importante, good looking siya at matalino. Sa pagkakarinig ko sa mga nagbubulungang mga estudyante kapag malapit itong seatmate ko, isa siyang sikat na school geek. Gwapo kasi. Bakla lang talaga siya. Kahit hinalikan na niya ako, hindi pa rin ako maniniwalang lalaki siya. Ang lakas kaya ng radar ko sa mga beki.

At kahit alam ko na ang sikreto niya, hindi ko siya titigilan hanggang hindi siya nagpapakatotoo.

Mukhang maganda din naman ang ginawa kong paglipat sa public school. At least dito, wala si Hanna. I hate her to the bones. At siya ang dahilan kung bakit ako itinapon sa public school ni Daddy. She played victim.

Oo, pa-victim siya. Hindi ko siya inaano pero ilang beses niya akong ginalit.

She stole my bag, itinago niya sa CR ng mga lalaki.

Nilagyan niya ng tae ang locker ko na i-shinoot niya sa tatlong pahabang butas ng locker. Ang effort niya duon, in fairness.

Itinali niya sa puno ang best friend ko at pinalabas niyang ako ang nag-utos.

At ipinakalat niya sa school na hindi na ako virgin dahil kung sinu-sino daw ang boyfriend ko sa school.

Isang beses ko lang siyang pinatulan, pero dahil botante ang mga magulang niya, ako lang ang pinarusahan.

Sukang-suka na ako sa buhay ko. I am done kissing everybody else's ass. Bata pa lang ako, kailangan ko ng maging prim and proper. Kailangan maganda din ang image ko sa lahat at kailangan lahat ng tao ma-please ko dahil sa mga political ambitions ni Daddy.

I am just his puppet, not his daughter.

Ako ang unica hija niya pero kung ituring niya ako, para niyang tauhan. Kaya hindi totoo ang chismis tungkol sa mga unica hija na spoiled brat. Ang kuya ko naman, masyadong masunurin kay Dad kaya wala siyang problema. Parehas nila kasing gusto ng power. And my mother is nothing but a porcelain doll. Palamuti lang ang ex-actress kong ina sa buhay niya. At walang ginagawa si Mama dahil nabibigay naman ang lahat ng gusto niya.

Some may think that I have a good life, but in reality this is a living hell.

Walang may pakialam sa akin, and I ended up loving it when I can get their attention because I was acting stupid.

Hindi alam ni Dad na sobra ang saya ko noong nagpunta siya sa school para pagalitan ako dahil hinila ko si Hanna gamit ang buhok niya mula sa 4th floor ng Science Building namin hanggang sa gitna ng oval.

My Dad act as if he did wrong. Nag-sorry siya pati sa akin dahil ina-acknowledge niyang may pagkukulang siya, pero pagkatapos ng usapan sa guidance office ginulpi niya ako sa bahay. Itinapon niya pa ako sa public school.

Kaugali ko naman daw ang mga mahihirap. Ang plastic niya.

I hate him.

I hate what he become after he tasted a glimpse of fame and honor. He used to be my hero, my first love. Pero mula nang madungisan ang kamay niya ng pulitika, nawalan na din ako ng ama.

"Ayos ka lang ba?" natigilan ako nang marinig si Aldous. Anak siya ng driver ni Dad. Magkasing edad lang kami at dahil empleyado ni Dad ang Papa niya, pati siya, kargo ng pamilya namin. Magkaklase kami dati pero ngayon, obviously hindi na. "Kanina, nakangiti ka, tapos bigla ka na lang nalungkot. Ano'ng iniisip mo?"

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon