👰CHAPTER 15👰

1.6K 49 3
                                    

Chris' POV


Ang daming fafa hindi pa man kami nakakababa sa eroplano. At oo, hindi ako impokrita para hindi aminin na napapatingin ako sa mga straight na lalaki, pero palagi kong naiisip si Kim kaya imposibleng madistract ako.

"Laway mo!" nangangantiyaw na sabi ni Tere habang sinusundan ko siya sa paglalakad niya palabas sa airport.

"Gaga. Hindi naman ako naglalaway ah!"

Aliw na aliw siyang tinutukso ako pero lakompake. Sumakay kami ng taxi, at dinala niya ako isang malaking Villa. Kasing ganda ng hotel namin sa Rose Island pero mas maliit ang isang ito.

"And'yan si Kim. At bahay 'yan ng Tita niya. Actually, ako, pwede akong pumasok d'yan. Ikaw hindi. And that's your challenge."

"Huh?" bago pa man ako makapag-reklamo, nilayasan na niya ako. Dumila pa siya na parang bata nang bumukas para sa kanya ang malaking gate ng number 8 na villa na nasa tabi ng dagat.

Shet... paano na 'to?

Kim's POV

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Tere.

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako pero hindi ko inaasahan na pupunta siya dito, NGAYON.

"Oh my gosh! Ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko nagpa-pack ka ng gamit for Ilo-ilo?" iyon kasi ang nasa IG story niya.

"Hahahaha Gaga, siyempre eme lang 'yun 'noh? I miss you girl!"

"I miss you too!"

"Mula nung bumalik na 'yang memory mo, hindi ka na nakipagkita sa akin. Nakakatampo ka tapos magkukwento ka na lang na andito ka na sa Cancun? Nakakatampo. Grabe!"

Biglang lumabas si Fabio mula sa kusina. Mukhang siya ang nagbukas ng gate kanina kaya alam niyang may bisita ako dahil may dala siyang food and welcome drink for 2.

"Hi, Ladies." napatutop si Tere nang makita ang topless na si Fabio.

"OMG, jowa mo girl?"

"Hindi. Manliligaw." I remembered the dinner last night. Hindi ako masyadong umiimik pero totoong naramdaman ko ang sincerity ni Fabio. He's very gentle. Kung hindi nga lang sumama ang pakiramdam ko kagabi, baka nahalikan ko na siya.

Yeah... last night, I passed out after dinner. Mabuti at nasa yate kami ni Uncle Miguel at may kasama kaming nurse na crew. It was over fatigue at inabisuhan nila akong mag-PT ngayong umaga pero hindi ko nagagawa dahil sa pagdating nitong best friend ko.

"Oh my gosh... can I touch?" NBSB si Tere kaya naiintindihan kong hayok siya sa lalaki.

Natatawang pumayag si Fabio. "Sure." Manghang-mangha siya habang hinahaplos niya ang braso ni Fabio. At mas lalo siyang natawa nang magtititili ang best friend ko.

"My gosh bes! Ang yummy naman nito!" She even throw him a flirty smile. "Akin na lang."

"Then ask him out."

"We can have a dinner later but you need to come." sagot ni Fabio sabay turo sa akin. Iniwan niya kami sa sala at ang dinala niyang tray.

Hinila ni Tere ang buhok ko. "Ang swerte mong babae ka! Sabagay, dati ka pa namang may ganyang charm sa mga pogi dahil maganda ka talaga. May isa lang akong tanong sa'yo. Paano si Chris?"

Natigilan ako sa pag-inom sa shake na dala ni Fabio. Dahan-dahan kong inilapag iyon sa lamesita.

"Oh diba, hindi ka nakasagot. 'Yang kagagahan mo talaga."

"'Wag na natin siyang pag-usapan."

"Ano ba kasing nangyari? Sa mga kwento naman niya, naging okay kayo. What went wrong?"

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon