👰CHAPTER 17👰

1.6K 43 7
                                    

Chris' POV


Tulala pa rin ako hanggang sa balikan na ako ni Tere.

"Ano'ng nangyari?"

Umiling lang ako saka tinanggap ang inalok na alak sa akin ng waiter. "Bigla na lang siyang umalis."

"Huh?"

"Boyfriend niya ba 'yung afam na 'yon?" hindi ko na matago ang iritasyon sa boses ko. Tila bumaba pa ng husto ang boses ko dahil sa galit. Ang saket kasi besh.

"Sino? Dumating ba si Fabio?"

At may pangalan pa 'yung gagong 'yun? "Tangina. Boyfriend niya nga?"

Nagulat si Tere. "Kalmahan mo nga 'te? Hindi niya pa jowa, pero nanliligaw daw."

"Nagpapaligaw siya?"

"Bakit? Wala naman na kayo." May sasabihin sana akong hindi maganda nang awatin ako ni Tere. "Bago ka kumuda d'yan, sabihin mo muna sa akin kung ano'ng nangyari. Ano'ng sinabi mo?"

"Sana pala pinarecord mo 'te. Nanggigil ako sa'yo."

"Sorry na. Najejebs kasi ako."

"Kadiri ka!"

"'Wag ka ng magselos d'yan ah. Ginagamit niya lang si Fabio para maka-move on pero wala siyang feelings dun."

"Walang feelings? Kung makipag-holding hands nga siya."

"Hay nakoo, hindi ko alam na possessive ka pala ah."

"Kay Kim lang naman ako ganito."

She looked at me in a teasing way. Gusto ko siyang sabunutan para mawala 'tong stress ko pero tinutulungan ako ni Tere. Isa pa, sayang ang pagplantsa niya sa buhok niya kaya pinigilan ko ang sarili ko. Mas gusto ko pa ring manapak. Oo. Gusto kong upakan 'yung afam na epal.

"Imbes nagngingitngit ka dyan, sundan na lang natin sila. Halika!" Nakinig nga ako sa kanya.

Mabilis namin silang nakita at pinilit akong uminom ni Tere para mamanhid daw ang puso ko habang nakatingin sa dalawa na mukhang nagkakamabutihan na. Ang kapal ng mukha ng afam na iyon na bumulong kay Kim. I can see on her eyes that she has been taken aback by his words.

Ano kayang sinabi ng tukmol na 'yon? Sana 'wag niyang binabastos si Kim kundi mapapadugo ko talaga ang bunganga niya.

Mas lalong napadami ang inom ko dahil tangina, mas masakit na makitang pinipilit niyang enjoy-in ang oras nila ni Afam.

Kim, please. Bumalik ka na lang sa akin. Please.Paulit-ulit na sigaw ng isip at puso ko, pero parang hindi na niya ako marinig.

Malapit na akong sumuko nang makita kong hinalikan siya ng afam sa labi. Nabitawan ko agad ang hawak kong bote saka ako lumapit sa kanila.

Hinila ko si Kim palayo sa lalaking iyon. Kung ako pa ang dating baklang minahal niya, baka halikan ko pa tong foreigner na ito. Kaya lang, galit ako sa kanya kaya nasapak ko siya. Hindi na ako nag-isip, kaya hindi ko ine-expect na sasapakin niya din ako.

Since wala pa akong nakasuntukan buong buhay ko, dalawang suntok pa lang knock-out na ako.

Kim's POV

It was very quick, na wala na ako halos nagawa. Napatili na lang ako. Halos mabaliw ako nang nakitang nagpapalitan sila ng suntok hanggang sa mawalan na ng malay si Chris. Mabuti at naawat si Fabio ng mga waiter.

I can hear Fabio's anger. Minumura niya si Chris, while he is lying on the floor helpless. Siya ang agad kong nilapitan. "Chris!"

Umiiyak na ako dahil nakita kong may dugo sa gilid ng labi niya. Dahil maputi pa siya, mabilis na nagkulay-talong ang mata niya.

"Kim, come here." sabi ni Fabio, sabay hila sa akin. "That man is crazy!"

Mabuti na lang at nakalapit na agad si Tere kay Chris. "Fabio, I know this person."

"Is he your boyfriend?"

Hindi ako nakasagot at mabilis akong lumapit sa best friend ko. Si Tere naman ang lumapit kay Fabio. I pulled him closer to me. "Kim." paungol na tawag ni Chris sa akin.

Tinulungan ako ng ibang waiter na itayo siya at inalalayan namin si Chris na maupo sa isang upuan malapit duon.

Naririnig kong ine-explain ni Tere kay Fabio ang mga nangyayari, palibhasa magaling siyang mag-espanyol kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para maasikaso si Chris.

Bukod sa nasapak siya, mukhang lasing din ang lukaret dahil nang mahimasmasan siya mula sa suntok ni Fabio, nagsimula na siyang mag-rant.

"Ang sakit no'n ah! Ikaw! Akala mo siguro mas gusto ka ni Kim kesa sakin no? Hoy! Ako ang first love nito! Chura mo! 'Wag na 'wag mong hahalikan ang girlfriend ko ah! Gugulpihin talaga kita!"

"Shuu. Hindi mo ako girlfriend." bulong ko sa kanya saka ko sinadyang idiin ang yelo sa sugat niya.

Hindi siya nagreklamo pero nakikita kong nasasaktan siya. Nagulat na lang ako nang si Fabio na ang umalalay kay Chris. "We can't let this crazy bastard ruin everyone's night."

"I'm sorry Fabio." iyon na lang ang nasabi ko.

"Not your fault."

Tahimik lang si Fabio habang naglalakad kaming apat. Pumara siya ng taxi kahit malapit lang ang villa ni Tita pero hindi siya sumakay.

"I think I will drink some more." he said.

"Can I join you?" mabilis na sabi ni Tere.

Hindi naman tumanggi si Fabio kaya hinayaan ko na silang umalis.

Mag-isa kong inuwi si Chris.

Hindi naman siya ganoon kalakas uminom kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagsuka sa sala. Matyaga ko siyang nilinisan at binihisan gamit ang damit na nakita ko sa kwarto ni Fabio saka ako naglinis ng sinukahan niya.

I am planning to leave him on the sofa kaya pagkatapos kong maglinis, aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa pulsuhan ko.

He pulled me towards him. "Dito ka lang. 'Wag kang umalis please?"

"Magpahinga ka na tapos umalis ka na bukas. This would be the last time that I will say this, Chris."

He let me go.

Hahayaan ko na munang kumalma siya at kumalma ako. Kailangan kong pag-isipan ito ng maigi. Hindi biro ang nakataya dito. Puso at tiwala ko na naman ang kapalit kapag hindi ako nag-ingat at nag-isip ng mabuti.

Itutulog ko muna ito. Baka sakaling bukas, makakapag-isip na ako ng matino.

Chris' POV

It was the coldest night I had ever experienced. Parang gusto ko na lang mamatay. First time in my entire existence I felt like dying because of rejection.

Hindi naman ako ganoon dati. Madali ko lang natatanggap na hindi ako perpekto at may mga taong hindi ako tatanggapin, pero bakit kay Kim, hindi ko kaya?

She's my life.

Accepting my defeat is too close to impossible, but I can't deny that I am in the middle of an internal battle between staying or giving her up.

No. Hindi ko siya isusuko.

Mas maganda sigurong sabihin na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, gusto ko siyang makitang maging masaya. At kung hindi man iyon sa piling ko, ayos lang. At least sinubukan ko.

Hindi ako sumuko.

Nagparaya.

Baka nga mas magiging masaya siya sa straight na lalaki.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. I stood up and walk away.

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon